Chapter 63

14K 175 21
                                    

Chapter 63

No, Athena

"Hi, good morning," bati nya sa'kin.

Kagigising ko lang. Napangiti ako ng marinig ko ang baritonong boses nya.

"Good morning din," ganting bati ko.

"Kagigising mo lang?" tanong nya.

Tumango ako kahit di nya ko nakikita. "Yes."

Narinig kong natawa sya sa kabilang linya. "Napuyat ata kita kagabi."

Pasado alas dos na ng matapos kaming mag usap. I felt relieved after that conversation with him. Kahit papano ang dami kong nalamang bago sa kanya.

Hindi ko akalain na madaldal pala sya. Makulit din at sobrang lambing. The whole time na nag usap kami ay nakayakap lang sya sa'kin habang nakahilig ako sa kanya. Everytime na umaalis ako sa pwesto na yun ay muli nya kong hinihila pabalik sa dibdib nya at yayakapin ako.

"Sa office ka na?"

"Yup. Halos kararating ko lang. Kumain ka na dyan ah. I call you later. Kailangan na ko sa conference room."

"Okay."

"I love you, Athena."

Napangiti ako sa sinabi nya. Sobrang lambing ng pagkakasabi nya.

"I love you more."

After I ended the call hindi na mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Hanggang ngayon hindi pa din nagsisink in sa utak ko ang mga nangyayari.

Napatingin ako sa daliri ko at nakita ko doon yung singsing na binigay nya sa'kin kagabi. Pinaikot ko iyon sa daliri ko.

"I'm going to be Mrs. King David Imperial," nakangiting sabi ko.

Hindi ako makapaniwala. Parang kailan lang umiiyak ako at nasasaktan sa mga nangyari sa'min. Pero heto kami ngayon, I'm engaged with him. We're going to be married.

Tumayo na ako sa kama ko. Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos akong kumain at hanggang makaligo.

Napagdesisyunan kong puntahan sya. Nagluto ako ng paborito nyang Kare-Kare. Nakangiti ako hanggang sa mailagay ko sa tupperware iyon.

Napatingin ako sa Fossil watch ko. Alas dose pasado na. Siguro tapos na ang meeting nila, pero hindi pa din sya tumatawag. Sabi nya kanina tatawagan nya ako hindi nya nga lang nasabi kung anong oras.

I decided to wear a sleeveless floral dress. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba nun. Medyo hapit iyon sa katawan ko kaya naemphasize ang sukat ng dibdib ko at liit ng bewang ko.

Nag apply lang ako ng BB cream sa mukha at nude lipstick. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko. I need to be beautiful. Gusto kong maging maganda ko sa paningin ni David. And I'm sure pagtitinginan na naman ako ng mga empleyado doon. Hindi ko lang alam kung nakalimutan na nila yung nangyari dati but the hell I care?

Nang makuntento na ako sa mukha ko ay sinuot ko na iyong baby pink doll shoes ko. Kinuha ko iyong white sling bag sa cabinet ko at umalis na.

"Sorry Ma'am pero hindi po kayo pwedeng pumasok," sabi sakin ng bago nyang secretary.

Matagal ng wala so Aubrey sa kanya. Basta nasabi nya lang sa'kin na si Russell na ang new boss nya.

Ang dami ko ng nalagpasang issue sa dalawang yun. Parang gusto ko tuloy sila makakwentuhan ng magdamagan. I want to catch the things we miss. Kapag naman nagkikita kita kami hindi naman kami makapag usap ng maayos dahil laging nakabakod si Russell kay Aubrey. Laging iniiwasan si Vincent ni Cassie.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon