Chapter 3

31.1K 410 2
                                        

Chapter 3

The Beginning

Hindi ko namalayan na nakatulog pala uli ako. Kaya paggising ko ay agad akong nagpunta sa banyo para maligo. Pakiramdam ko ay ang lagkit lagkit ng katawan ko. Pagtapos kong maligo ay dumiretso ako sa kusina para mag breakfast.

Bubuksan ko na sana ang ref para tignan kung anong pwede kong makain doon ng makita ko na yung nakahain sa mesa. With a simple note beside the plate ay napangiti ako. Kaya naman masigla kong umupo doon at kumain.

Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko kung bakit ba  nandito ako sa sitwasyon na ito, not a romantic relationship but a lustful relationshit.

I am badly needed money that time because my father is in the hospital. He was confined there and needed to undergo into a chemotherapy. But unfortunately, I don't have enough money to pay the therapy. Nagdecide ako na umalis sa hospital. I need to think! Kailangan kong mag isip ng paraan kung paano ako makakakuha ng isang milyon para sa operasyon ni daddy. Sa paglalakad ko ay hindi ko na napansin ang lalaking nasa harap ko kaya bumangga ako sa kanya.

When I turn my head to look up the guy, I froze! Damn. It's King David Imperial. He was my former schoolmate during our college days. Nanligaw sya sakin noon pero hindi ko sya pinansin.

"Sorry!" sabi ko sa kanya at ay naglakad na palabas ng ospital. Pero hindi pa ko nakakalayo when I felt his hand from my shoulder.

"Teka sandali!" narinig kong sinabi nya at humarap ako sa kanya.

Tinitigan nya ko habang nakakunot ang kanyang noo. Nailang naman ako sa klase ng pagtingin nya dahil tila ba para akong isang mikrobyo na kailangang suriing mabuti.

"Princess? Princess Agustin? Is that you?"

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng insulto sa klase ng tinging ginawad nya sakin kaya tumayo ako sa harap nya na punong puno ng kumpyansa sa sarili.

"Excuse me, I know it's rude but I really need to go." Inalis ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko. Naglakad na ko palabas ng ospital hoping to see a one million pesos para maoperahan ang papa ko.

Ilang araw na ang lumipas pero wala pa din akong malapitang kakilala na mahihiraman ng isang milyon. For pete's sake, sino na lang ba ang may ganong halaga ngayon?

Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung saan ako hahanap ng ganon kalaking halaga para maoperahan ang papa ko.

Bago ko pumunta sa kwarto ni papa ay naglakad lakad muna ko sa garden ng ospital. Kailangan kong mag isip! Kailangan kong makagawa ng paraan para lang madugtungan ang buhay ng papa ko.  Habang naglalakad lakad ako ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nang tignan ko naman ang paligid ko ay wala akong nakitang ibang tao maliban sakin.

Hay guni guni ko lang siguro. Umakyat na ko sa taas para bantayan ang papa ko. Pagdating ko sa kwarto nya ay sya ding pagpasok ng doktor. Sinenyasan naman nya ko na sumunod sa kanya at may sasabihin daw syang mahalaga.

"Goodmorning hija, sorry to say this but your father is in very critical condition. Now, if we aren't take the operation there is a chance that we may lose him. To tell you the truth hija, your father is not responding to those medicines na pinapainom sa kanya at pwedeng iyon pa ang maging dahilan ng mabilis na paghina ng katawan nya."

"Pero doc wala pa ho kasi kong nahahanap na ganon kalaking halaga eh." Naiiyak na ko sa sinabi nya. I dont want to lose my father, sya na lang ang meron ako.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon