Epilogue
David's POV
I'm not scared to fall in love. I'm just scared that I might fall for the wrong person again. I'm just scared to fall in love fast because the last time I fall it never seems to last. Natatakot ako! Because I know to myself when I love, I give my all. Hindi ko na naiisip ang sarili ko. Parang ang gusto ko na lang gawin ay mahalin sya ng mahalin hanggang sa nabubuhay ako.
Sobrang saya ko ng sabihin nya sa'kin na mahal nya ako. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at sabihin din sa kanya na mahal ko sya. Pero natakot ako! Natakot akong ipakita sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Naging duwag ako. Inuna kong pairalin ang takot ko. Takot na baka masaktan lang ako. Takot na iwan nya lang ako. Kaya ginawa ko ang lahat para pigilan ang nararamdaman ko. I tried my best to ignore my feelings. Pero sa tuwing pinipigilan ko iyon mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.
Akala ko noon, titigil din sya. Hindi ako naniniwala na magtatagal yung nararamdaman nya. Ilang buwan pa lang kaming nagkakasama, mahal na nya agad ako. Imposible! Pero habang tumatagal narealized ko na hindi pala sa haba ng panahon ang sukatan para malaman mo na totoo ka nyang mahal.
"Look! That's the tiny webbed hands and feet shaped like paddle of your baby David," sabi ng Doctor samin habang tinuturo ang nagsisimulang magform na kamay at paa ng baby namin.
Three days later, after we found that she is pregnant kinulit ko sya na magpaultrasound. I wanted to make sure that our baby is healthy as well as her.
Nakita ko ang pagkatulala nya sa monitor habang nakatingin din sa tinuturo ng Doctor. I held her hands.
Gusto kong sapakin ang sarili ko ng makita ko syang takot na takot na umiyak nung nalaman nya na buntis sya. Natatakot sya na baka hindi nya maalagaan yung anak naming dalawa. I know it's my damn fault! K-kung sana naalagaan ko sya ng tama hindi mangyayari yun.
Sobrang pagsisisi ko ng malaman ko na nawala yung baby namin. Damn! It's our first baby. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. All I want to do that time is to wreck the neck of that damn girl, Crizelle! It's all her fault. Kung hindi sana sya nakialam sa relasyon namin hindi kami magkakaganon. Kung alam ko lang na puro kasinungalingan ang mga sinabi nya hindi na sana ko naawa sa kanya.
Pinaniwala nya ko na may nangyari saming dalawa nung pinuntahan ko sya nung nasa Palawan kami. Ako namang si gago naniwala sa kanya! Wala akong maalala nung gabi na yun kaya I had no choice but to believe in her. Sinamahan ko sya magpacheck up sa Obgyne. And damn! Confirmed! She's pregnant. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na yun.
I wanted to say sorry kay Athena nung gabi na umuwi ako. Gusto ko ng sabihin sa kanya na mahal ko sya pero hindi ko magawa. Instead, I said to her that I like her. But I know it's not like. It's love.
"Ito naman yung heart ng baby. It beats almost twice as fast as yours," sabi pa ng Doctor. Zinoom nya yung parte kung saan nandoon ang puso ng baby namin.
"Okay lang ba ang baby namin?" tanong ni Athena.
Kitang kita ko ang takot at pag aalala sa mga mata nya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. Nang lumingon sya sakin ay nginitian ko sya. I want her to assure that everything will be fine. Magiging maayos ang baby namin.
I won't do the same mistake again. Hindi ko na hahayaan na may mangyaring masama sa kanya. O kahit sa anak namin. Natuto na ako! I can't take another heartache for loosing her. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun nang malaman ko na umalis sya ng bansa. Gusto ko syang puntahan. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya but I know I'm too late! Nasaktan ko na sya. Iniwan na nya ako.
Nung nalaman ko na mahal ko sya natakot ako na masaktan. Pero hindi ko alam na sya pala yung nasasaktan ko. Natakot ako na iwan nya ko pero mas nakakatakot pala nung nawala na sya sa buhay ko. I felt my heart broke into pieces during that time. Parang nawalan ako ng gana na mabuhay. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko. Kung pano ko ipagpapatuloy ang buhay ko.
Then I realized, Athena is my life. She have my heart. Akala ko nung mga panahon na iniingatan ko ang puso ko mula sa kanya ay naingatan ko iyon. Hindi ko namamalayan na nasa kanya na pala iyon. Kaya nung nawala sya sa buhay ko, nawalan na ng direksyon ang buhay ko. I'm alive and barely breathing. But my heart is dying.
"Don't worry Mrs. Imperial, safe naman po ang baby nyo. Hwag po kayong mag alala dahil mahigpit po ang kapit nya."
She smiled. Tumingin sya sa'kin ng may malaking ngiti sa labi nya. I felt relieved with that smile.
Nung nawala sya, napakadami kong pinagsisihan nun. Narealized ko lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko. I missed her. I missed everything about her. Her smiled. Her laugh. Her hug. Her kisses. The smell of her hair. The warm of her skin. I missed everything about her. Kaya pinangako ko sa sarili ko na sa oras na bumalik sya dito gagawin ko ang lahat para bumalik sya sa'kin. I'll do everything to win her heart. To back her in my life!
"Thank you, Doc."
Pagkatapos nyang ibilin ang mga bawal at pwede lang kainin ay umalis na kami sa ospital.
"I love you, Athena," sabi ko sa kanya.
"I love you more," sagot nya.
I smiled at him. Hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Kinuha ko ang kamay nya na nakapatong sa hita nya at dinala ko iyon sa labi ko. Hinalikan ko iyon ng matagal.
I've waited so long for this moment. I promised to myself na itong kamay lang ang hahawakan ko. Itong kamay lang ang hahalikan ko. Itong babae lang na ito ang pakakasalan ko ng kahit ilang beses sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas o kahit saan man parte ng mundo. I really love this woman.
"Baka mabangga naman tayo nyan. Tumingin ka nga sa daan," nakangiting sabi nya.
"Yes mommy." Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. Well, I found it corny pero para sa kanya kahit ano gagawin ko. Besides, mommy naman na talaga sya. She is the mother of my baby. Our baby.
"It's just that I can't off my eyes on you.. You're beautiful," sabi ko sa kanya.
Namula ang mukha nya na ikinatawa ko. Hinampas nya ang braso ko sa hindi ko alam na dahilan.
"Tss. Mambobola."
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ba sya naniniwala na maganda sya? Hindi nya ba alam na ang daming lalaki ang tumitingin sa kanya sa ospital kanina? Gusto ko sanang tusukin yung mga mata nila pero nagbago ang isip ko. She's mine! At hanggang tingin na lang sila.
"Hindi ako nambobola. I'm just saying the truth.." nakangiting sabi ko sa kanya.
"I love you..." pahabol na sabi ko.
"I love you even more, David."
Kinuha nya ang isang kamay ko at hinalikan iyon. Napangiti ako sa ginawa nya. She's so damn sweet! Kahit atang anong gawin nya napapakilig nya ako.
Sobrang mahal na mahal ko sya. Two months from now, nakatakda na kaming ikasal. I can't wait for that moment. I can't to be wake up every morning having her by my side. I want to be with her forever in my life...
It's just the beginning of our life. The beginning of our love. I know we can't go back and make a new start. However, we can start from now and make a brand new beginning. It's not just lust. It's not all about physical contact. It's pure love! A lifetime committment with her.
