Chapter 49

169 5 0
                                    

Ngayon na ang araw ng paglilitis ng kaso. Ngayon ang araw kung saan isasalang ang mag-amang Nunez, na sina Jerick, Erickson at Don Sebastian.

Nasa City Hall sila ng San Luisita para sa hearing. Nandoon ang lahat ng kapisan ng samahan ng mga magsasaka. Naroroon din ang mga kapanalig nina Alejandro at Cassandra. Nahahati ang panig ng kinauupuan nila. Nasa kaliwa ang panig ng mga Nunez, nandoon nakaupo ang kanilang attorney at ang mag-amang naka-suot ng kulay orange na damit. Nandoon din si ginoong Abuevo na nag-iisang kapanalig ng mag-ama.

Nasa kanan naman nakaupo ang lahat ng magsasaka na halos pumuno sa upuan, nakatayo naman ang iilan na nasa gilid, kumpleto ang lahat, naroon sina Ka-Tonyo, si manang Anda, ang mga kaibigan ni Cassandra na sina Christian at Sherly, naroon din sina Juan, Luis, Felix at iilang testigo para sa kaso.

Nasa harapan si Cassandra at si Alejandro na seryosong nag-uusap habang katabing nakaupo. Naghihintay sila ng pagdating ng judge.

"Kinakabahan ako..." sabi pa ni Cassandra kay Alejandro. Maagap namang inabot ni Alejandro ang kamay ni Cassandra at hinawakan.

"Don't be scared, I'm here, baby..." anas pa nito saka pa inabot ang pisngi ni Cassandra ng isang masuyong halik.

"All rise!" Narinig pa ng lahat nang makitang dumating na ang punong hurado.

Nang tuluyang makapasok ang hurado ay nakatayo ito sa gitna at pumunta sa upuan na nasa itaas.

"Please be seated." Sabi pa nito na kumumpas pa ng kamay na paupuin sila.

Nagsi-upo silang lahat bago pa muling narinig ang pagpokpok nito sa isang martilyong yari sa kahoy.

"Narito tayo ngayon upang siyasatin ang kaso patungkol sa dalawang partido, sa nasasakdal na sina Don Sebastian, Jerick at Erickson Nunez, at sa kabilang panig na sina Attorney Primero Guerrero at binibining Cassandra Monteverde, ang nagsakdal. Ito ay patungkol sa reklamong panggagahasa ni Jerick sa biktimang si binibining Cassandra, na ayon sa piskal na report ay positibo. Kasangkot din sa kasong ito ay ang pamumulistya ni Erickson sa kaniyang estudyante na kumunsulta at humingi ng tulong dahil sa sapilitang pagtatalik kapalit ng mataas na grado. At panghuli, ay ang akusasyon ng samahan ng magsasaka patungkol sa pangingikil ni Don Sebastian na nilabag ang batas para sa manggagawa." Sabi pa ng taga-usig o tagapagsalita ng korte.

Muling pinokpok ng hurado ang martilyo tanda na mag-uumpisa na ang panunumpa ng dalawang partido.

Ang representante sa mag-amang Nunez ay si Atty. Cecilio Solidad na siyang kaibigang matalik ni Alejandro. Ito ang libreng attorney na nai-provide ng cityhall sa mag-ama, since walang nangahas na kumuha sa kaso nila, dahil alam nilang talo talaga sila kapag si Alejandro ang binangga nila. Si Alejandro na nga ang kumausap sa abogado na kunin na lang ang kaso sa mag-ama at kayaning ipagtanggol ito sa abot ng makakaya at testimonya nito.

"Magsimula na tayo," bungad pa ng punong hurado na tumayo sa gitna. Itinaas pa nito ang kanang kamay.

"Sununod kayo sa sasabihin ko," dugtong pa nito.

"Ako, isiwalat ang inyong ngalan, na nandito sa korteng ito na may saktong isip at responsableng estado ay nagsasabi ng katotohanan, pawang katotohanan at walang iba, kundi katotohanan lamang." Sabi pa ng hurado na sinipat ang gawi ng kaliwa at kanang bahagi ng korte. "Nawa'y patnubayan ako ng panginoon." Huling sambit pa nito saka naupo pabalik sa silya nito.

Nag-umpisang pokpokin ng hurado ang martilyo, tanda na pwede nang mag-umpisa ang pag-uusig sa pangunguna ng nasasakdal. Tumayo si Atty. Cecilio at dahan-dahang tinungo ang silyang kinauupuan ni Cassandra sa kanang bahagi.

"Binibining Cassandra, maari n'yo po bang isiwalat kung paano n'yo nasisiguradong ginahasa kayo ni Jerick Nunez?" sabi pa ng attorney na halatang ayaw depensahan ang kaniyang partido.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon