Chapter 66
She own my Heart
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakita kong mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela at matulin din ang pagpapatakbo nya.
"David dahan dahan naman baka mabangga tayo nyan," sabi ko sa kanya.
Humawak ako sa seatbelt na nakakabit sa'kin. Naramdaman kong medyo bumagal na ang takbo nya.
Nagulat ako ng huminto kami sa harap ng bahay namin. Tinignan ko sya pero hindi nya ako nilingon.
"M-may pupuntahan lang ako," sabi nya ng hindi tumitingin sakin.
"Ganon ba. Sige, ingat ka." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi nya. Dun lang sya lumingon sa gawi ko. Nginitian ko sya ng tipid at lumabas na sa kotse nya.
Hindi ko na hinintay na makaalis ang kotse nya. Pumasok na ko sa gate ng bahay namin.
Tumulala lang ako maghapon sa kwarto ko. Hindi na natuloy yung lunch namin ni David. Kinatok ako ni daddy kanina para ayaing kumain pero hindi ko sya pinagbuksan. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina lalong lalo na yung sinabi ni David.
Pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip tungkol sa bagay na yun. Nabuntis si Crizelle at pinalaglag nya. Si David ba ang ama?
Damn it! Kailan ba ko mawawalan ng iisipin? Isang araw lang ata akong pinagbigyan para maging masaya. Balik uli ako sa dating gawi.
Nakita kong madaming missed calls sakin si David. I was about to type a message for him when Vincent calling me.
"At last sinagot mo din. Nandito kami sa Bitch Bar. Ang dami ng naiinom ni David," sabi nya.
Hindi na ko sumagot at pinatay ko na ang tawag nya. Nagmamadali akong tumayo sa kama ko. Pagkatapos kong magpalit ng black dress na binili sakin dati ni David ay sinuot ko na iyong black doll shoes ko.
Pagdating ko sa Bitch Bar ay madami ng tao. Mabuti na lang at sinalubong ako ni Vincent dahil mukhang mahihirapan akong makita sila.
"There you are, kanina pa kita tinatawagan. Ayaw magpaawat ni David," sabi nya at tumawa.
"Nasaan ba sya?" tanong ko.
"Nasa loob."
Sinundan ko sya papasok sa loob. Napansin kong medyo malungkot ang mga mata nya. Pero pinipilit nya pa ding ngumiti.
"Kanina ko pa sya inaayang umuwi pero ayaw magpaawat. Kailangan ko ding umalis agad kasi hahabulin ko si Cassie."
Nagulat ako sa sinabi nya. I knew it! Alam kong may problema din sila.
"Hindi ko alam kung anong nangyari wala naman syang sinasabi. Pero sana maayos nyo yan. Ang tagal nyang hinintay na magkaayos kayo. He really loves you!.. I know him."
Tumango ako. Alam ko naman iyon. Sa pagkakaalam ko wala naman kaming problema.
"Sige na. Sana magkaayos na din kayo ni Cassie," sabi ko sa kanya.
"Ofcourse. I'll do everything para lang magkaayos kami. Kahit na takasan nya pa ko hahabul habulin ko sya kahit saan man sya magpunta."
Napangiti ako sa kanya. I bet, he's inlove with Cassie. I can see it on his eyes. I hope na sana magkaayos na din sila.
"You know what? Simula nung umalis ka ang daming nagbago sa kanya. Hindi na nga namin makausap ng maayos yan dati mas lalo ng mahirap kausapin nung wala ka. Laging galit. Laging nakasigaw. Laging naglalasing. Je always ended up crying out your name." Nagkibit balikat sya. "It's a do or die for him. Hindi nya alam kung bibigyan mo pa ba sya ng pagkakataon dahil sa mga nangyari. Palagi nyang sinisisi yung sarili nya sa mga nangyari... specially about the baby.. Gusto nyang bumawi. Hindi dahil para pagtakpan yung mga kasalanan nya kundi dahil mahal ka nya."
"Don't worry Vincent, hindi ko naman siya sinisisi sa mga nangyari. I love him. I really do!"
"Mabuti naman. Anyway, got to go. I need to chase Cassie. Ikaw na bahala sa kanya. Take care, Athena."
Tumango ako sa kanya. I waved my hand to him.
Lalapitan ko sana si David ng makita kong lumabas si Crizelle sa gilid. Hindi ko alam kung san sya nanggaling. Umupo sya sa tabi ni David at niyugyog ang katawan nito.
Mabilis na umahon ang galit sa puso ko. Susugurin ko na sana sya ng marinig kong nagsalita sya. Lumapit ako sa katabi nilang lamesa at naupo don. Nakinig ako sa mga sinasabi nya.
"David, what happened?" bungad na tanong nya at humawak pa sa braso nito.
"Athena?"
I felt relieved after hearing him calling out my name. Damn! I really you.. Napangisi ako ng makita kong sumimangot si Crizelle.
"Damn it, David! Athena! Athena.... puro na lang Athena."
"Damn it! What the hell are you doing here?" sigaw ni David sa kanya.
"Please, David! Bawiin mo yung sinabi mo sakin kanina. Please, David.."
"Wala akong babawiin sa mga sinabi ko Crizelle. You and I are over.. Wala na.. wala ng tayo. Matagal ng tapos iyon. Hindi pa ba malinaw sayo na hindi na ikaw ang mahal ko? Si Athena na. She owns my heart and no one can replace her here..." Tinuro nya ang tapat ng dibdib nya. "Even you.. You can't replace her."
"David please!" punong puno ng frustration na sabi ni Crizelle. "Hindi ako naniniwala na hindi mo na ko mahal. I don't believe you. Hindi ba sabi mo dati ako lang ang mahal mo? You used to loved me before, David. You loved me with all your heart. Lahat pa nga ng sinasabi ko nun ginagawa mo di ba? Kaya David, please... mahalin mo uli ako. Ako na lang uli. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta please... ako na lang uli. Mahal na mahal kita, David."
"Kahit ano pang gawin mo Crizelle hinding hindi mo na mababago ang nararamdaman ko. Like what you've said earlier I used to loved you. Meaning to say it's all in the past. I don't love you anymore. At sa tingin ko hinding hindi ko na uulitin na mahalin ka pa."
Nakita kong tumulo na ang mga luha sa mata ni Crizelle. Nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ni David.
"Ano bang meron si Athena na wala ako David? I'm prettier than her. I'm sexier than her... ano bang kulang sa'kin? Minahal mo naman ako dati di ba? Bakit hindi mo ko magawang mahalin uli ngayon?"
Napatingin na ang mga tao sa kanila ng makitang nakaluhod si Crizelle sa kanya. Madami ang kumukuha ng video sa nangyayari sa kanila.
"You really want to know kung anong meron sya na wala ka?..." sigaw ni David sa kanya. "She have a good heart. A genuine heart. Mabuti syang tao. Minahal nya ko ng wala syang hinihinging kapalit. Minahal nya ko ng walang kondisyon. At kahit na nasaktan ko sya, minahal pa din nya ako... Yun.. Yun ang meron sya na wala ka. Hindi sya manloloko na katulad mo at lalong lalo na hindi sya manggagamit gaya mo."
Napapikit ako sa sakit ng mga sinabi nya. Kahit na hindi para sa'kin iyon ay nasasaktan ako para kay Crizelle. I don't know their history.. pero mukhang nagsisisi si Crizelle sa mga nagawa nya. But it's too late!
"David kung ginagawa mo to para lang gantihan ako. Fine! Tatanggapin ko pero please lang.. sana mahalin mo uli ako.. Hindi ko sinasadya yung mga nangyari. Hindi ko ginusto na itulak si Athena.. Please David!"
"No, Crizelle! Hindi na kita kayang mahalin. Hindi ko kayang magmahal ng babaeng katulad mo. Kahit kailan hindi ko naisip ba magagawa mong ipalaglag ang sarili mong anak para lang makasama ako.. Hindi ko kayang dalhin iyon lalo na kung alam ko na ako yung dahilan kung bakit mo ginawa yun."
Tumayo na si David sa kinauupuan nya. Nakita kong pagewang gewang syang naglalakad kaya tumayo na ako sa pinagtaguan ko. Nagulat pa sya ng makita ako pero hindi na sya nagsalita. Naglakad na kami palabas ng bar. Naiwan si Crizelle sa loob na umiiyak..