Chapter 58
Just Wait for Me
I really love you, David. I really do. Sa tingin ko kahit ano pa ang gawin ko, ikaw pa din ang mahal ko. Kahit gano pa kasakit ang dinulot mo sa'yo at sa'yo pa din titibok ang puso ko. Mahal na mahal kita David. Pero hindi pa kita kayang mahalin kung ganitong nasasaktan pa din ako.
I don't want to love you again if I feel so broken. Hindi pa naghihilom yung sakit na dinulot mo. Ayokong mas lalong lumala to at makalimutan ko na kung paano ang magmahal.
I believe everything happens for a reason. People change because they are hurt. Things go wrong so that you learn to appreciate them. I believe God has something better for me, all I need to do is to wait.
We'll need to wait, David. Sana pagbalik ko malinawan ka na sa mga nararamdaman mo. Pinanghahawakan ko yung sinabi mo sakin na mahal mo ako. Hindi ko lang mapakita sayo na umaasa ako dahil takot ako. I'm afraid to be hurt again. I don't think I can handle it once again.
Nakita kong tumatawag si Lance. Damn it! Nakalimutan ko na namang magpaalam sa kanya. Pakiramdam ko I ruined Hyacinth's baptismal. I know Lance, at this moment alam kong hindi na naman mapakali iyon.
"Hello," panimula ko ng sagutin ko ang tawag nya.
"Where are you?" ramdam ko ang galit sa tono ng boses nya.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Going home. Sorry hindi na ko nakapagpaalam."
"What happened? Did he hurt you?"
Hindi ako kumibo. Pakiramdam ko pagod na pagod na'ko. I'm physically, mentally and emotionally.
"Damn it, Athena! Don't tell me your planning running away again."
Hind iyon tanong. It is a statement.
Hindi naman iyon ang iniisip ko. Hindi pumasok sa isip ko ang muling umalis. All I want is to be alone. I just want to think.
Umiling ako kahit hindi nya ako nakikita. "No. I-I just want to be alone. I need to think for myself."
"Hanggang kailan mo naman plano na mapag isa?"
Hanggang kailan nga ba? Hindi ko iyon napaghandaan. Siguro hanggang sa mawala na yung sakit sa puso ko. Pero kailan ba mawawala to?
"I-I dont know... I'll call you later Lance. I'm driving."
Hindi ko na sya hinintay pa na sumagot. Laman ng isip ko yung tinanong. Hanggang kailan nga ba?
Hanggang makauwi ako sa bahay ay iyon ang laman ng isip ko. Sa sobrang pag iisip ko sa bagay na iyon ay hindi ko na napansin na nasa harap ko na pala ang daddy ko.
Seryoso lang syang nakatingin sa'kin. I can't say even a single word. Biglang nanikip ang dibdib ko. Nang hilahin nya ako para yakapin ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
Pagod na pagod na ko. Kailan ba titigil sa pag iyak tong mga mata ko? Kailan ba mawawala itong sakit na nararamdaman ko?
Pakiramdam ko kahit papano nabawasan yung sakit na nararamdaman ko ng maramdaman ko yung mahigpit na yakap ng daddy ko.
Naalala ko dati kapag umiiyak ako, this is my favorite place. Inside his hug. Inside of his big and warm hugs. Kapag niyakap na nya ako noon, okay na ako. Pero ngayon? I think it lessens even a little bit.
"What's the problem, hija?" Kitang kita ko ang pag aalala sa boses nya.
Huminga muna ako ng malalim. I think this is it. Ito na siguro yung oras para ipaalam ko sa kanya yung totoo. Kung anuman itong pinagdadaanan ko. Afterall, he is my father. He has the right everything happens to me.
"Dad, a-ang sakit sakit po." Hindi ko alam kung paano ko magsisimula na ikwento sa kanya ang lahat.
"Sige, magkwento ka. Makikinig lang ako sayo."
I closed my eyes. Inipon ko ang natitira ko pang lakas para ikwento sa kanya ang lahat. Nakita kong mataman syang nakikinig sa'kin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng makita kong may nangilid na luha sa mata nya. Nahihirapan pa din akong ikwento sa ibang tao sa pagkawala ng baby ko.
Pagkatapos kong ikwento ang lahat lahat sa kanya ay naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap nya sa'kin. Ibinuhos ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pag iyak nya.
I'm hoping that after this, sana maging okay na ko. I can't take this anymore. I want to be free from this pain. I miss my old self. I miss the feeling of being happy.
"Sorry anak. H-hindi ko alam na may ganito ka palang pinagdadaanan. Kung alam ko lang... kasalanan ko ang lahat ng ito kung bakit ka nagkakaganito."
Narinig ko ang paghikbi nya. Ito ang kinatatakutan ko na maramdaman nya kaya ayokong sabihin sa kanya to. Ayokong isipin nya na kasalanan nya kung bakit nangyari sakin to.
"D-dad, it's not your fault. It's my choice anyway. Ang pagkakamali ko lang, binigay ko ang lahat sa kanya. Minahal ko sya na halos nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko. Kaya heto ako ngayon, nahihirapan. Nasasaktan. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa kinalalagyan ko."
Hinawakan ni daddy ang kamay ko ng mahigpit. Bagama't nakangiti sya sa'kin kitang kita ko ang sakit at pakikisimpatya sa mga mata nya.
"In God's time, magiging okay ka din. Wag ka lang makalimot tumawag sa Kanya, anak. Naniniwala ako na may plano sa'yo ang Dyos kung bakit nangyari sayo ito. Pero sana sinabi mo sakin nung una pa lang.. Masakit para sa isang ama na malaman na nasasaktan ang anak nya ng wala syang kaalam alam."
"Sorry po." Yumakap ako sa kanya. Yun na lang ang kaya kong sabihin sa kanya.
Wala na din akong narinig sa salita kay Daddy. Patuloy lang sya sa paghaplos sa likod ko. Si nurse Anna na nasa harap namin ay nakikisimpatya na nakatingin sa'min.
She smiled at me. Kahit papano gumaan na ang pakiramdam ko. Medyo nabawasan yung bigat na nararamdaman ko.
"Athena..."
Tumingin ako kay daddy at kumalas sa yakap nya.
"K-kausapin mo pa din si David. Hear his side. Sa tingin ko may malaki syang dahilan kung bakit nya nagawa ang bagay na ito. Sa tingin ko kaya ka nasasaktan kasi hindi mo alam kung bakit ka nasasaktan. Hindi mo alam ang dahilan... Matagal na din syang nagpupunta dito. Palagi ko syang nakakakwentuhan, mabait naman sya at palagay ang loob ko sa kanya. Minsan na din nyang nabanggit sakin na nasaktan ka nya. Hindi man nya nakwento sakin ng buo yung nangyari pero mabuti na din yun na alam nya sa sarili nya na nasaktan ka nya..."
Tumango ako sa kanya.
"Akyat na po muna ko. Gusto ko ng magpahinga."
Nakakaunawa akong tinignan ni Daddy. Tinapik nya ang ulo ko at hinalikan ang noo ko.
"Magiging okay din ang lahat," aniya.
Ngumiti ako sa kanya.
I hope so. Sana nga maging okay na ang lahat. Para na maging okay na din kami ni David.
David, just wait for me. Kapag naging okay na ko, let us start a new beginning.