Chapter 42

16.7K 238 1
                                    

Chapter 42

Ginamit ka lang

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako. Basta ng tumingin ako sa labas ng bintana ay nakasikat na ang araw.

Nang lumingon ako sa orasan na nasa tabi ko ay nakita kong pasado alas otso na.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Aubrey.

"Athena, nakita mo na ba? Okay ka lang ba?"

Napangiti ako kahit papano ng marinig ko ang pag aalala sa boses nya.

"Okay lang ako. Nandyan na ba si David?"

Matagal bago sya sumagot.

"Oo. A-ahm sige baba ko na to. Tinatawag nya kasi ko."

"Sige, salamat."

Tumayo ako mula sa kama at niligpit ko ang pinaghigaan ko.

Kinuha ko ang maleta ko na nasa ilalim ng kama. Isa isa kong nilagay doon ang mga damit ko. Iniwan ko yung mga binili nya.

Nang matapos ko ng ilagay lahat ng gamit ko sa maleta ay nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Sandali lang iyon dahil hindi ko na kaya pang magtagal doon.

Nag ayos ako ng kaunti. Nilagyan ko ng kaunting face powder ang mukha ko at nagpahid ng lipstick dahil putlang putla ang labi ko.

Pagtapos kong ayusin ang sarili ko ay nilibot ko ng tingin ang kwarto ni David. I'm going to miss this!

Kinuha ko sa bag ko yung susi ng kotse na binigay nya sakin. Iniwan ko yun sa ibabaw ng kama bago ako tuluyang umalis.

Pagkapara ko ng taxi ay dumiretso ako sa bahay. Hindi ko naabutan sila Daddy doon.

Pumasok ako sa kwarto at iniwan ang gamit ko doon. Bumaba din ako para puntahan si David.

Mabilis akong nakarating doon. Halu-halo ang emosyon na nararamdaman ko. It was mixture of anger, betrayal, shame and pain. It really hurts like hell!

Pagdating ko sa opisina ni David ay bumungad agad sakin si Aubrey.

"Nasaan si David?" tanong ko sa kanya.

"N-nasa conference room."

Tumango ako sa kanya. "Sige. Hintayin ko na lang dito."

Naupo ako chair's visitor na nandoon. Pinagmamasdan ko si Aubrey na busy sa tinatype nya sa computer. Nang biglang bumukas ang pintuan.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko napako ako sa pwesto ko.

I saw Crizelle standing there. She smirked at me. Pinilit kong patatagin ang mukha ko. At tinignan ko sya pabalik.

"What are you doing here?" nakataas ang kilay na tanong nya sakin.

Nakasuot sya ng floral dress na fit sa katawan nya kaya kitang kita ang kurba nito. Humalikipkip sya sa harap ko. She's on her bitch mode again. So, I switch myself too.

Wala na kong laban sa kanya. Nasa kanya na si David. All I can have now is my pride. Hindi ko hahayaan na pati yun ay mawala sakin.

"Hinihintay mo ba si David?" tumawa pa sya ng pagak. "Hindi sya umuwi, right? It's because we we're together the whole night."

Ngumisi sya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Nagtaas ako ng ulo at sinalubong ko ang mga tingin nya. Hindi ako magpapatalo sa kanya.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon