Chapter 26

16K 216 1
                                    

Chapter 26

Namiss

"Mauna na ko Cass," paalam ko sa kancdya.

Dalawang klase lang ang tinuruan ko ngayon kaya maaga akong makakauwi.

"Sige, next time gumala naman tayo nila Aubrey," aniya.

"Sige."

Nakipag beso ako sa kanya ay lumabas na sa faculty.

Apat na araw ng nasa si David. Sinubukan ko uli syang tawagan kanina pero out of coverage pa din.

Napagpasyahan kong pumunta sa unit niya. Namimiss ko na sya, sabi nya three days lang sya dun pero bakit hanggang ngayon wala pa sya?

Pumasok ako sa silid kung namin. Hinaplos ko ang bedsheet ng kama. Napangiti ako ng maalala yung araw na naisuko ko yung sarili ko sa kanya. Wala akong maramdaman na pagsisisi sa bagay na iyon. Masaya ko na sa kanya ko naibigay iyon.

Habang iniikot ko ng paningin yun ay napapangiti na lang ako. Dati dati labag na labag sa loob ko ang magpunta sa lugar na ito pero ngayon parang ayoko ng umalis dito. Sadyang walang permanente sa mundo. Kung dati ay puro inis at galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon ay puro pagmamahal na.

"Namimiss na kita David" sambit ko at niyakap ang isang unan.

Itinapat ko iyon sa ilong ko. Nandoon pa din ang amoy nya. Mas lalo ko tuloy syang namiss. Hindi ako nagtagal sa loob nun dahil naiiyak na ako sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

Wala naman akong magawa doon kaya naisipan ko na maglinis ng unit. Napapangiti na lang ako sa sarili na napapailing ng maalala ko yung araw na halos isumpa ko si David dahil pinaglinis nya ko ng buong unit. Pero ngayon heto ako naglilinis ng maluwag sa loob ang ginagawa ko.

Inumpisahan kong linisin ang kwarto namin at sinunod ko ang guest room. Nilabas ko ang mga  marurumi nyang damit na nakita ko doon at dinala sa laundry room. Pagkatapos kong ayusin ang mga yun at isalang sa washing machine ay iniwan ko muna yun at nilinis ang sala at kusina. Nang malinis ko na ang lahat ng bahagi ng unit nya ay binalikan ko ang nilalabhan ko.

Nagugutom na ako pero pinilit kong tapusin ang lahat ng labahin ko para deretso pahinga na ako pagkakaen ko.

Lagpas ala una na ng hapon ng matapos ko ang mga yun.

Tinignan ko ang ref ni David para maghanap ng maluluto mabuti naman at meron pang natirang stock doon.

Nagluto ako ng sinigang. Habang kumakain ako ay nakaramdam ako ng lungkot lalo na ng mapatingin ako sa pwestong inuupuan ni David.

"Argh! Nababaliw na ata ako. Sobrang miss na miss ko na sya. Normal pa ba ito?"

Grabe! Para kong teenager nito eh. Ganito ba talaga ang feeling ng inlove?

"Don't worry you don't need to miss me cause I'm already here."

Nanlaki ang mata ko ng may narinig akong nagsalita sa likuran ko kaya nilingon ko iyon. Hindi ko alam kung talagang si David ba talaga yung narinig ko o guni guni  ko lang yun.

"Hala! Nababaliw na ba ko?... David kasi umuwe ka na namimiss na kita eh...."

Naiiyak na ako. Hindi ko na magawa pang ubusin ang pagkain ko. Ganito ba talaga kapag hindi mo nakikita yung mahal mo? Para na kong mababaliw sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"I'm here my princess."

Shit! Ayan na naman yung boses na yun muli kong nilingon ang pinanggalingan nun  pero wala talagang bakas ni David.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon