Chapter 17
New Friends.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan ni daddy ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Cassie.
"Dy, sagutin ko lang po," paalam ko sa kanya at lumayo ng kaunti.
"Hello san ka?" bungad na tanong nya sakin.
"Nasa daddy ko, bakit?"
"Nandito ko ngayon sa mall, gusto sana kitang yayain. You know, gusto ko pang makipagclose sayo hindi dahil co-teacher na kita. And besides, ipapakilala ko sayo yung friend ko."
Tumingin ako kay daddy na nakikinig sa usapan namin. Alam kong narinig nya yung sinabi ni Cassie dahil niloud speaker ko iyon. Nakita kong ngumiti sya sakin at naghand gesture na okay!
"Ahm sige, susunod na lang ako." I ended the call. Humarap ako kay daddy at nginitian nya ako.
"Sige na anak, natutuwa ako at nakikisalamuha ka na sa iba. Hindi yung puro si Lance yung kasama mo. Mabuti nga at nakahanap ka ngayon ng kaibigan mo may hahalili na kay Lance."
Masaya kong nagpaalam kay daddy. Pumunta ako sa mall na tinext sakin ni Cassie. Nagtext ako na nandun na ako and she replied na sa Mcdo na lang daw ako dumiretso.
Pagpasok ko ay mabilis ko syang nakita dahil kinawayan nya ko. May kasama nga syang isang babae, pero hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sakin.
"Hi, buti naman nakarating ka. Tara upo ka."
Pag upo ko, parehas kaming nagulat nung babaeng kasama nya nang makilala namin ang isa't isa.
"Wait! So, you know each other?" sabay kaming tumango ni Aubrey.
"How? I m-mean saan kayo nagkakilala?"
Hinayaan kong si Aubrey ang magkwento kung pano kami nagkakilala.
"Ah, so yun pala yun!" Tumatango tango si Cassie at nangalumbaba. "Hindi ko na pala kayo kailangang ipakilala sa isa't isa magkakilala na pala kayo."
Nginitian ko si Aubrey, ganon din sya sakin. Pagtapos nun ay tumayo na si Cassie para umorder ng makakaen namin.
Nagkwentuhan naman kami ni Aubrey. Hindi kami ganong nakakapag usap kapag nagkikita kami sa Kingdom dahil baka pagalitan lang sya ni David.
"Ikaw pala yung kinekwento ni Cassie sakin, Athena kasi yung lagi nyang binabanggit na pangalan mo eh malay ko bang ikaw din pala yun. Akala ko kapangalan mo lang," aniya Aubrey.
"Ah, yun kasi yung tawag nya sakin nung nasa college pa kami," sabi ko.
Madami pa kaming napag usapan ni Aubrey. Iniiwasan namin na magbanggit ng tungkol sa Kingdom dahil kaya daw talaga sya napapayag ni Cassie na lumabas ay dahil naistress na sya sa dami ng trabaho nya.
Nabanggit nya din sakin kanina na kaya sya doon nagtrabaho kay David ay dahil sinagot nito ang pampaopera sa papa nya na driver ni David. So, parehas pala kami ng dahilan kung bakit namin kailangan magserbisyo kay David. Ang kaibahan lang namin ibang serbisyo ang kabayaran nung sakin.
Habang tinitignan ko sila ay napapangiti ako. Now, I found new friends.
Napagpasyahan namin na manood ng sine. Pero nagtalo pa ang dalawa dahil ayaw ni Aubrey ng horror samantalang yun ang gusto ni Cassie. Hindi na ko nakisali sa kanila dahil baka hindi pa kami makanood pag nagkataon.
"Kung hindi pa kayo makapagdecide pwede umalis muna kayo dyan" sabi nung babae sa likuran namin.
Sabay sabay naming nilingon yung babae. At tinaasan nya kami ng kilay. Sasagutin ko sana yung babae ng unahan ako ni Aubrey.
"Sorry ha, pero nauna kaming pumila sayo kaya maghintay ka. So what kung hindi kami makapagdecide? Alam mo ganon kasi talaga ang magaganda hirap makapili. No wonder, may napili ka agad kasi hindi ka naman maganda. And im sure horror ang panonoorin mo, hindi ka na natatakot dahil immune ka na sa sarili mo." Nagulat ako sa sinabi ni Aubrey, napapailing ako ng makita ko ang isang katauhan nito.
Nakita kong napahiya yung babae. Hinila na ni Cassie si Aubrey at pinagbigyan ito na love story na lang ang panoorin.
Natapos na't lahat ang pinanood namin perong itong si Aubrey ay hindi pa din makamove on sa babaeng nakaaway nya sa pila.
"Oh Aubrey relax, ang puso baka malaglag. Hindi ka pa nga naiinlove aatakihin ka agad." Natawa ko sa sinabi ni Cassie, mukhang effective naman iyon dahil tumigil nga ito.
"Oo nga, sayang ang lahi," sang ayon nito kay Cassie. At tumawa sila.
Dahil ayaw pang umuwe nung dalawa ay naisipan naming magshopping. Lahat ata ng botiques sa loob ng mall na yun ay napasukan namin. Pati ang magpamanicure at pedicure ay hindi na namin pinalagpas.
Si Aubrey ay inaya ako na magpachange look daw kami. Ayoko sanang bawasan yung hanggang bewang kong buhok pero napilit nila ko ni Cassie.
Nang matapos na ang ginawa ng bakla sakin ay nagulat ako sa nakita ko.
"Ang taray ng beauty mo beh," aniyang bakla na naggupit sa sakin.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bumagay sakin yung hanggang balikat na gupit ko lalo na yung kulay ng buhok dark brown na ikinulay nya doon.
"Wow, grabe ngayon mas bumagay lalo sayo yung pangalan mong Princess." Nginitian ko si Aubrey sa sinabi nya.
Binigyan ko ng tip yung baklang nag ayos sakin. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako tinitigilan ni Aubrey dahil sa naging outcome ng pagpapaparlor namin.
"Naku sigurado ako maiinlove lalo sayo ni David."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. I-inlove? How I wish he could be. But I really know the truth. And I need to be realistic. Pero bakit kalahati ng puso ko ay parang umaasa ako na sana nga magkagusto sya sakin? Ano ba tong iniisip ko? Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na kami.
Gabi na kaya napagpasyahan na naming umuwe. Doon na ko tumuloy sa bahay namin ni papa dahil mukhang hindi naman ako kailangan ni David ngayon. Pero tinext ko sya na dito ako uuwi samin.
Bago ako matulog ay muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin.
"Posible kayang mainlove sya sakin?" tanong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.
Bakit ko ba iniisip yun?
Para mawala sa isip ko yun ay kinuha ko na lang ang laptop ko. For sure gising na gising ngayon si Lance. I want him to see my new hair.
Naglog in ako sa skype at saktong nakalog-in din sya. Sya ang tumawag sakin, kaya sinagot ko iyon. Nang makita ko na ang mukha nya sa screen ay nagulat sya ng makita ako.
"Is that you Athena?" hindi makapaniwalang tanong nya sakin, tumango ako sa kanya. "Wow! Akalain mo yun may igaganda ka pa pala."
"Syempre, that's what you called Hidden Beauty," proud na sabi ko sa kanya.
"Infairness ang ganda mo ha. May pinapagandahan ka ba kaya mo naisipan yan ha?"
"Oyyy wala ahhh!" Todo explain ako sa kanya, dahil alam kong tinutukoy nya si David. Kinwento ko na din sa kanya yung tungkol kila Cassie at Aubrey.
"Finally, naisipan mo ding maghanap ng kaibigan. Okay yang naisip mo para hindi mo na ko masyadong kulitin. I hope I'll meet them someday."
Nagkwentuhan pa kami nang kung anu-ano. Kinwento nya sakin yung ibang feeling na nararamdaman nya being a doctor sa ibang bansa. Parang napepressure daw sya.
Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya ng tawagin na sya ng secretary nya dahil may nakaschedule syang ooperahan.
After naming magpaalam sa isa't isa ay inoff ko na ang laptop at humiga sa kama. Before I close my eyes, pinagsalikop ko ang mga kamay ko at nagdasal. I want to thank God for giving me a new friends. And for all the blessings I received everyday.
