Chapter 12
Nagseselos Ka
Pinilit kong iwaksi sa isip ko ang kung anu-anong mga ideyang pumapasok dito.
Itinuon ko na lamang sa ginagawa ko ang buong atensyon ko.
Paglingon ko sa cellphone ko ay nakita kong pasado alas nuwebe na ng gabi. Nakalimutan ko ng magtanghalian dahil sa sobrang dami ng ginagawa ko.
Hindi ko napansin na lumabas si David sa opisina nya. Habang nililigpit ko ang mga dokumento sa lamesa ay bumukas ang pinto at niluwa nun ang lalaking nagpapagulo sa isip ko kanina.
Tinignan ko sya. Ni hindi nya ko nilingon at diretso itong lumabas ng kwarto. Hindi man lang nya ko nilingon.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil doon. Inignora ko ang pakiramdam na iyon at inayos na ang gamit ko.
Pagbaba ko sa Imperial Kingdom ay iilan na lamang ang taong nandoon. Halos ang mga gwardya na lamang na nag iikot at mga tagalinis.
"Nauna na pong umalis si Sir, Ma'am", sabi ni Kuya Dado. Yung gwardya na nakasundo ko na din sa tuwing nagpupunta ko dito.
"A-ah opo, nagmamadali kasi sya." Pagsisinungaling ko. Ngitian ko sya at lumabas na.
Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko kaya nilakad ko ang Jollibee na nakita ko sa harap ng Imperial Kingdom.
Pagpasok ko doon ay iilan na lamang ang kumakain. Karamihan sa kanila ay may mga kasamang kasintahan. Luminga ako at naghanap ng pang isahan na table.
May nakita kong bakante sa tabi ng bintana malapit sa counter. Bago ako pumunta doon ay umorder muna ako.
Bitbit ko ang tray na naglalaman ng burger steak, spaghetti, fries at coke ng magring ang phone ko.
Umupo muna ako bago ko kinuha iyon. Nakita kong pangalan ni Lance doon. Sasagutin ko na sana ng bigla namang namatay. So, I send him a message. Naghintay ako ng reply pero wala akong natanggap.
Naubos ko na ang pagkain ko ay wala pa din syang reply. Tatawagan ko na sana sy ng biglang namatay ang cellphone ko.
"Shit!" I cursed when my phone shutdown.
I decided to visit my father. Pagkapara ko sa taxi ay agad kong sinabi sa driver ang address namin.
Alas diyes na ng gabi ng makarating ako. Hindi muna ako pumasok sa gate namin. Tinitigan ko ang harapan nun.
Wala pa ding nagbabago sa lugar namin. Tahimik pa din. At nakita ko ang mangilan ngilang bahay na patay na lahat ng ilaw.
Nang maramdaman ko ang malamig na hangin sa dumampi sa balat ko ay doon ko lang napagpasyahan na pumasok.
Naaninag ko si nurse Ana na nasa labas ng terrace namin.
"Hija gabi na ah. Tulog na ang papa mo" sabi nya ng makita nya ako.
"Good evening po," nakangiting bati ko sa kanya. "Okay lang po, dito po ako matutulog."
Nagpaalam na ako sa kanya ng marinig kong kausap na nya ang anak nya.
Trenta'y singko anyos na si nurse Anna. Nalaman ko iyon nung araw na ipakilala sya sakin ni David bilang private nurse ni daddy. Napag alaman ko din sa kanya na mag isa lang nyang binubuhay ang kambal nyang anak na lalaki at babae. Ayon sa kanya, iniwan daw sya nung asawa nya nung dalawang taon na ang kambal. Third party ang dahilan.
Bumilib ako sa kanya. Dahil kahit na mag isa lang nyang tinguyod ang mga anak nya ay halata sa mga ito na napalaki nya ito ng maayos.
Agad akong nagpalit ng damit pagkapasok ko sa kwarto ko. Nahiga agad ako sa kama at mabilis na nakatulog.
Maaga akong nagising. Sa sobrang pagod ko kagabi nakalimutan kong icharge ang cellphone ko. Kaya bago ako bumaba ay iyon ang ginawa ko.
Naabutan kong kumakain na sila daddy pagpunta ko sa kusina.
"Goodmorning dy" hinalikan ko sya at umupo sa harap nya.
Masaya naming pinagsaluhan ang almusal kasama si nurse Anna. Masaya kong makita na medyo sumisigla na uli si daddy mula sa therapy nya.
"O eto daddy, inumin mo na po yung gamot mo."
Nagprisinta ako kay nurse Anna na ako muna ang mag aalaga kay daddy. Gusto ko syang pagsilbihan ngayon.
Simula ng pirmahan ko ang kontrata kay David bilang kabayaran sa perang binigay nya pampaopera kay daddy bihira na lang ako makapunta sa kanya.
"Anak bakit ka nga pala nandito?" tanong nya sakin pagkainom nya ng tubig.
"Parang ayaw mo ata na nandito ako ah." kunwari ay nagtatampo akong umirap sa kanya. Pero narinig kong tinawanan nya lang ako.
"Hindi naman sa ganon hija, pero wala ka bang trabaho?"
"Yun na nga pa eh,malapit nang matapos yung one month leave na hiningi ko sa school. Gusto ko lang naman na sulitin yung natitirang araw ng bakasyon ko sa pag aalaga sayo," sabi ko. Ngumiti sya at niyakap ako.
Maghapon kaming nagkwentuhan ni daddy. Pagkatapos ko syang painumin ng gamot ay hinatid ko na sya sa kwarto nya.
Pagpasok ko sa kwarto ay nag ring ang phone ko. Tinanggal ko sa saksakan iyon at sinagot.
"Hoy bakit ngayon ka lang tumawag?" bungad ko kay Lance.
"Pwede bang kamustahin mo muna ko? Talagang kailangan ganon ang entrada?"
"I know your okay. Anyway, how is your flight?"
"Okay naman. Jet lag. Di mo sinagot tawag ko kahapon?"
"Pinatay mo eh." sabi ko.
Kinwento ko sa kanya lahat nang nangyari sakin simula nung umalis sya. Yung pagpunta namin sa Palawan ni David. At yung kakaibang nararamdaman ko.
"Gaga ka!" Narinig ko ang impit na pagtili nya. "Naku, Athena, inlove ka na sa kanya. Hindi kita masisisi kung magkagusto ka sa kanya. He is David afterall."
"Duh?" I rolled my eyes. I can't believe him. Hindi ko inaasahan na iyon ang magiging speculation nya sa mga sinabi ko sa kanya. "H-hindi ako inlove sa kanya nu."
Narinig kong tumawa sya sa kabilang linya.
"Whatever. But don't deny it. Ikaw na mismo ang nagsabi na kumirot yung dibdib mo nung nakita mong nginingitian nya yung secretary nya. Selos. Yun ang tawag dun. Nagseselos ka. Bakit ka nagseselos?" Hindi ako nakasagot sa tanong nya. "See? Hindi ka makasagot. Hindi ka magseselos kung wala kang nararamdaman. At makakasagot ka agad kung hindi ka naguguluhan."
Nahulog ako sa malalim na pag iisip sa sinabi nya. Pilit kong iniignora sa isip ko na tama si Lance. Pero kahit anong gawin ko yun pa din ang naiisip ko.
Iniba ko ang usapan namin at nagtagumapay naman ako.
"Osya tawagan na lang uli kita. Mag isip ka, Athena," sabi nya.
"Mag iingat ka dyan ha. I love you."
Binaba ko na ang cellphone ko. At nakita kong umilaw iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang pangalan ni David doon. I open his message.
From: David
Where are you?
I replied him. Sinabi ko na dito ako natulog sa bahay namin.
Pagkatapos kong isend sa kanya iyon ay nilagay ko na sa bedside table ang cellphone ko.
Tulala akong napatingin sa kisami ng kwarto ko. Pinag iisipan kong mabuti yung sinasabi sakin ni Lance.
"Hindi ka magseselos kung wala kang nararamdaman. At makakasagot ka agad kung hindi ka naguguluhan."
Hindi ko talaga alam kung ano itong nararamdaman ko. Kung tama nga si Lance na nagseselos ako dapat ko ng itigil ito. Dahil mali, maling mali at bawal.
Dapat kong bigyan ng limitasyon ang sarili ko. Hindi ko dapat maramdaman ang ganito. Hindi ako pwede magselos dahil hindi naman kami. Walang kami. Wala akong karapatan na maramdaman ito dahil alam ko naman sa umpisa pa lang na ang relasyon namin ay hindi totoo.
