Chapter 30
Love Him
So, she's back! Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Naghalo halo na ang emosyon sa dibdib ko. Lungkot. Takot. Kaba. Sakit. Hindi ko na mapangalanan kung ano pa yung iba.
Naalala ko yung sinabi nya sakin nun. Once that he got her back we're done. Ngayong nandito na sya tapos na ba kami? Then, reality hits me. There's no us. Ako lang itong nag assume na may kami.
Hinawakan ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang paghikbi ko.
"I'm sorry David!." Narinig ko ang paghikbi ni Crizelle pagkasabi nya nun. Nagpatuloy pa sya kaya nakinig akong mabuti. "Sorry!
I'm sincerely sorry for everything. Sorry for the pain I've caused. Sorry for the broken promises I've said. Sorry for hurting you. Sorry for leaving you. Sorry for the actions I acted. Sorry, David."Ang kaninang paghikbi nya ay lumakas ng lumakas hanggang sa nauwi na ito sa pag iyak. Nakita kong niyakap sya ng mahigpit ni David. Dahil nakaharap sya sakin ay kitang kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nya. Pinikit nya ng mariin ang mga mata nya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkawala ng butil ng luha doon.
Nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa din ako umaalis doon. Pakiramdam ko napako na ang paa ko sa kinaroroonan ko. Namanhid na ang katawan ko at hindi na ako makakilos.
"I miss you, David. I miss your laugh. I miss your hugs. I miss your smiles. I miss you. I miss everything about you. So please, come back to me David. Give me a chance, give our relationship another chance."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa si David. Kahit na nanghihina at gusto ng bumigay ng mga tuhod ko ay pinilit ko ang sarili ko na makaalis sa lugar na iyon. Tumakbo ako kahit na gusto ng bumigay ng tuhod ko.
Napadpad ako sa tabing dagat. Nilapitan ko ang malaking bato na nasa pampang at naupo doon. Napatulala ako sa kawalan.
"Paano na ko?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Pakiramdam ko manhid na manhid ang buong katawan ko pero ganunpaman nararamdaman ko pa din ang matinding kirot sa puso ko. Ang sakit sakit! Hindi ko alam kung paano mawawala to.
"Ang sakit!" Pinalo ko ang parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Kumikirot iyon at nahihirapan akong huminga.
Damn! Why it hurts like hell? Ganito pala kasakit kapag nagmamahal? Pero bakit madami pa ding tao ang gustong magmahal kung masasaktan lang din naman?
Hindi ko masagot iyon sa sarili ko. Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha sa mata ko. Madalas kong marinig at mabasa noon na mabisa daw ang pag iyak para mabawasan ang sakit na nararamdaman. Pero bakit sa sitwasyon ko ngayon mas lalo lang akong nasasaktan.
Niyakap ko ang mga binti ko at ipinatong doon ang ulo ko.
"Gusto ko lang na mahalin mo ako pero hindi ko naman alam na masakit pala ang mahalin ang tulad mo."
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kalangitan. Lumalalim na ang gabi at marami na ang mga bituin. Bilog na bilog ang buwan na nagbibigay ng liwanag sa karagatan.
Huminto na sa pagtulo ang mga luha ko pero hindi pa din nawawala ang kirot sa dibdib ko.
Huminga ako ng malalim. Napagpasyahan kong tumayo na para makabalik na sa hotel.
Habang naglalakad ako ay kinundisyon ko ang sarili ko. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng short ko.
Bumilis ang tibok ng dibdib ko ng mabasa ko ang pangalan ni David sa screen ng cellphone ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko iyon sinagot.