Chapter 22

17.6K 226 2
                                    

Chapter 22

Thank you

Sinag ng araw ang gumising sa akin. Laking pasasalamat ko ng huminto na ang ulan.

Nag inat inat muna ako ng katawan. Tumayo ako at nagpunta sa kusina para magluto ng almusal. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding sa sala. Alas syete y medya na.

Dali dali akong nagluto ng sopas. Habang hinihintay ko ang pagkulo nun ay mabilis akong nagshower. Sakto ng matapos ako ay luto na ito.

Naglagay ako sa mangkok at inihanda ko na din ang gamot ni David. Kinakabahan ako na nagpunta sa kwarto para ibigay iyon sa kanya.

Bumalik sa isip ko yung nangyari kagabi. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko ng mapag isipan kong mabuti na ako pa ang lakas loob na nagtapat sa kanya.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nung nasa harap na ako ng pinto. Hindi ko alam kung papano ko sya haharapin. Pero sa huli ay pinili kong lakasan pa rin ang loob ko. Nandito na ako sa sitwasyon na ito. Kung anuman ang mangyayari sa susunod pang mga araw ay tatanggapin ko. Pinili ko ito.

Oo, tama sya. Sinabihan na nya ako na hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Kahit ako ay yun din ang gusto ko. Hindi lang talaga natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito. Basta bigla mo na lang mararamdaman ng hindi mo namamalayan na minamahal mo na pala yung taong hindi mo inaasahan.

Pikit mata kong pinihit ang seradura ng pinto. Nang idilat ko ang mata ko ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Malinis na nakaayos ang higaan. Walang David na nakahiga sa kama.

Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko. Magaling na ba sya? Iniiwasan nya ba ako? Ititigil na ba namin ito?

Nanlalata na lumapit ako sa kama. Inilapag ko sa table ang tray na dala ko na pinaglalagyan ng gamot at pagkain ni David.

Kinuha ko ang isang unan na ginamit nya. Itinapat ko iyon sa ilong ko at sinamyo. Naiwan doon ang amoy nya. Gustong gusto kong inaamoy ang pabango nya. Hindi masyadong matapang sa ilong. 

Niyakap ko ang unan at pinikit ang mata. Iniisip ko na sana si David. Na sana pwede ko syang yakapin ng ganito kahigpit.

Nagtagal pa ako sa kwarto na iyon. Humiga ako at pinag isipan ang mga posibleng mangyayari sa susunod naming pagkikita.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko na alam kung ano ba itong ginagawa ko. Hindi naman ako ganito. Nagsimula lang ito ng hindi ko na mapigilan yung mga emosyon na nararamdaman ko para kay David. Ganito pala iyon. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal. Magulo. Kumplikado. Lalo na pag hindi ka gusto ng minamahal mo.

Pinilig ko ang ulo sa pagbabakasakali na mawala ang mga iyon sa isipan ko. Tumayo ako sa kama at binitbit ang tray bago lumabas.

Pagkatapos kong iligpit iyon ay nagbihis na ako. Inihanda ko ang mga gamit ko sa eskwela. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa topic na ididiscuss ko mamaya.

Mabilis na lumipas ang oras. Natapos ang tatlong klase ko ng hindi ko namamalayan na alas tres na ng hapon.

Nililigpit ko na ang gamit ko ng tumunog ang cellphone ko. Nang silipin ko kung sino ang nagtext ay agad na tumibok ng mabilis ang puso ko. Bigla akong napangiti ng mabasa ko ang pangalan ni David. Nanginginig pa ang kamay ko ng binasa ko iyon.

From: David

Go to my office. ASAP!

Binalik ko sa bag ang cellphone ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong excitement sa buhay ko. Pinipilit kong mag isip ng positive sa kung anuman ang dahilan ni David kung bakit nya ako pinapapunta.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon