Chapter 49

17.1K 197 4
                                        

Chapter 49

Why

Sumalubong sakin ang lamig ng unit ko pero hindi ko alintana iyon. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya isinandal ko ang katawan ko sa likuran ng pinto.

Biglang nagulo ang sistema ko. Akala ko okay na ko pero bakit may ganito? What is this I'm feeling? Why is my heart beats so fast like this?

Kung hindi pa tumunog ang cellphone ko ay hindi ako tatayo doon. Nakita ko na nasa ibabaw ng kama iyon.

"Athena!" tili ni Cassie sa kabilang linya.

Last week bago kami bumalik dito ay kinontak ko sya. Sinabi ko sa kanya na babalik ako.

"Kamusta?" tanong nya.

Napangiti ako. Nakakamiss pala sya kahit papano. "Okay naman."

"May hinanda kami ni Aubrey sayo. Mamayang 6pm kitakits tayo sa bar nila Vincent. I'll text you the address."

"Sige."

Nagpaalam agad ako sa kanya dahil hindi ko na kaya ang lamig sa kwarto ko. Nanginginig na ko sa kinatatayuan ko.

Mabilis akong nagbanlaw. Pinili ko iyon maxi dress na kulay red na niregalo sakin ni Agatha. Tinernuhan ko iyon ng flat black shoes. Humarap ako sa salamin at inayusan ko ang sarili ko.

Pinabawasan ko ang hanggang bewang kong buhok. I cut it above my shoulder. Pinakulayan ko din iyon ng copper brown. Namimiss ko ang mahaba kong buhok but I'm loving more my new hair.

Pagkatapos kong kulayan ang kilay ko at magpahid ng lipstick sa labi ko ay kinuha ko na ang bag ko. Nilagay ko doon ang cellphone ko. Binitbit ko yung tatlong paper bag na pasalubong ko para kila Daddy at nurse Anna.

Tinanaw ko sa labas ng bintana ang kahabaan ng highway papunta sa bahay namin.

Halos isang tao ko din na hindi nadaanan ito. Wala pa ding nagbago. Madami pa ding mga sasakyan at ganon pa din ang mga nakatayong establisyemento.

Nang huminto sa tapat ng gate namin ang taxing sinakyan ko ay inabot ko sa kanya ang bayad ko. Hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay namin.

Matagal akong tumayo sa tapat nun. Parang kailan lang nung nagpasya kong umalis dito. Now, I'm back!

Napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sumalubong sakin ang katahimikan ng sala. Nagtungo ako sa may garden namin sa pagbabakasali na baka nandoon sila Daddy. Tama nga ang hinala ko.

Nakita agad ako ni Nurse Anna dahil nakaharap sya sakin. Sineyasan ko sya na tumahimik ng makita ko ang excitement sa mukha nya. Dahan dahan akong naglakad papunta kay Daddy.

Hindi na sya nakaupo sa wheelchair. Sa huling pag uusap namin ni nurse Anna sinabi nya sakin na magaling na si daddy.

Niyakap ko sya mula sa likuran nya. Naramdaman ko ang pagkabigla nya ng pumiglas ang katawan nya. Naluluha na hinarap ko sya.

"A-athena?" gulat na gulat na sambit nya sa pangalan ko.

Tumango ako. Nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Damn! I really missed him.

Walang salita na niyakap ko sya. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sa balikat nya. Naramdaman ko ang paghagod nya sa balikat ko.

"D-daddy namiss kita," umiiyak na sambit ko.

"Sino bang hindi?" Hinawakan nya ang mukha ko. Pinunasan nya yung mga luhang kumawala sa mata ko. "Bakit hindi ka naman nagsabi na uuwi ka. Eh di sana nakapagluto kami kahit papano."

Ngumiti ako sa kanya. I'm so happy to see him like this. Unti unti ng bumabalik sa dati ang sigla nya. Tumataba na din ang katawan nya.

"I wanted to surprise you kaya hindi ko sinabi na uuwi na ko."

"Nasaan si Lance? Mabuti pa sya at may pamilya na."

Napatingin ako sa kanya. This past few weeks palagi nya kong kinukulit tungkol sa bagay na yun. Nung una hindi din sya makapaniwala na ikakasal si Lance kay Agatha at nagkaroon na sila ng anak. Pero ng tumagal tagal na kinukulit nya ko na mag asawa na din katulad ni Lance.

"Umuwi po sa kanila. Two months lang po sila dito. Pagkatapos mabinyagan si Hyacinth ay babalik na din sila sa Amerika. Sa December na po uli ang balik nila para naman sa kasal nila."

Tumango tango sya sakin at tinignan ako ng seryoso. "Eh ikaw ba, kailan ka mo ba balak magpakasal?"

Nagulat ako sa tanong nya.

"Daddy naman!" Ngumuso ako sa kanya.

"Tumatanda na ko anak. Gusto ko din naman makita ang apo ko sayo at maalagaan ko kahit papano. Isa pa, kung sakali man na mamatay ako atleast sigurado ako na okay ka pag naiwan kita. Alam kong may lalaking mag aalaga sayo."

Natahimik ako sa sinabi nya. Simula nung umalis ako dito hindi na sumagi sa isip ko ang tungkol sa bagay na yun. Naging abala ako sa madaming bagay.

"Sya nga pala hija, sino ba si David?"

Nanlaki ang mata ko sa tinanong nya. Kinabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

"Palagi nya kong pinupuntahan dito noong umalis ka. Nakikipagkwentuhan lang ng kung anu ano."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Why? Why is he doing this?

"Boyfriend mo ba yun Athena?..." Natahimik ako sa tanong ni daddy. "Sya ba ang dahilan kung bakit bigla kang nagpasya na umalis dito?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam kong dadating ako sa punto na kailangan ko ding sabihin lahat ng nangyari kay daddy but I never thought that it would come early.

Bakit ba palagi na lang akong nabibigla? Kanina nakita ko si David. Ngayon naman tinatanong na ko ng daddy ko kung anong relasyon ko sa kanya.

Damn! Kauuwi ko pa lang ganito na agad. Paano pa sa mga susunod na araw?

"Osya sige wag mo ng sagutin ang tanong ko kung hindi ka pa handa. Pero ito lang ang tatandaan mo anak, palagi mong pipiliin kung saan ka masaya. Natural lang ang masaktan pero hindi natural na pigilan mo ang makaramdam ng kasiyahan dahil minsan ka ng nasaktan."

Tinapik nya ako sa balikat at nginitian.

"Magluluto lang ako. Maiwan muna kita dyan."

Tulala ako hanggang sa makaalis na si daddy papunta sa kusina. Sumunod din sa kanya si nurse Anna.

Napaupo ako sa upuan na nandoon. Hindi ko alam kung ano kong unang iisipin. Yung sinabi ba ni David kanina o yung kay Daddy.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Dapat ko pa nga bang pakinggan ang side ni David? May magbabago ba sakaling marinig ko yun?

But then, at the bottom of my heart may nagsasabi sakin na pakinggan ko ang paliwanag nya. There's something inside of me hoping that there's still a second chance for us.

Pero napaisip ako kung bakit? Bakit nararamdaman ko to? Bakit ako umaasa na kung sakali man na pakinggan ko sya may mababago saming dalawa. Bakit na kahit nasaktan nya ko ng sobra sobra hindi ko magawang magtanim ng galit sa kanya?

Ako lang ba ito at nararamdaman ko pa din na mahal ko pa sya. Na yung akala kong nawala na ay nagtago lang pala.

Why? Why do I have this feeling? Why do I need to feel my heart beats so fast? Why I can't stop loving him?

I don't know the reason. No matter how I feel, that the one person can make me happy is him. And I don't why!

Pagkatapos ng lahat ng mga pasakit na naramdaman ko sa kanya hindi ko maintindihan kung bakit sya pa rin ang laman nitong puso ko.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon