Chapter 56

15.1K 217 11
                                        

Chapter 56

Let Go

Nandito na ang halos lahat ng ninang at ninong para sa binyag ni Hyacinth. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang binyag.

"Ano? Natawagan mo na ba si David?" tanong ni Lance kay Agatha na nakatayo sa tabi ko.

Umiling si Agatha. Apologetic na tumingin sya sakin.

"Okay lang, mabibinyagan naman si Hyacinth kahit wala sya. At makakalakad ako kahit wala sya."

Sya kasi ang kapares ko na magiging ninong para kay baby Hyacinth. Until now, hindi pa din ako makapaniwala na magpinsan sila ni Agatha. Well, wala naman kasi kong alam sa kanya. I don't even know that name of his father. Ni hindi ko alam kung may kapatid ba sya? I don't know anything about him.

Isang linggo na din ang mabilis na lumipas pagkatapos ng sagutan naming dalawa. After nun, hindi ko na sya nakita pa. Hindi din sya umattend sa assembly para sa binyag ni baby Hyacinth.

"Okay ka lang?" boses ni Lance.

I smiled at him. Alam kong alam nya na hindi ako okay. Pero ayoko ng dumagdag sa stress nya. Kitang kita ko na pagod na sya. Hands on sya sa pag aasikaso sa binyag ng anak nya. Pagpili sa simbahan, mga pagkain, at kahit sa dress na susuotin ni Hyacinth ay sya ang nag ayos.

"Maiwan muna kita dyan ah. Kausapin ko lang ang photographer."

Tumango ako sa kanya. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalapit sya sa photographer.

Abalang abala ang lahat sa loob ng simbahan. Any moment ay dadating na ang pari. Nakapwesto na ang mga photographer maging ang videographer. Nandoon din ang ilang make up artist na nag ayos sa'ming mga ninang. Talagang pinaghandaang mabuti ito ni Lance.

Napangiti ako ng panay ang ang hagikgik ni Hyacinth habang pinipicture-an sya ng photographer. Buhat buhat sya ni Agatha.

Hindi nagtagal ang tingin ko sa kanila. Dahil bigla akobg nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.. Naalala ko na naman yung dapat na magiging baby ko.

Ipinilig ko ang ulo ko ng maramdaman kong malapit ng magbadya ang luha ko. This past few days, nagiging magulo na naman ang sistema ko. Yung dating sakit na naramdaman ko, akala ko okay na. Akala ko wala na. Nagkubli lang pala. Ngayon, nararamdaman ko na naman sila.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagmasid sa mga bisita. May mga kakilala ako na nandoon pero ayokong lumapit sa kanila. Wala ako sa mood na makipag usap sa kahit na sino.

Mabuti na lang at dumating na ang pari. Agad nyang sinimulan ang seremonyas.

Sinisindihan ko ang kandila ko ng mahagip ng tingin ko si David sa kabilang upuan kung saan nakaupo ang mga ninong. He was wearing a white polo na nakatupi hanggang siko. Nakita ko na nakatingin din sya sa'kin. Mabilis akong nag iwas ng tingin.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko hanggang sa matapos ang binyag. Papunta na ako sa pinaparadahan ng kotse ko ng mahagip ko ng tingin si David.

Para kong tutumba sa pwesto ko ng makita kong sinalubong sya ni Crizelle. Nakangiti sila parehas sa isa't isa.

I can't explain the pain I'm feeling right now. I felt betrayed again. Damn it! What the hell is this again?

Ayokong makita nila ako kaya mabilis akong pumasok sa kotse ko. Umalis agad ako ng simabahan. Matulin na pinaandar ko ang sasakyan paalis doon.

Madaming tumatakbo sa isip ko. Ang lahat ng posibleng ideya na pumapasok sa utak ko ay nagdudulot ng kirot sa puso. It's like what happened yesterday, repeats again.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon