Chapter 6

24.8K 340 1
                                        

Chapter 6

Household chores

"Good morning!" bati ko sa sarili ko ng bumangon ako. Pagtayo ko ay hindi ko maipaliwanag yung kakaibang sigla na nararamdaman ko. Naalala ko iyong kagabi, napahawak ako sa labi ko. Napangiti ako ng maalala ko yung gulat na ekspresyon na mukha ni David ng halikan ko yung pisngi nya.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagpunta sa kusina. Doon ay naabutan ko si David na sumisimsim sa kape nya. Mabilis akong lumapit sa kanya at nakiinom sa kape nya ng ilapag nya ito sa lamesa. Nakataas ang isang kilay na tinignan nya ako kaya nginitian ko na lang sya.

"Good morning," bati ko sa kanya at umupo sa harap nya.

Pagtingin ko sa mesa ay may nakahain ng hotdog, ham at kanin. I smiled to myself, at mas lalong hindi ko na maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko.

"Here. Do everything on the list."

Inabot ko yung papel na nilapag nya sa tabi ng pinggan ko. Nang mabasa ko kung ano yung mga nakasulat doon ay nanlaki ang mga mata ko.

"What the fuck?" Ang kaninang sayang nararamdaman ko ay agad ding napawi ng mabasa ko ang nasa papel.

Damn, David! He listed all the household chores that I needed to do today.

"Do you have a problem with that?" he asked while raising his left brow.

Alam ko na kahit magreklamo ako ay wala akong magagawa. Kaya naman tinitigan ko na lang sya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin ko sa kanya kanina pa sya bumulagta.

"Pag uwi ko dapat tapos na yan ah!" Pagkasabi nya nun sakin ay inubos na nya ang laman ng tasa at tumayo na.

Hahayaan ko na sana syang umalis sa harap ko ng mahagip ng tingin ko ang neck tie nya na hindi nakaayos.

"Wait," sabi ko at lumapit sa kanya. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata nya lalo na ng tumayo ako sa harap nya.

Diretso ang mga mata nya na nakatitig sa akin kaya hindi ko na lang sya tinignan. Agad kong hinawakan ang dulo ng neck tie nya at inayos ito. Mula sa pwesto ko ay ramdam ko na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lalong naging abnormal ang pagtibok nito ng makita ko si David na titig na titig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin at sinalubong ko ang mga tingin nya.

Nakita ko na naman ang itim na itim nyang mata. At doon ko lamang napagtanto na mas may igagwapo pa pala sya. Habang tinititigan ko ang bawat features ng mukha nya ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit sa kanya. How can he be so perfect? His face are almost perfect. Hindi ko alam kung palagi ba syang nagpapafacial dahil sobrang kinis ng mukha nya.

Natigil lamang ako sa pagtitig sa mukha nya ng maramdaman ko ang pagtikhim nya. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa ginawa ko dahil sa harap harapan kong paninitig sa kanya.

"T-tapos na. Inayos ko lang," sabi ko na pilit iniiwasan ang mga titig nya. Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya bumalik na ko sa lamesa para ipagpatuloy ang pagkain ko.

Ilang minuto pa syang tumayo doon bago ito umalis sa pwesto nya. Nang masiguro kong wala na sya ay parang doon lamang ako nakahinga.

Shit! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I know he's damn freaking handsome. That is why I can't blame all the girls that drooling over him. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko maitatanggi na humahanga ako sa kanya. It's just that hindi ko lang maipaliwanag kung bakit ako ganito. Kung bakit ganito magreact ang puso ko sa tuwing magkalapit kaming dalawa.

Nang wala akong mahagilap na sagot sa sarili kong tanong ay tumayo na ako. Habang nililigpit ko ang pinagkainan ko ay nakaramdam na naman ako ng inis ng makita ko ang listahan ng mga gagawin ko. Maglaba. Maglinis ng bahay. Palitan lahat ng kurtina, bedsheets, carpet. Maggrocery.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon