Chapter 34
Worried
Sa sobrang saya ng nararamdaman ko ay hindi ko na napansin ang iilang tao na nagagawi sa kinaroroonan namin. Without uttering any single words, hinila ko si David papalapit sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at inilapat ko ang labi ko sa kanya.
Halu-halo ang nararamdaman ko sa mga oras na to pero mas nangingibabaw ang ligaya sa puso ko.
Hindi ko kailanman inisip na hahantong kami sa ganito ang lahat. Parang kailan lang nung ipinapangako ko sa sarili ko na hindi ko mamahalin tong lalaking ito. Pero heto ako ngayon, buong buo kong binibigay ang puso ko sa kanya.
Alam kong madami pa kaming pagdadaanan. Hindi man nya masabi sakin ngayon na mahal nya din ako, pero maghihintay ako. Nararamdaman ko na isang araw maririnig ko din yun sa kanya. At kapag nangyari yun mas lalo kong ipaparamdam sa kanya na mahal ko sya.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay kapwa kami naghahabol ng hininga.
"Wag ka sanang magbabago, Athena," sabi nya sakin at pinagdikit ang mga noo namin.
Nginitian ko sya. "Hindi ko maipapangako na hindi ako magbabago."
Lumayo sya sakin at kumunot ang noo nya.
"Hindi ko maipapangako na hindi ako magbabago kasi sigurado ako sa sarili ko na kung mahal kita ngayon mas mamahalin kita sa mga susunod pang panahon."
Nawala na ang pangungunot ng noo nya. Nakita kong umangat ang sulok ng labi nya at halatang pinipigilan ang sarili na ngumiti.
Hindi na sya nagsalita. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong hinalikan nya ang noo ko.
Sa mga oras na to, wala na kong mahihiling pa. Hindi man nya masabi sakin ngayon na mahal nya ako pero kuntento na ko na may assurance ako na mamahalin nya din ako.
I can feel it. I can feel that he loves me too. At sana nga tama ang hula ko sa mga nakikita ko sa kilos nya.
"Balik na tayo sa hotel," aniya.
Inalalayan nya akong tumayo. Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik doon.
Gusto ko sanang magtanong tungkol kay Crizelle pero pinigilan ko ang sarili ko.
And speaking of that girl, nasaan na ba sya? Is she really serious about what she said awhile ago?
Kung totoo nga na kukunin nya si David, anong gagawin ko?
Iyon ang naging laman ng isip ko hanggang sa makapasok kami sa elevator.
"Are you okay?" nag aalalang tanong sakin ni David.
Tumango ako sa kanya.
"Doon muna ako sa kwarto nila Vincent, nag aya silang mag inuman. Papuntahin mo na lang sila Aubrey sa kwarto naten," sabi nya.
"Sige."
Nang makarating kami sa kwarto namin ay ganon na ang ginawa ko.
Pagpasok na pagpasok ni Cassie ay tinulak nya ko paupo sa kama. Tumabi sya sa gilid ko. Samantalang naupo naman sa sahig si Aubrey.
Tinignan ko sila ng may pagtataka sa mukha ko. At nakita ko sa mga mukha nila ang pag aalala.
"M-may problema ba?" tanong ko sa kanila.
"O-okay ka lang ba?" tanong ni Cassie sa halip na sagutin ang tanong ko.
Tumango ako sa kanya bilang sagot. pero mukhang hindi naman sya naniniwala sakin.