Chapter 29

16.6K 226 13
                                    

Chapter 29

Bitch at Beach

Humiwalay ako kay David ng marinig kong tumunog ang cellhphone. Kinuha ko iyon sa bulsa para tignan kung sino yung nagtext.

Cassie:

Athena, nandito na kami sa restaurant sa baba. Sunod na lang kayo ni David.

"Uy, nasa baba na daw sila Cassie," pagbibigay alam ko sa kanya.

Parang hindi nya narinig ang sinabi ko dahil nakatitig lang sya sakin.

"Huy, David!" I snap my finger on him. "Tara baba na tayo, palagi na lang tayo ang hinihintay nila."

Mukhang wala syang balak na tumayo kaya hinila ko na ang kamay nya.

"Ang bigat mo," reklamo ko. Mas lalo pa syang nagpabigat dahil doon. "David!"

Ngumuso ako. Bibitawan ko na sana ang kamay nya ng hilahin nya ako. Ang resulta ay napakandong ako sa kanlungan nya.

"Dito ka lang sa tabi ko."

Nakiliti ako sa sensayon na dinulot ng pagbulong nya. Pero nangibabaw sa akin ang kilig at saya.

Hindi naman nya kailangan sabihin ang bagay na iyon dahil kahit hindi hilingin ay kusa ko iyong gagawin. I want him to be happy. I want to be by his side.

"Tara na nga, nagiging cheesy ka na."

Hinarap ko sya at kinurot ko ang pisngi nya. Tumatawa syang gumanti sa akin.

"Ang cute cute mo pala magselos."

Napanguso ako sa sinabi nya. Hindi naman ako talaga kasi ko nagseselos. Nainis lang ako doon sa ginawa ng babae.

"Tara na nga!" Tumayo ako sa kandungan nya at nauna ng lumabas.

Pagdating ko sa restaurant ay nandoon na nga sila Cassie. Nakahain na din ang mga pagkain sa mesa.

Napanguso ako ng nanunudyong nginisian ako ni Cassie.

"Bakit ang tagal nyo?"

Hihilahin ko na sana ang upuang nasa harapan nya ng maunahan ako ni David na gawin iyon.

"Nilambing ko pa kasi iyong nagseselos," sagot nya kay Cassie ng makaupo na ito.

Tumili sya na palagi nyang ginagawa kapag kinikilig sya.

Tinignan ko ng masama si David na nasa tabi ko. Nginitian nya lamang ako at tumatawang hinarap ang kaibigan nya.

Hindi ko na pinansin ang patuloy na panunudyo sakin ni Cassie. Si Aubrey naman ay nakikitawa lang sa mga pinagsasasabi nito sakin.

Nawala ang atensyon nya sakin ng may babaeng lumapit sa table namin. Nakita kong nanggaling sya sa kabilang table na malapit sa pwesto namin.

Nangunot ang noo ko. Hinintay ko kung sino ang pakay nya sa tatlo. Muli na namang nabuhay ang inis na naramdaman ko kanina sa babaeng lumapit kay David.

Ganito na ba kababa ang ibang mga babae ngayon? Sila na ang lumalapit sa lalaki. No wonder kung bakit karamihan sa kapwa ko babae ay hindi na ginagalang dahil kagagawan nila iyon.

Napabuntong hininga ako ng makita kong humarap ang babae kay Vincent.

Sa harap ko ay kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni Cassie.

"Ops, I smell World War III," natatawa kong sabi kay Aubrey.

Gulat na gulat kaming lahat ng bigla na lang nitong halikan si Vincent.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon