Chapter 22
I Need You
Dalawang gabi ng walang hinto ang pag-ulan. Nandito ako ngayon sa unit kasama si David. Pagtapos kong lutuin ang dinner namin ay pinuntahan ko na sya sa kwarto.
There I saw him, nakabaluktot sa ibabaw ng kama at balot na balot ng kumot.
Nagmamadali ko syang nilapitan para kumpirmahin yung hinala ko. Kanina ko pa napansin na mukhang masama ang pakiramdam nya dahil namumutla sya nung lumabas kanina para kumuha ng tubig.
Sinalat ko ang noo nya.
"David ang taas ng lagnat mo."
Naramdaman ko ang pangangatog ng katawan nya nung nilapitan ko sya kaya pinatay ko ang aircon at kumuha ng malamig na tubig sa kusina para punasan sya.
"Bakit kasi ang bigat mo?" tanong ko sa kanya kahit malabong sumagot sya.
Pagtanggal ko sa damit nya ay pinunasan ko ang katawan nya. Narinig ko syang umuungol at nanginig na naman ang katawan nya.
"Sandali na lang to David," sabi ko kahit alam kong tulog sya.
Matapos ko syang bihisan ay hinanda ko ang pagkain at gamot nya.
"David, wake up! Kumain ka muna." Marahan kong tinapik ang pisngi nya. Nakita kong minulat nya ang mga mata nya.
"What time is it?" tanong nya sakin.
"7:30 na," sagot ko.
Tinulungan ko syang makaupo.
"Nilalagnat ka kaya dinala ko na dito ang pagkain mo."
Nilapag ko sa harap nya yung niluto kong soup para sa kanya.
Nakita kong nanginginig ang mga kamay nya ng abutin nya ang kutsara kaya inunahan ko na sya.
"Ako na. Let me take of you," totoong sabi ko sa kanya.
I want to take care of him. And seeing him like this give me more reason to be by his side.
Hindi naman sya tumutol ng subuan ko sya. Nakakailang subo pa lang ako sa kanya ng tinabig na nya yung kamay ko.
"Ayoko na!" But I insisted na ubusin nya yun. "Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko ayoko na."
"Oo hindi ako marunong umintindi kaya kahit sinabi mong ayaw mo na ipipilit ko pa din na ubusin mo to."
Nilapit ko sa bibig nya yung kutsara pero nanatiling tikom ang bibig nya.
"King David!" Tinitigan ko sya, mabuti naman at nakuha sya sa titig ko. Naubos nya yung soup na ginawa ko kaya pinainom ko na yung gamot sa kanya.
"I hate medicines," sabi nya pagkatapos inumin ang tubig na inabot ko sa kanya.
"But it will help to cure you," sabi ko.
Tinitigan nya lang ako. I saw something in his eyes. I'm not sure if I read it clearly, nakita ko na naman yung lungkot at sakit sa mga mata nya.
Tinabihan ko sya. Inayos ko ang kumot na nasa ibaba na ng bewang nya.
"Magpahinga ka," sabi ko. Nginitian ko sya ng tinignan nya ako.
Nagulat ako ng hilahin nya palapit sa kanya. Naramdaman ko ang mainit nyang katawan ng ipulupot nya ang kaliwang braso nya sa aking baywang.
Naririnig ko ang mabilis nyang paghinga. Dahil nakahilig ako sa dibdib nya rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya.
"Can we stay like this?" tanong nya.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakita kong nakapikit ang mga mata nya.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa lagay nya. Hinayaan ko ang sarili ko na haplusin ang pisngi nya. Hindi na ko nag isip pa at nagpatangay na lang ako sa nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
"We can stay like this forever if you want."
Dinilat nya ang mga mata nya at tinignan ako. Gusto kong mahiya dahil sa sinabi ko pero huli na. Nasabi ko na sa kanya.
"But nothing lasts forever," aniya.
David POV.
Tss! Ang kulit talaga ng babaeng yun.
Twenty years had been passed the last time I take medicines.
Simula ng mamatay ang mommy ko from cancer hindi na din ako uminom ng kahit na anong gamot sa tuwing magkakasakit ako.
Dahil para sakin wala namang kwenta ang mga gamot na yan. At napatunayan ko yun sa mommy ko. She suffered from pain at kahit ang pinakamamahaling gamot sa buong mundo ay walang nagawa para mabawasan man lang kahit konti ang sakit na nararamdaman nya.
Nang maramdaman kong naupo si Princess sa tabi ko ay pinikit ko na ang mga mata ko. Naramdaman kong sinalat nya ang noo ko. Nilagyan nya iyon ng bimpo at pinunasan naman ang mga braso ko.
Damn this rainy night.
Mas lalo akong nakaramdam ng ginaw at ramdam kong nangangatog ang buo kong katawan.
"D-david!" sambit nya sa pangalan ko.
"I-im cold."
"Ha? E-eh anong gagawin ko?" Hindi ako sumagot dahil nangangatog ako.
Naramdaman kong lumapit sya sakin at pumwesto sa likuran ko. Pinulupot nya ang braso nya sa bewang ko.
Pero nilalamig pa din ako kaya naman umikot ako paharap sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. Nang tignan ko ang mga mukha nya ay nagulat sya.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko para makatulog.
Nararamdaman kong pinagmamasdan nya ang mukha ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay mabilis syang pumikit. Natawa naman ako sa ginawa nya. Para syang bata.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya, sya naman ang pinagmasdan ko. Ang maamo nyang mukha kapag nakapikit sya. Ang mahahaba at malalantik nyang pilikmata. At ang hindi katangusan nyang ilong nya.
And her soft lips, na kay pula pula at napakasarap halikan.
Ilang oras pa ang lumipas ay nanatili akong gising para pagmasdan sya. Nakita kong nakatulog na sya. Medyo bumaba na ang lagnat ko kaya nang makaramdam ako ng antok ay natulog na din ako.
