Chapter 13

17.8K 238 0
                                    

Chapter 13

Who is she?

Alas sais ng umaga ay umalis na ako sa bahay. Hindi na ko nagkapagpaalam sa daddy ko dahil natutulog pa sya.

Pagdating ko sa unit namin ay nagpalit lang ako ng damit. Medyo magulo ang kwarto kaya naisipan kong maglinis.

Inaayos ko yung mga gulo gulong folder na nakalagay sa ibabaw ng bedside table ko. Ibabalik ko na yung kulay asul na folder na huli kong hinawakan ng may mahulog dito.

"Sino to?" tanong ko sa sarili matapos kong pulutin iyon.

Tinitigan kong mabuti yung litrato na nahulog sa folder na pagmamay ari ni David.

Nakaramdam ako ng insecure sa babae ng matitigan ko ang itsura nya. She's perfectly beautiful. Napakaperpekto ng singkit nitong mga mata. Matangos ang ilong. Kitang kita ang malalim na dimple nito dahil sa pagkakangiti nito.

She's look like an angel. So innocent. Unlike me, maraming nagsasabi na ang taray ng itsura ko.

Bilugan at maitim ang mga mata ko na nakuha ko sa daddy ko. Maging ang may katangusan kong ilong ay namana ko din sa kanya. Ang korteng puso na labi ko at kakinisan ng balat naman ang nakuha ko sa mommy ko.

Abala ko sa paghahanap ng maaaring ipintas sa babaeng nasa litrato ng marinig nagsalita si David sa likuran ko.

"Don't touch my things. Rule number 5, walang makikialam lalo na kung personal!" Kunot noo nyang kinuha sa kamay ko ang litrato at binalik sa folder kung saan iyon nahulog.

"Niligpit ko lang tapos nahulog yan," paliwanag ko sa kanya. Mukhang hindi nya ko pinakinggan dahil lumabas agad ito sa kwarto.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kumikirot na naman ang puso ko. Tama nga siguro si Lance, selos tong nararamdaman ko.

Kung sino man yung babae na iyon, ang swerte naman nya. Mukhang malapit sya kay David para sabihin nya sakin na isa iyon sa mga personal na hindi ko dapat pakilaman.

Pilit kong inignora yung tungkol sa litrato na iyon. Pagtapos kong magwalis ay mabilis akong nagshower.

Nakita ko na nakaupo si David sa sala. Noon ko lang napansin na nakapambahay lamang sya. Simpleng khaki shorts at plain white v-neck shirt lamang ang outfit nya.

"Ngayon ang balik ko sa university. Pasok na ko," pagbibigay alam ko sa kanya. Hindi nya ko pinansin.

Nakatuon ang buong atensyon nito sa pagtipa sa laptop na kaharap nito. Hindi na ko nagtagal doon at umalis na.

"Wait," pahabol na sabi nya. Nilingon ko sya.

Nakakunot na naman ang noo nya. Hindi ko alam kung gesture nya na ba yun. Bagay naman sa kanya dahil mas lalong naging misteryoso para sakin ang mukha nya.

Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sakin kaya tinaas ko ang kilay ko sa kanya.

"I-I don't like what you are wearing. Magtuturo ka na ganyan ang suot mo."

Tinignan ko ang sarili ko.  I don't see anything wrong to my outfit. I am just wearing a fitted black skirt na ipinares ko sa red sleeveless turtle neck. May dala din akong cardigan pero balak kong isuot yun mamaya pagdating sa university.

"Di ba bagay?" tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at iwas sya ng tingin.

Tinalikuran ko na sya. Nang mapatingin ako sa Valentino wristwatch na suot ko ay nagmamadali akong nagtungo papunta sa pintuan.

Shit! Alas syete pasado na. Alas otso ang unang klase ko ngayon. Kababalik ko pa lang ay late agad ako.

"I'll fetch you later," narinig kong sigaw ni David. Hindi ko na sya sinagot.

Mabibilis ang mga hakbang ko papunta sa faculty pagbaba ko sa sasakyan ko. Habang naglalakad ako ay may nakasabay akong babae na mukhang nagmamadali din.

"Cassie baby flowers for you, kapag hindi mo tinanggap to mamatay ako."  Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang hingal na hingal na lalaki na nakasunod dito.

Sinapak sya nung babaeng kasabay ko. Narinig ko ang sigawan ng mga taong nakasaksi nun.

"Talagang mamamatay ka kapag hindi mo ko tinantanan," aniya at nagmamadaling tumakbo paalis doon.

Nakatayo pa din doon ang lalaki habang hawak ang isang bouquet ng roses. Nakita kong nilapitan ito ng dalawang lalaki at tinapik. Tinalikuran ko na sila at dumiretso sa faculty. Nagulat ako ng pumasok din doon yung babaeng tinawag na Cassie kanina nung lalaki.

Nagreport lang ako sandali sa aming Dean at nagpunta na ko sa klase na tuturuan ko.

"Goodmorning class," bati ko sa mga estudyante ko at tinignan sila isa isa.

Second sem na. Ang iba sa kanila ay mga naturuan ko na noon. Samantalang may mangilan ngilan na bago sa paningin ko.

Napako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa dulo katabi ng bintana. Napakunot noo ako ng mapagsino ko siya.

Iyon yung babae na nakasabay ko sa paglalakad kanina. Ngumiti sya sakin kaya sinuklian ko yun.

Pinaliwanag ko lang sa kanila ang subject course na ituturo ko sa kanila. Dahil unang linggo pa lang ng klase ay hindi muna ako nagbigay ng asssignment sa kanila.

Pinagbigyan ko ang hiling ng estudyante ko na magpakilala sila isa't isa. Pagtapos nun ay pinauwi ko na sila.

Hinintay kong makalabas muna ang lahat ng estudyante ko bago ako lumabas. Nang masiguro ko na nakalabas na silang lahat ay tumayo na ko.

Isinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at naglakad. Malapit na ako sa pintuan ng may narinig akong nagsalita sa likuran ko.

"Ma'am", sabi ni Cassie ng mapagsino ko yung nagsalita.

"Bakit?" nakangiting tanong ko sa kanya. "May problema ba?" dagdag ko pa.

"Grabe!" Tili nya at nagtatalon pa sa harap ko. Napataas ang kilay ko sa ginawa nya. "Ako to, si Cassie. Cassandra Cuevas. Akalain mo yun, sa iisang school lang pala tayo nagtuturo."

Tinignan ko syang mabuti at inalala kung may kilala ba akong Cassandra Cuevas.

"Ay grabe ah, gumanda ka lang nakalimot ka na." Humalikipkip sya sa harap ko. Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses nya.

"Cassie? As in yung ka-blockmate ko nung first year college?" Hindi ako sigurado kung sya nga ba yun. Nakumpirma ko lang iyon ng nagtatalon uli ito sa harap ko.

"Ay buti naman naalala mo pa," masayang sabi nya sakin.

Nginitian ko sya. Hindi ako gaanong magaling sa pagmemorya ng mga pangalan. And I really hated memorizing names. Dahil paiba iba din naman ang nagiging kaklase ko noon hindi ko na tinandaan ang iba. Besides, I have Lance during that time.

"Pasensya ka na, hindi kita agad natandaan."

"Okay lang yun, isang sem lang naman kasi tayong nagkasama noon. At isang beses lang tayong nagkausap nun, nung may group report tayo sa World Literature."

Inanyayahan ko syang magkape sa 360 Coffee na nasa tapat lang ng school. Doon namin pinagpatuloy ang pagcatch up sa isa't isa.

Napag alaman ko din na nung second year college ay lumipat sya sa ibang university.

"Balita ko boyfriend mo na si David ah," kinikilig na sabi nya sakin. "Infairness, ngayon lang uli sya nagkagirlfriend after ng break up nila ni Crizelle. Sikat na sikat silang dalawa nun sa campus dati. Sayang nga lang at umalis si Crizelle. Yun ata yung reason kung bakit din sila naghiwalay."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi naman iyon napansin ni Cassie dahil abala ito sa pagkekwento.

Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na kating kati akong malaman kung sino ba yung Crizelle na iyon? Bakit kilala sya ni Cassie?

"O sige Athena este Ma'am pala mauna na po ako."

"Nice to see you again Cassie."

"Same here Ma'am." Nauna syang umalis sa coffee shop pagtapos naming magpalitan ng number.

Nanatili ako doon. Hindi pa din mawala sa isip ko yung mga nalaman ko.

Damn! Who really is she?

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon