Chapter 46

16.4K 207 2
                                    

Chapter 46

Over

"Mommy! Mommy! Habulin mo ko mommy...." boses ng batang babae na humahagikgik ang narinig ko bago ako nagising.

It's five o'clock in the morning, kita ko sa cellphone na nasa tabi ng unan ko. Isang buwan na ko dito sa States yun pa lagi ang laman ng panaginip ko.

Pinunasan ko ang noo ko. Kahit na malamig sa loob ng kwarto ko ay pinagpawisan pa din ako lalo na kapag nagigising ako ng dahil sa panaginip ko na yun.

I stared blankly on the ceiling. Nung mga unang linggo ko dito palagi akong binabangungot. Palagi kong nakikita sa panaginip yung sanggol na punong puno ng dugo ang buong katawan. She was asking for help. Tuwing nagigising ako dati sa ganong panaginip I always ended up crying. Hindi na ko nakakatulog at maghapon na kong tulala.

Nang huli kong makausap si Daddy sinabi nya sakin na nagpunta doon si David. Hindi naman daw sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ako hinahanap. Talagang hindi nya dapat iyon sasabihin. Until now, I can't feel anything about him.

Huminga ako ng malalim. Nagpaikot ikot na ko sa kama pero hindi pa din ako makatulog. Pabalik balik sa isip ko yung batang babae na tumatawag sakin mommy. Suddenly, I felt a pang on my chest. Kung sana nag ingat lang ako.

"Baby, kailan ka ba uuwi dito? Miss na miss na kita.." palaging sinasabi ni Daddy sa tuwing magkakausap kami sa Skype.

I felt so guilty. Nakokonsensya ko sa ginawa ko. I don't want to leave him but I had no choice. Pero kapag okay na ko, kapag nahanap ko na ang sarili ko babalik agad ako. Hindi ko kaya ang ganito. I missed my dad so much!

"Nagtatrabaho na po ako dito dad."

Simula ng dumating ako dito tinulungan ako ni Lance na makahanap ng trabaho. Hindi naman ako nahirapan dahil pinasok ako ng kaibigan nya.

Teacher pa din ako. Mga kindergraten ang tinuturuan ko. Masaya ko sa pagtuturo sa kanila. I started to fond children. Siguro epekto ito ng pagkawala ng baby ko.

Marami akong natutunan sa pagtuturo sa kanila. Narealized ko na mahirap pala talaga maging isang ina. Dapat sigurado ka na because it's a lifetime responsibility. Hindi natatapos ang pagiging ina sa panganganak sa kanila.

"Aga mo ata nagising," sabi ni Agatha na naabutan kong nagbabasa sa sala.

Kasama namin ni Lance sa bahay nya. Kaibigan nya ito. At naging magkaibigan na din kami.

"Oo. Naalimpungatan ako, hindi na ko makatulog."

Umupo ako sa tabi nya. Nagulat ako ng mabilis itong tumayo at tumakbo papunta sa lababo. Sinundan ko sya ng tingin habang nagsusuka sya doon. Ilang araw ko na syang napapansin na ganito. Palagi din syang moody at madalas nyang pinagbubuntunan si Lance. Tuwing umaga nagsusuka sya hindi kaya... buntis sya?

Pagkatapos ng nangyari sakin ay nagbasa basa ako ng mga article tungkol sa pagbubuntis. Naalala ko yung mga panahon na naging emosyonal ako. Palagi kong umiiyak na taliwas ko namang ginagawa dati. Yung pagsusuka ko noong naamoy ko yung baked mac na niluto ni David. Hindi ko alam na buntis na pala ako.

Naabutan ko si Agatha na nakasalampak na sa sahig at namumutla. Nilapitan ko sya. Sakto naman na dumating si Lance at lumapit sakin.

"What's wrong?" sinubukan nyang lumapit kay Agatha pero tinulak lang sya nito.

"Don't come near me," sigaw nito kay Lance.

Nagtataka naman na lumayo si Lance sa kanya. At bumaling sakin. Nakita ko ang pagtatanong sa mga mata nya.

"Is she pregnant?"

Nanlaki ang mga mata ni Lance at gulat na gulat itong tumingin kay Agatha. Sinubukan nyang lapitan ito pero tumakbo sya at nagkulong sa kwarto.

"Palagi ba syang nagsusuka?"

Tumango ako. Nakita kong tinampal nya ang noo nya.

"M-may problema ba?"

"Ilang beses na ito?"

Inisip ko kung kailan ko pa sya unang nakitang ganyan.

"Last week pa ata."

"Damn it!"

Nagulat ako sa baritonong pagmumura ni Lance. I never heard him like that. Mukha syang lalaki sa paningin ko.

Naguguluhan na napatingin ako sa kanya. I'm waiting for his explanation. Iba ang kutob ko sa nangyayari.

"I-I-m going to be a father..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinbi nya. Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko dahil baka nanaginip lang ako.

"H-how come?" hindi makapaniwalang tanong.

"Mahabang kwento, Athena."

Hindi ako makagalaw. I'm still shocked! But I am happy for Lance. I am happy for them. Ngunit ng maalala ko yung nangyari sa baby ko nakaramdam ako ng inggit kay Agatha.

"Are you okay, Athena?" tanong ni Lance. Nag aalala syang lumapit sakin.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya ng makita ko ang mga awa sa mga mata nya. Mabilis na tumulo ang mga luha ko. I'm really happy for them but I am so fucking envied.

"Naalala mo ba ang baby mo?"

Tumango ako. Pinunasan ko ang mga luha ko. Akala ko okay na ko pero hindi pa din pala.

I tried to smile at him. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko iiyak. Nagpaalam ako kay Lance at bumalik ako sa kwarto.

Kinuha ko ang cellphone ko. It's been almost a month I deactivated all my accounts on any social media. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa panonood sa Youtube.

Pagbukas ko sa app na iyon ay bumungad sakin ang picture ni David. Pakiramdam ko huminto pansamantala sa pagtibok ang puso ko. Nanlamig ang kamay ko.

Nanginginig ang kamay ko at binack ko sa home page ang cellphone ko. Sa pagmamadali ko hindi ko alam na napindot ko ang play button.

Damn it!

Binasa ko ang caption na nasa ibabaw ng video.

'Young bachelor King David Imperial is now engaged. Find out who's the lucky girl.'

Bumungad sakin ang mga litrato nila ni Crizelle. Sa tingin ko ay noong college pa sila nun dahil parehas silang nakauniform. Nagpatuloy ako sa panonood doon. Nanlalamig ang katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang paghuhuramentado ng puso ko. Wala kong ibang maramdaman. Sobrang bilis ng tibok nun. Pakiramdam ko manhid na ang puso ko.

May nakita akong video na iniinterview sya. Hindi na ata ako nag iisip. I click the link.

Bumungad sa video ang nakangiti nyang mukha. But his eyes stay blank.

"So, who's the lucky girl David?" tanong sa kanya ng baklang host.

Ganito sya kataas na tao at sobrang kontrobersyal para sa lahat kung sino ang magugustuhan nya

I stopped the video. Hindi ko kayang panoorin iyon. Tinapon ko ang cellphone ko sa tabi ko. Hindi ko na pinagpatuloy ang panonood. Whatever. I know who's that lucky girl. Naiinis ako. Umahon ang galit sa dibdib ko. It looks like what happened to me is nothing to him. Wala talaga kong halaga. But the hell I care? Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo. There's more to life than him. There is my passion, my dad, my friends. Iyon ang natutunan ko. Hindi lang sa isang tao umiikot ang mundo. Hindi lang sya ang dapat pagtuunan ng halaga. Importante na mas mahal mo ang sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao.

I can't still over him not because I don't love him anymore. I'm over him because I realized that no matter what I did he's not going to love me like what I do. Besides  I'm tired of chasing him. I'm tired of seeking for his love. I don't give up. It's just that I realized I don't need someone who don't see my worth. I'm over with him.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon