Chapter 5

25.9K 381 0
                                        

Chapter 5

Imagination

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si David na nakatayo sa paanan ko at nakatingin sa akin.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko sa kanya. Pagtayo ko ay napansin ko yung kumot na nakapulupot sa bewang ko.

"Ingatan mo nga yang sarili mo. Paano kung ibang tao ang kasama mo sa kwarto? Kababae mong tao burara ka sa katawan mo."

Pagkasabi nya nun ay tinalikuran na nya ako. Did he say that? Napangiti naman ako dahil doon. He seems so concerned. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa sa parte na iyon.

Pero agad ko ding inalis yun sa isipan ko ng maalala ko kung anong meron kami. Kaya agad akong tumayo para magpunta sa kusina.

Habang inaayos ko yung mga sangkap na lulutuin ko para sa sinigang na hipon ay napatingin ako sa likuran ko. Doon ay nakita kong nakatayo sa gilid ng divider si David.

Tinaasan ko sya ng kilay habang seryoso syang nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip nya kaya inalis ko na din ang tingin ko sa kanya. 

Una kong hinugasan ang bigas at sinalang iyon sa rice cooker. Pagkatapos nun ay isa isa ko ng hiniwa ang mga gulay na kakailanganin ko para sa sinigang. Nang mahagip ko ng tingin si David ay nakita ko syang nakatulala habang nakakunot ang noo kaya nilapitan ko sya at kinurot.

"Ouch!" daing nya habang tinitignan ako ng masama.

"Nakatulala ka kasi baka mahipan ka ng hangin dyan. Pasalamat ka concern ako sayo."

Nakita kong inirapan nya ako kaya ginaya ko din sya. Bwisit! Ke lalaking tao nang iirap. Ang sungit sungit, dinaig pa babaeng may dalaw.

Bago pa ko tuluyang mainis sa kanya ay binalikan ko na ang niluluto ko. Habang pinakukuluan ko ang hipon ay biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi ni daddy sakin kanina.

Napairap ako sa kawalan ng mapagtanto ko sa sarili ko na iniimagine ko yung sarili ko bilang asawa ni David. Wala naman sigurong masama hindi ba? Besides, I know where to stand myself. Alam ko kung ano ba talaga kami. Kaya hahayaan ko na lang ang sarili ko na mag imagine ng ganito.

Well, wala akong mapipintas kay David. When it comes to his looks, masasabi ko na ang swerte ng babaeng mamahalin nito. He has a black deep set of eyes na sobrang mysterious ng dating para sakin. His pointed nose that really suits to him. His red and luscious lips na kaysarap halikan.

There, bigla kong naalala yung nangyari samin kaninang umaga. At kahit hindi ko sya kaharap ay pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi. Nang dahil sa sobrang pag iisip ko doon ay hindi ko namalayan na hinawakan ko pala yung kaldero ng walang pot holder.

"Aray!"

Damn! Nakita kong mabilis lumapit si David sa akin.

"What happen?" he asked while looking at me. Hindi ko alam kung tama ba yung nakikita ko na pag aalala sa mga mata nya. Kaya hindi ko na napansin na kinakausap nya pala ako.

"Im asking you Athena what happen?" he repeated again his question. Iniwas ko yung tingin sa kanya bago ko sya sinagot. Masyadong malapit ang mukha nya sakin kaya kinakabahan ako.

"A-ano, napaso lang ako," sagot ko sa kanya. Gusto kong magmura ng maramdaman ko ang mainit na hininga nya sa kamay ko.

Habang patuloy nya na hinihipan ang napaso kong mga daliri ay nakaramdan ako ng kakaiba sa katawan ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit yung paligid ko kaya binawi ko na yung kamay ko sa kanya.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon