Chapter 47

16.6K 221 4
                                    

Chapter 47

Change

Naging madalas pa ang pagiging moody ni Agatha. Palagi nyang inaaway si Lance kahit wala itong ginawa. Katulad na lamang ngayon na kumakain kami ng almusal.

Nagprisinta na ko kanina na ako na ang magluluto ng breakfast pero nagpumilit si Lance.

"Sinong nagluto nito?" nakakunot noong tanong ni Agatha.

Tinuro ko si Lance. Ayokong sakin nya ibunton ang inis nya.

"Ayoko ng kainin to!" Tumayo na ito at pumasok sa kwarto.

Susundan ito sana sya ni Lance pero sinigawan nya to.

"Wag kang susunod. Kapag lumapit sa sakin lalayasan kita."

Napailing na lang ako ng walang nagawa si Lance. Bumalik ito sa pagkakaupo. Nakanguso itong bumaling sakin.

"Grabe, mas malala pa yun sayo oh."

I laughed at him. Seven months na din ang mabilis na lumipas. Malaki na ang tyan ni Agatha. Two months from now ay manganganak na sya. Nakausap na din ni Lance ang parents nya. Tuwang tuwa ang mga ito ng binalita nya ang tungkol kay Agatha at sa bata.

Tinitigan ko si Lance. Sa loob ng pitong buwan ang daming nagbago. Akala ko mananatili syang bakla but look at him now. He's a changed man. Ilang buwan na lang ay magiging tatay na sya. Hindi mo talaga masasabi ang pwedeng mangyari sa buhay ng tao. Napakaraming unexpected happeninga na pwedeng mangyari.

"Pagpasensyahan mo pa buntis kasi," natatawang sabi ko.

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

Napalingon kami pareho ng makarinig kami ng kalabog ng pinto. Lumabas doon si Agatha at nakasimangot na lumapit kay Lance.

"Igawa mo ko waffle. Lagyan mo ng madaming cheese."

Mabilis na tumalima si Lance sa kanya. Napailing na lang ako ng kumindat si Agatha sakin. Iniwan ko sila sa kusina at pumasok sa sala. Nakita kong tumunog ang Macbook ni Agatha.

"Agatha, may tumatawag sayo," sigaw ko.

But they ignored me. Narinig ko na nagtatawanan na sila sa kusina. Napansin kong wala silang balak na lapitan iyon kaya ako na ang sumagot.

It's too late before I noticed that the caller is him.

King David Imperial.

Napindot ko na ang answer button at lumabas na ang mukha nya sa screen. Huli na para umatras ako. His hair slightly longer. His clean cut hairstyle is gone. His broad shoulders looks wider. He looks so mature. He changed a lot except the expression of his eyes. Nanlamig ang kamay ko at nangatog ang mga binti ko. Nawala na ko sa huwisyo at hindi ko alam kung anong pipindutin ko para patayin iyon.

Nang hindi ko makita ang off button ay sinara ko na lang ang Macbook. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko.

"Sinong tumawag Athena?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Agatha. Namutla ako pero nginisian nya lang ako.

"Si David ba?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Magkakilala sila?

Tila nabasa nya ang iniisip ko.

"I forget to tell you, he's my cousin anyway," nakangising sabi nya.

Hindi ako umimik. Tumakbo ako papasok sa kwarto ko. Isinandal ko ang likod ko sa likuran ng pinto. I was so stunned. My heart keeps on beating so fast. Kung hindi pa ako tinawagan ni Conrad ay hindi ako aalis doon.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Wala kaming pasok dahil bakasyon na sa school. Napagkasunduan namin na magpunta sa bar kasama ang ilang pang mga teacher na kasama namin sa trabaho.

Nagsuot ako ng black maong pants. Nung una sobrang hindi ako komportable sa pagsusuot nuon dahil nasanay ako sa dress. Pero kalaunan ay nasanay na din ako. Tinernuhan ko iyong white crank top. At nagsuot ng black coat. Ginamit ko yung black boots na binigay sakin ni Agatha.

Paglabas ko ay nasa sala na sila Lance. Nakita kong kunot noo syang nakatingin sakin kaya kay Agatha ako tumingin.

"Alis muna ko ah."

"San ka pupunta?" tanong ni Lance.

"Di ba nasabi ko na sayo na aalis kami nila Conrad."

Nakwento ko na sa kanya kagabi ang plano naming lakad ngayon. Nakita ko syang umiling.

"Kayong dalawa lang?"

Umirap ako. Simula nung nagpakalalaki sya naging mahigpit na sya sakin. He become nosy. He always nag at me. Bawal ang maiksong short. Bawal ang dress. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba yung pagbabago nya.

"C'mmon Lance. Hindi ako ang anak mo kaya wag ka sakin magpakatatay..." Bumaling ako kay Agatha. "Pinagpapraktisan ako oh."

Tinawanan lang ako ni Agatha. Hindi ko na sila hinintay na magsalita at lumabas na ako.

It's been almost nine months had passed. Ang dami ng nagbago sakin. Dati hindi ko kayang uminom ng mga hard drinks. Palagi akong umuuwi ng lasing. But now, everything has changed.

Nine months. Parang kailan lang nung umalis ako. Pakiramdam ko ang dami ng nagbago. I can no longer known my old self. Hindi ko alam kung mabuti ba iyon o hindi. Siguro. Maganda na din to, para hindi ko na maalala pa yung dati.

Nandito kami ngayon ni Lance sa ospital na pinagtatrabahuhan nya. Manganganak na si Agatha. Today, she's going to birth their daughter.

Bumukas ang pintuan ng labor room. Lumabas doon ang isang nurse at karga karga ang anak nila.

Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni Lance ng mahawakan ang anak nya. Im so happy for him. Im so happy for them. Naiinggit ako sa kanila. Seeing him holdong her daughter makes me remembered my unborn child.

Lumingon si Lance sakin. "Gusto mong buhatin? Titignan ko lang si Agatha."

Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko iyon.

"C'mmon Athena! Forget your past... Dali na kunin na si baby.."

Maingat na kinarga ko ang anak nya. Nginitian ko sya kahit hindi nya ako nakikita. Hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko. How much more if it is my own?

Napawi ang malaking ngiti sa labi ko ng nagsimula itong umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. The child's making my heart so bad. But at the same time, looking at her makes me happy.

Lumapit ang isang nurse sakin.

"She needs to breastfeed."

Pinasa ko sa kanya ang baby. Hindi ko alam kung ano ang ipapangalan nila dito.

Lumabas ako ng ospital at naglakad lakad. I don't know what is this I'm feeling. I can't name it.

Mabilis na tumulin ang dalawang buwan. Karga karga ko si baby Hyacinth. Naglandas ang mga luha sa mata ko. I'm so happy that she's here. Hindi man ako naging maingat sa anak ko pinapangako ko na iingatan ko ang inaanak ko.

I promised to myself that I would never be careless again. Simula ng umalis ako sa Pilipinas ay natuto na ako. Hindi ko dapat ibuhos lahat ng pagmamahal ko sa isang tao. Kailangan ko ding magtira para sa sarili ko. Because when that person hurts you so much, you lose yourself. Makakalimutan mo na ang ibang bagay. Mabubulag ka sa pagmamahal mo sa kanya. Na kahit nasasaktan ka na patuloy ka pa ding nagmamahal sa kanya.

Inayos ko yung aviator sunglass na suot ko. Nanunuot sa balat ko yung matinding sikat ng araw. Pababa na kami sa eroplano.

We're finally here. Katabi ko si Agatha at karga karga nya si baby Hyacinth. Tinawagan ni Lance ang susundo samin.

Napag usapan na nila Lance at mommy nya kagabi na pabinyagan agad sa susunod na linggo si baby Hyacinth. Sobrang excited nila na makita ito.

Masaya ko para kay Lance. He has a family now. Tanggap na din sya ng pamilya nya. Lahat talaga nagbabago whether it's for good or not.

I changed too. But I don't afraid of it. I know that it leads me for a new beginning.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon