Chapter 40
Try Harder
Wala ng nagsalita sa amin ni David. Pareho kaming nakatutok sa flatscreen tv nya na nakadikit sa dingding.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na panaka naka nya kong nililingon.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya bago nagsalita.
"Gutom ka na ba?"
Ako naman ang napangiti sa kanya. I didn't know na ganito sya ka-thoughtful.
"Medyo."
Tumayo sya sa tabi ko na labis kong pinagtaka kaya nakakunot noo ko syang tinignan.
"Ipagluluto kita. Dyan ka lang ah," aniya.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. I didn't know that he can cook.
"Simple lang ang alam ko. Baka hindi yun kasing sarap ng mga luto mo," sabi nya.
Nginitian ko sya. No matter how tastes is it, kakainin ko iyon.
"Okay lang kahit anong pang maging lasa nun."
Tumalikod na ito at naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko ng tingin ang likuran nya.
Napangiti ako sa mga nangyayari samin ngayon. I want to think positive. Iniisip ko na sana ito na nga ang simula.
We are started with lust and I believed that this is the beginning of our love story...
Nahagip ng paningin ko yung cellphone ni David na umiilaw sa tabi ko. Ayoko sanang pakialaman iyon dahil the last time na hinawakan ko iyon ay nasaktan ako. But then again, my instinct told me to get it.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ko tinignan iyon.
May nakita akong twenty four missed calls and ten messages with the same number. At alam ko na kung kanino iyon.
Ayoko sanang pakialaman yung inbox nya pero binuksan ko pa din iyon.
"Please, David magkita tayo sa parking lot ng condo mo. Nandito ako. Hihintayin kita!"
Yun ang huling text ni Crizelle na nabasa ko. Yung ibang texts ay puro pangalan ni David.
Nang tignan ko ang oras na tinext sa kanya iyon yung iba ay noong tanghali pa. Alas syete na ng gabi ngayon. Somehow, natuwa ako ng walang reply ni isa si David sa kanya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. I found myself typing a message for her.
"Okay. I'll be there in just fifteen minutes."
Nang magsent na iyon ay agad ko ding binura iyon.
Nilingon ko si David na busy sa ginagawa nya sa kusina.
"David, baba lang ako ah. May kukunin lang ako sa kotse ko sa parking lot," pagsisinungaling ko.
Tinignan nya ako at nakangiting tumango. Napangiti ako sa itsura nya. He's wearing my apron.
Parang may nagtutulak sa akin na lapitan sya kaya lumapit ako sa kanya. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya.
Sinamantala ko iyon at mabilis kong pinisil ang pisngi nya. Tumatawa akong tumakbo papunta sa pintuan para lumabas. Narinig ko pang tinawag nya ang pangalan ko.
Nang makasakay na ako sa elevator ay nawala na ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng magiging pag uusap namin ni Crizelle. Pero gusto ko lang linawin sa kanya na kahit anong mangyari hinding hindi ko hahayaan na makuha nya si David sakin.
Hindi ko namalayan ang mabilis na pagbaba ng elevator sa basement park. Pagkabukas nun ay agad kong nakita si Crizelle na nakatayo sa tabi ng kotse ni David.
Hindi nya ako nakita dahil nakatalikod sya sakin.
Kinakabahan akong lumapit sa kanya. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko pero pinilit kong ikondisyon ang sarili ko.
"Crizelle!"
Nagulat sya ng lumingon sya sakin. Sandali lang iyon at nagtaas agad sya ng kilay sakin.
"What are you doing here? Where's David?" matapang na sabi nya.
Itinaas ko din ang kilay ko sa kanya. Hindi pupwede na sya lang ang magtataray.
"Ano bang kailangan mo sa kanya? Siguro naman sinabi na nya sayo na hindi ka na nya gusto at hinding hindi na sya babalik sayo. So, why you keep on insisting yourself to him?"
Naningkit ang mga mata nya sa sinabi ko. Her angelic face is gone anymore. She's in a bitch mode! So, I switched myself too.
"Really? Yun ba ang sinabi nya sa'yo? Kagabi lang magkasama kaming dalawa at alam mo na... May nangyari saming dalawa. I told you, Athena pinapaasa ka lang nya. Ako talaga ang mahal nya. He's just using you to forget me but I'm already here. Kung tutuusin pwede ka na nyang iwanan pero hindi nya magawa kasi nakokonsensya sya."
Natawa ko sa sinabi nya. Nababaliw na ata sya. Pero hindi naalis sa isip ko iyong mga sinabi nya.
"Oo. Alam ko na magkasama kayong dalawa. He told me everything. I already know that. Alam kong ginamit nya lang ako para makalimutan ka."
"See? Alam mo naman pala. Eh sino ngayon ang pilit na isinisiksik ang sarili nya?"
Hindi ko maintindihan kung anong nagustuhan dito ni David. Yes, she's beautiful. A beautiful bitch!
"Hindi ko isinisiksik ang sarili ko sa kanya. Alam ko kasi sa sarili ko na ako na ang mahal nya. Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na tapos na kayong dalawa?"
Huminto ako sa pagsasalita at tinitigan ko sya.
"You know what? You are pathetic! Naaawa ako sayo. Nagtangka ka pang patayin ang sarili mo para lang puntahan ka nya? Seriously, are you out of your mind?"
Agad na nanlisik ang mga mata nya sa sinabi ko. Hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa kaya sumayad ang palad nya sa pisngi ko.
Tumabingi ang mukha ko sa lakas ng pagkakasampal nya. Nang iharap ko ang mukha ko sa kanya ay puno pa din ng galit ang mga mata nya.
"Ayaw na kasi sayo bakit pinipilit mo pa? Hindi ka na nga mahal, naghahabol ka pa."
Aakma pa uli sya na sasampalin ako pero naunahan ko na sya.
"C'mmon, Crizelle! I think you need to try harder. But I think again, no matter how much harder you tried to win him back. He will never come back anymore. He will never be yours again. Because he is mine! And I can't let you take him away from me."
Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na sya.
Mabilis akong naglakad papunta sa may elevator. Pagpasok ko doon ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin doon. Nagmarka ang palad ni Crizelle sa pisngi ko.
I didn't know how to explain it later to David.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko gusto ang ginawa ko kay Crizelle pero kung yun lang ang paraan para tigilan na nya si David paulit ulit kong gagawin sa kanya yun.
I won't let her take away David from me. She needs to try harder.
