Chapter 4

27.5K 356 1
                                        

Chapter 4

Bye Lance!

Bumalik ako sa kwarto pagtapos kong hugasan ang pinagkainan ko. Nakita kong nagriring ang phone ko na nasa bedaide table. Dahan dahan akong lumapit doon para kunin ito.

Nakita kong si Lance ang tumatawag kaya mabilis ko iyong sinagot.

"Hi crying baby," I heard him laugh after saying those words. "Anyway, inaway ka ba ni David?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Wala. Anyway, pupunta ka ba sa airport? I'm on my way magtext ka kung pupunta ka pa para mahintay kita."

Magtatanong pa sana ko kung ano yung nangyari kagabi but he ended the call. Kaya naman dali-dali na lang akong pumasok sa kwarto ko para magbihis. Basta na lang ako kumuha ng isang dress sa closet ko at kinuha ang bag ko. Tumingin ako saglit sa salamin. Nang makuntento na ko sa ayos ko ay nagmamadali akong naglakad papunta sa pinto. I was about to open the door when I heard David's asking me.

"Where are you going?" Half open pa ang mga mata nya na nakatingin sakin. Bigla akong napakagat sa labi ko ng makita ko yung katawan nya na natatabunan ng comforter.

"Ihahatid ko lang si Lance sa airport."

Nagpapasalamat ako na nasabi ko yun ng hindi nabubulol. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil nadidistract ako sa katawan nya. Pero hindi ko na sya narinig na nagsalita kaya tinignan ko syang muli.

There, I saw him blankly staring at me. Habang tinititigan ko ang mga mata nya ay hindi ko mabasa kung ano bang iniisip nya. Pero hindi nakatakas sa mata ko ang pagtiim ng mga bagang nya. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Sige, alis na ko."

Hindi ko na sya hinintay na sumagot. Mabilis akong lumabas ng pinto dahil bigla ko na naman iyon naramdaman. Hindi ko alam kung anong tawag sa ganitong pakiramdam pero tila ba para kong kinakabahan na ewan.

Ipinagsawalang bahala ko na lang yun at bumaba na. Pagdating ko sa parking lot ay nandoon na yung kotseng bigay ni David. Sa pagkakatanda ko ay naiwan ko ito sa bar kagabi. Pinadala siguro ni Lance dito.

Habang nasa byahe ako ay tinawagan ko sya. Nakakailan ring pa lamang ay narinig kong sinagot na nya iyon.

"Hey where are you now?" narinig kong sabi nya sa kabilang linya.

"Diba kanta yun? Where are you now coz I'm thinking of you. Tama ba lyrics?" sabi ko sa kanya, trying to make myself sounds happy.

"You're not funny Athena. San ka na nga?"

"On the way na," pinutol ko agad ang tawag.

Nagconcentrate ako sa pagmamaneho ko at mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko. Hindi ko na pinansin ang pagbusina sakin ng ilang mga sasakyan. The hell I care with them! Kailangan kong maabutan si Lance.

Mabuti na lamang at nakisama ang high way at walang gaanong traffic. Pagdating ko sa NAIA ay agad kong hinanap si Lance. Nakita ko sya na kumakaway sa pwesto nya kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Paglapit ko sa kanya ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"Hoy umayos ka nga baka isipin nila jowa kita." Nag unahan na naman pagbagsak ang mga luha ko. 

"Wag ka na kaya umalis?" sabi ko sa kanya habang niyayakap ko sya ng mahigpit.

"Hindi pwede loka ka. Anyway, wag ka ngang masyadong madrama dyan baka mamaya isipin nila girlfriend kita at may paiyak iyak ka pang nalalaman dyan. Tsaka may lovelife ka naman dito kaya for sure hindi ka malulungkot nu."

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon