Chapter 62
I love you, Forever
"I love you... I love you... I love you," paulit ulit nyang sinabi habang hinahalikan ang tungki ng ilong ko.
Walang mapaglagyan ang saya sa puso ko. Hindi ko naisip na aabot kami sa ganito. After all the pain I've felt I never imagined this.
Thanks God, he never leave me behind. I thank him for giving me strength to surpass every struggles I had.
"I love you." Niyakap ko sya ng mahigpit.
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Ang dami kong gustong itanong kaya lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Besides, I want to take things slowly. Yun ang natutunan ko sa kanya. May mga dahilan kung bakit kailangan na hindi dapat minamadali ang mga bagay bagay.
"Akala ko talaga hindi ka papayag kila Lance," sabi nya.
Napatingin ako sa kanya. Napakunot noo ako habang inaanalisa yung sinabi nya.
Kinurot nya ang dulo ng ilong ko at tumawa. "I planned all of this. Nahirapan pa kong mapapayag si Lance at Agatha sa plano ko na to."
Parang gusto ko na namang maiyak sa sinabi nya. Nag uumapaw sa saya ang puso ko.
"Totoo ba na nag away kayo ni Lance?" maingat na tanong ko sa kanya.
Tumawa muna sya bago sumagot. "Hindi naman. Sinuntok nya lang ako."
"Hindi ka lumaban?" tanong ko pa.
"No," sagot nya at umiling pa. "Baka napatay ako nun ni Agatha kung nasaktan ko yung asawa nya. May pagka amasona yung babaeng yun eh. Besides, I deserved all of this. Baka nga kulang pa yung suntok niya sa sakit na nadulot ko sa'yo."
Nakita ko na naman ang pagsisisi sa mga mata nya. I smiled at him. Ayoko ng balikan pa ang nakaraan. I want us to be focus on our present and ready ourselves for our future.
"Please, don't blame yourself. Nangyari na yun. Tapos na. Ang importante magkasama na tayong dalawa at parehas na tayong sigurado na gusto naten ang isa't isa. Alam ko na na mahal mo ako at gusto ko na panghawakan mo iyon. Mahal kita..."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at bahagyang kinurot. Mabilis kong hinalikan ang labi nya.
"Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko para bigyan ako ng isang katulad mo. Pero nagpapasalamat ako na mahal mo ako... I love you forever, Athena."
Hinuli nya ang labi ko at hinalikan. Ipinikit ko ang mata ko. I miss the tastes of his kiss. I miss him. I miss everything about him.
Ikinawit ko ang dalawa kong braso sa batok nya. Nararamdaman kong lumalalim ang halik naming dalawa. Kusa syang bumitaw sa halik namin.
"S-sorry..." naghahabol na hininga na sabi nya.
"Why?" nagtatakang tanong ko.
"Nangako ako sa daddy mo. Kahit na alam naten pareho na may nangyari na saten. Hiniling pa din sa'kin ng daddy mo na wag muna.. you know..."
Natawa ko ng makita kong hirap na hirap sya sa pagsasalita. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumakas na ang tawa ko.
"Why?" nakangusong tanong nya.
"Natatawa ko sayo eh... Seriously? Si Mr. David Imperial sumunod sa utos ng ibang tao? Parang hindi totoo."
"Hindi ibang tao yung sinunod ko. It's your father. My father in law.. Alam kong pangit ang unang naging impresyon nya sakin dahil sa nangyari satin. But I am trying my best to changed that impression. I want him to know that I am damn serious to you. That I am madly and deeply in love with you. I love you and I want you in my life forever.."
Natigil ako sa pagtawa. Natulala ako sa mga sinabi nya. Damn it! Why so serious, David? Pakiramdam ko mas lalo akong nahuhulog sa mga naririnig ko sa kanya.
"Alam mo ba na sobrang nakokonsensya ko sa nagawa ko sa'yo. He welcomed me in your house. Kahit na sinabi ko na sa kanya na nasaktan kita hindi nagbago ang turing nya sakin. Parang hindi ako ibang tao sa kanya. Kaya lalo akong naguilty sa nagawa ko sa'yo. Then, I realized na pareho kayo ng daddy mo. Despite the fact that you are hurting you keep on loving the person that hurts you. Masaya ko na nakilala ko ang daddy mo. Madami akong natutunan sa kanya sa syam na buwan na pagpunta punta ko sa inyo. Masarap syang kasama. Masarap kausap. Pakiramdam ko kapag kausap ko sya parang ikaw na din ang kausap ko."
"David.." Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Nabanggit na sakin ni daddy ang tungkol doon pero iba pala yung pakiramdam ng sa kanya ko narinig iyon.
"Pinayuhan nya ako. Ang dami nyang mga sinabi sa'kin. Natutuwa ako sa Daddy mo. It seems that you are really close to each other. He's a great father."
Tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon sa sinabi nya.
"That's why I wanted him to be my father, too."
Pinaningkitan ko sya ng mata. "Baka yun lang yung dahilan mo kaya gusto mo kong pakasalan," nakanguso na sabi ko.
"O-ofcourse not, Athena. Hell no! I love you.. I really do. That's the reason why I want to marry you. I want to spend my life you. I want to be with you forever.. that's it Athena. Yun talaga. It's just that naiinggit ako sa daddy mo. D-dahil hindi naman kami naging ganon kaclose ng daddy ko. Wala nga kong matandaan na nakausap ko sya ng matagal not unless it's about business. Hind-.."
"Okay. I'm just kidding you." Pinutol ko na ang susunod nya pang sasabihin.
Ayokong masira ang mood nya dahil sa mga alaala nya sa daddy nya.
"Believed me, I love you."
Natawa ko sa kakulitan nya. I find it cute kaya hindi ko na napigilan na kurutin ang pisngi nya.
"I believed in you, okay. I love you..."
"Promise, naniniwala ka?"
"Oo."
Tuluyan na kong natawa ng iabot nya sakin ang pinky finger nya. I didn't know that he has a side like this.
"Promise," sabi ko after naming magpinky promise.
"Good. I know you're having a hard time to believe me. But I promise to you, Athena that my love for you is true."
Sobrang saya ng puso ko. This is the best feeling I had ever feel. To be with someone I love that love me the most. I can't believe that this is happening. Hindi ko alam kung ano pa ang mga pagdadaanan namin pero naniniwala ako na malalagpasin namin iyon. All I need to do
is to believe in him. I need to have faith with him.
