Chapter 55
Changed a Lot
Dalawang araw kong iniwasan si David sa tuwing nagpupunta sya sa bahay. Kung anu ano ang idinadahilan ko kay Daddy para lang hindi ko sya makaharap.
I don't know if I am ready to face him. Hindi ako pinatulog ng mga sinabi nya nung huli naming pag uusap. Palaging iyon ang laman ng isip ko at halos hindi ako makatulog dahil doon.
"Iniiwasan mo ba ko?" halos mabitawan ko ang basong iniinuman ko ng tubig ng marinig ko ang boses ni David sa likuran ko.
Hindi ko inaasahan na muli syang pupunta ngayon. Dalawang araw ko na syang hindi hinaharap kaya ang buong akala ko hindi na sya magpapakita pa.
"W-why would I?" tanong ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nya sa tanong ko. Pagkuwa'y napailing sya. Tinitigan nya ko ng diretso sa mga mata.
"A-ano ba?"
Tinulak ko sya ng hawakan nya ang magkabilang balikat ko. Hinawi ko iyon pero malakas ang kamay nya. Mahigpit an pagkakahawak nya sa'kin.
Hindi sya nagsalita. Isinandal nya ako sa dingding na malapit sa refrigerator. Sinandal nya ang kaliwang braso nya sa dingding habang ang isa ay nanatili sa balikat ko.
"A-ano bang problema mo?"
Hindi pa din sya nagsalita. Diretso lang syang nakatitig sa mata ko. I can't read his mind. Wala kong makitang emosyon sa mga mata nya.
Ginamit ko ang pagkakataon na yun para titigan sya. He's wearing a red v neck shirt. Nakashorts lang sya.
Bakit ba ang gwapo gwapo pa din nya kahit ganon lang kasimple ang suot nya? Well, maybe because he is King David Imperial.
I smiled bitterly on that thought. I don't know what's going on him. Suddenly, he became like this. He changed a lot. Matagal kong hinintay yung ganitong pagkakataon. Matagal kong inasam na mangyari to. Yung dadating yung araw na mahal na nya ako. Masaya ko. Pero hindi tagos sa puso ko. Pakiramdam ko may kulang.. Parang hindi sapat yung pagmamahal nya para maramdaman ko yung totoong kasiyahan sa puso ko.
"Athena..."
"David... It's okay. I understand."
Inunahan ko na sya. I know he'll bring again what happened to us. But I know where to stand myself. Tama na yung isang pagkakamali. I don't want to assume again.
"What do you understand?" dinig ko ang pagkairita at frustration sa boses nya.
Kitang kita ko ang galit at frustration sa mga mata nya. Hindi ko matitigan ng matagal iyon.
"David... I know what happened that night. I seduced you first, kasalanan ko kung bakit tayo humantong sa kama. Kung hindi ako nagpakita ng motibo alam kong hindi ka magiging agresibo. So, it's okay. Let's forget about what happened that night. Let us pretend that nothing happen. You don't need to be guilty, afterall we both enjoyed it, right?"
"What the hell Athena?" kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. "What do you mean by that, ha? Wala lang ba sayo yung nangyari satin ha?"
Nag iwas ako ng tingin. I wanted to shout at him na may halaga sakin iyon. Pero hindi ko ginawa. Kung iyon ang iniisip nya, I deal with it. Afterall, I don't owe him an explanation kung mahalaga ba sakin iyon o hindi.
"Yes," matapang na sabi ko.
Napadaing ako sa sobrang higpit ng hawak nya sa balikat ko. Kitang kita ko din ang pagkuyom ng kamao nya na nakasandal sa dingding.
"Damn it, Athena!" malutong na mura nya. I can see the fire on his eyes.. I can see how angry he is.
Gusto kong matakot sa itsura nya ngayon pero hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko. Walang ibang maramdaman ang puso ko. Pakiramdam ko namanhid bigla ito.
Tinulak ko sya. Pinalis ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko. Sinalubong ko ang galit na galit nyang mga mata.
"Hindi ko alam kung anong problema mo David. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito... Ano bang gusto mo? Gusto mo ba na maghabol ako sayo dahil lang may nangyari sa'tin? Yun ba yung gusto mo ha?"
"Damn it, Athena! Hindi mo pa din ba nakikita? Mahal kita... Gingawa ko to dahil mahal kita. Gusto kong bumalik ka sa'kin. Gusto kong maging akin ka uli."
Hindi ako nagpaapekto sa sinabi nya. Kahit na iba na ang epekto nun sa isip ko.
"Mahal?.." tumawa ako pagkasabi nun. Umiling iling ako tsaka muling nagsalita. "Sige nga David, ano ba ang pagmamahal para sayo? Paano mo nasabi sakin ngayon na mahal mo ko?"
Tinitigan ko sya. Lumambot na ang ekspresyon ng mata nya. Hindi sya kumibo kaya napailing na lang ako sa kanya.
"See? You can't answer my questions. Ano bang pagkakaiba ng dati sa ngayon? Bakit kung kailan wala na ako dun mo lang ako minahal? Bakit nung mga panahon na nasa tabi mo ako hindi mo pinaramdam sakin yang pagmamahal na sinasabi mo? Bakit ngayon lang?.."
Hindi ko lubos na maintindihan ang bagay na iyon. Alam ko naman na palaging nasa huli ang pagsisisi. Some people say, you will know the value of a person until it's gone. Pero bakit kailangan pa munang mawala bago malaman na mahalaga pala? Bakit hindi naten maappreciate ang isang tao na nandyan pa? Kailangan pa ba talagang mawala bago malaman yung worth nya?
"Matagal ng nawala yung pagmamahal ko sayo. Matagal na kong sumuko na isang araw dadating yung panahon na mamahalin mo din ako. Ayoko na eh. Pagod na ko. Nakakapagod pa lang magmahal kung palagi ka lang nasasaktan. Nakakapagod maghintay sa bagay na walang kasiguraduhan. Tapos heto ka ngayon, bigla kang papasok uli sa buhay ko. Sinasabi mo sakin na mahal mo ako. Na gusto mo na ikaw uli ang mahalin ko. Tanong ko lang, may dahilan pa ba para mahalin kita?"
Hindi sya kumibo. Madami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung saan sisimulan. Sa tingin ko kaya hindi ako lubos na makaramdam ng totoong kasiyahan kasi may natitira pang galit sa puso ko. May bitterness pa. May parte pa na hindi makamove on kahit na alam kong okay na ko.
"Sorry..." tinitigan nya ako sa mata. Punong puno ng emosyon ang mga mata nya. Halo halo na ang mga iyon kaya hindi ko na mapangalanan kung para saan ang mga iyon.
"I-I didn't realized it earlier... It seems that what happened to us... changed you a lot," sabi nya.
Umiling ako sa kanya.
"You can say that. People said I've changed a lot. Well, here's the truth. I just grew up and I've learned my lessons. I stopped letting people hurt me. I've learned that you can't be loved by the person you love. So, I accept the reality. Siguro nga para sayo nagbago ako. Hindi ako nagbago, natuto lang ako."
