Chapter 43
My Baby
Mabilis akong dinaluhan nii Vincent. Agad nya akong kinarga.
"M-my baby. Please save her," pakiusap ko sa kanya.
"Tumabi kayo dyan!" sigaw ni Vincent sa mga empleyadong nakaharang sa dinadaanan nya.
"Please save her.."
Nanginginig pa din ang buong katawan ko.
I didn't know that I'm pregnant. If only I knew, hindi ko na sana pinatulan pa si Crizelle. Kapag may nangyaring masama sa anak ko hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. It's my entirely fault. How come that I didn't notice that there's a baby on my womb.
"'Yung baby..." iyak ko kay Vincent.
Mabilis na nakarating kami sa parking lot. Ipinahiga nya ako sa back seat ng kotse nya at pinaharurot iyon.
"You're baby will be save, Athena. Don't worry malapit na tayo sa ospital," napapaos na sabi nya.
Narinig kong may tinawagan sya. Hindi na gaanong malinaw sa pandinig ko kung sino ang kausap nya. Nanlalabo na din ang paningin ko. Pakiramdam ko ilang sandali na lang mawawalan na ko ng malay.
"Athena, hold on. Wag kang pipikit. You and your baby will be save," yun ang tanging huling naalala kong sinabi nya.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Pagkamulat ng mata ko ay agad kong kinapa ang sinapupunan ko.
Agad akong bumangon para malaman kung anong nangyari sa kanya.
Nakita ko sa gilid ko si Cassie. Sa tabi nya ay ang natutulog na si Vincent na nakahilig sa balikat nya.
"Athena, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" aligagang tanong nya sakin.
Nagising si Vincent sa tabi nya sa biglaan nyang pagtayo. Lumapit silang pareho sakin.
"Kamusta ang baby ko?" tanong sa kanila.
Hindi sila sumagot. Nakita kong siniko ni Cassie si Vincent kaya sa kanya ko tumingin.
Sana hindi totoo ang hinala ko. Sana hindi totoo! Please..
"S-sorry, Athena."
Yun pa lang ang narinig ko kay David ay nawala na ang pag asa ko.
Hindi mapaliwanag na sakit ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko literal na tinutusok ang dibdib ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Niyakap ako ni Cassie. Ramdam na ramdam ko ang mainit na luhang umaagos sa mga mata ko.
"This is my fault! Hindi ako nag ingat," paninisi ko sa sarili ko.
"Athena... wala kang kasalanan. Hindi mo naman alam eh."
Umiling iling ako sa kanya.
Hindi ko alam ang mararamdaman ako. I think I lose myself right at this moment.
Umahon ang galit sa dibdib ko para sa sarili ko. Tinanggal ko ang mga nakakabit na aparato sa kamay ko.
"Athena, anong ginagawa mo?"
"Uuwi na ko," walang emosyon na sagot ko sa kanya.
Pinigilan ako ni Vincent.
Bumukas ang pintuan at pumasok doon si David. Nagsalubong ang mga mata namin. Punong puno ng emosyon ang sa kanya. Siniguro ko na wala syang makikita na kahit ano sakin.
"Bitawan mo ko. Uuwi na ko," sabi ko kay Vincent.
"Hindi ka pa pwedeng umuwi sabi ng doctor," sabi ni David at lumapit samin.
Hinawakan nya ang kamay ko pero iwinaksi ko iyon.
"Wag mo kong hahawakan." Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata nya pero wala akong pakialam.
I don't care at him anymore. I can't look at him. Nasasaktan ako..
"Umalis ka na dito."
"Athena!" narinig kong saway ni Cassie sakin.
Sumenyas si Vincent dito at nagrereklamo itong sumunod palabas.
Naiwan kaming dalawa ni David. Tumalikod ako sa kanya.
"Athena."
Pinikit ko ang mga mata ko. Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung totoo ba tong mga nangyayari. Kung panaginip lang to sana magising na ako. Binabangungot ata ako.
"Sorry, Athena."
Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Hinarap ko sya gamit ang natitirang lakas at tapang na meron ako.
"We still have 2 weeks on your contract. Ipadala mo na lang sa'kin kung magkano ang babayaran ko kasi wala na kong balak na hintayin pang matapos yun."
Nung nalaman ko na mahal ko sya sinabi ko sa sarili ko na ayokong matapos ang kontrata. Pero sa mga nangyari ngayon? Sana pala hindi ko na lang tinanggap yung alok nya.
"Athena... mag usap tayo ng maayos."
Umiling ako sa kanya.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa. Wala namang tayo. Bumalik ka na kay Crizelle baka hinahanap ka nya."
Lumapit sya sakin. Umatras ako. Nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nya.
"When you hurt me, I can still manage to say I love you. You hurt me more, I don't stop loving you. You hurt me again this time, it really hurts me big time. That is why I'm letting you go. Sorry kung hindi ko na matutupad sayo yung sinabi ko na kahit anong mangyayari ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. This is hurting me too much. Wala na kong maramdaman."
Sinubukan nya na hawakan ako pero itinulak ko sya.
"You know what hurts me so much? Yun yung pinaramdam mo na mahal mo ako pero hindi naman pala."
Pagkasabi ko nun ay naglakad ako palabas ng kwartong tinutuluyan ko.
Mabuti na lang at wala sila Cassie sa labas. Tumakbo ako papasok sa elevator.
Paglabas ko ng ospital ay mabilis akong pumara ng taxi. Agad akong nakarating sa bahay.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Daddy ang lahat. But I'm sure maiintindihan nya ako.
Pagpasok ko sa bahay namin ay sumalubong sakin ang tahimik na sala. Nang tignan ko ang orasan namin ay alas diyes pasado na. Tulog na siguro sila.
Umakyat ako sa kwarto ko. Inayos ko ang mga gamit ko. Nakapagdesisyon na ko.
I will be leaving. It's time to start something new.
