Chapter 25

262 7 0
                                    


Pasado alas singko na ng hapon nakauwi sina Cassandra at si Christian. Mga lasing ito kaya laking pagtataka ni manang Anda nang makarating sila.

"Oh anong nangyari sa inyo ba't kayo mga lasing?" iyon ang tanong ni manang Anda nang makita ang dalawa.

Ngumiti lang si Cassandra saka pa nagsalita.

"Manang nasaan po si Alejandro?" gumegewang ang paglalakad nito.

"Naku señorita wala po dito si Alejandro dahil may pinuntahan," sabi pa ng matanda.

Umismid si Cassandra saka pa inalalayan ni Christian.

"Naku manang mauna na po ako kasi mag-gagabi na baka hinahanap na ako sa amin," sabi pa ni Christian sa matanda saka pa ito nagpaalam.

"Oh siya sige iho mag-iingat ka,ako na lang ang kakausap ni senyorita Cassandra kapag okay na to," sabi pa ni manang Anda na agad kinuha si Cassandra at mabilis na inalalayan.

Dahan-dahang inalalayan ni manang Anda si Cassandra kanyang kwarto. Nang maihiga niya ang dalaga ay nailing na lang ang matanda.

"Ano na naman kaya ang problema nito?" Iyon ang tanong ni manang Anda sa dalaga na noo'y walang malay.

"Naku,'tong batang 'to, napakapasaway," iling ni manang Anda saka ka kinumutan ang dalaga. Agad naman itong umalis at sinarado ang pinto.

Sa kabilang banda.

Masayang nakipagsayaw si Alejandro sa mga kababaihan doon sa bahay ni nina Lolita. Nandoon sina Lolita at ang mga kaibigan nito.

Ngayon ang kaarawan ni Lolita kaya minabuti ni Alejandro na um-attend doon. Mayamaya pa ay nagsidatingan sina Luis at mga kaibigan nito.

"Uy, 'tol, nariyan ka pala!" bati pa ni Luis na agad yumakap kay Alejandro.

"Mabuti't nakarating kayo," sabi pa ni Lolita na nakangiti lang.

"Siyempre, birthday mo eh," sabi pa ni Luis na kontodo ngiti sa dalaga.

Alejandro pinned his eyes to his friend. Napansin agad iyon ni Luis kaya minabuti niyang dumistansya muna. Alam niya ang ibig sabihin ng mga titig ni Alejandro na gusto nitong dumistansya siya kay Lolita, alam nilang ganoon si Alejandro sa kaniyang mga kaibigan, lalo na kay Lolita dahil para na itong kapatid sa kanya.

"Okey, fine. Chill..." nakangiting saad pa ni Luis na tinapik pa sa braso si Alejandro.

Nang makalayo si Luis ay nagsalita si Alejandro kay Lolita. "Lolita, tanggapin mo ang munting regalo ko," sabay na abot ni Alejandro sa dalaga na agad namang lumawak ang ngiti.

"Naku, nag-abala ka pa...naku ang ganda!" bulalas pa nito nang makita ang bracelet.

"Wow, may initials mo pa." Ngiti nito.

"Akin na, isusuot ko." Sabi pa ni Alejandro na masayang isinuot sa dalaga ang bracelet. Alam niyang kahit sa mumunting regalo man lang ay mailaan niya kay Lolita, malaki ang pagkukulang niya bilang kuya rito, kaya mas mainam na maging kaibigan niya ang sariling kapatid, nang sa gan'on ay makita at makausap niya ito ng walang pag-aalinlangan.

"Salamat.." ngiti pa ni Lolita na tila kinikilig sa surpresa ni Alejandro. Tipid na ngiti lang ang neresponde ni Alejandro.

"Lolita...hindi na ako magtatagal. Kailangan ko nang umuwi." Paumanhin pa ni Alejandro sa dalaga.

"Pero maaga pa naman," hinila pa nito ang braso niya.

Ngumiti siya saka hinaplos ang buhok ng dalaga. "I gotta go, I have someone I must care of," ani pa nito na ikinalungkot ng mukha ni Lolita.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon