Chapter 10
Folder
"Pack your things, we're going back to Manila." sabi ni David sakin pagbalik namin sa bahay.
Tatanungin ko sana sya kung mayroon bang problema pero pumasok agad ito sa kwarto kaya ganon na lang din ang ginawa ko.
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na. Naabutan ko si David sa sala at nandoon na ang bag nya.
"Kumain na muna tayo," sabi nya sakin at nauna ng maglakad papunta sa kusina.
Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Habang kumakain kami ay tahimik pa din sya pero nakakunot ang noo nya.
"May problema ba?" hindi ko na napigilan na itanong sa kanya.
"Medyo..." matipid na sagot nya at humigop sa kape nya.
Hindi na lang ako nagsalita. Nagmadali ako sa pag ubos sa pagkain ko dahil tapos na sya.
"Iwanan mo na lang dyan yan. May maglilinis na nyan," aniya nang makita nyang nililigpit ko ang pinagkainan namin.
"P-pero..."
"I said leave it here."
Natigilan ako sa pagsigaw nya sakin. Nakita kong maging sya ay nagulat sa ginawa nya. Tumalikod ito sakin at nagpunta na sa sala.
Damn! What the hell is his problem? I know it's not easy to be King David Imperial. Sa sobrang laki ng Kingdom Imperial at sa dami ng business nya alam kong hindi biro na patakbuhin iyon ng sabay sabay. Restaurants. Malls. Condominuim. Yun lamang ang alam ko na parte ng business nya.
Hindi ko din lubos maisip kung paano nya yun nagagawa. Kung paano nyang napapagsabay sabay ang paghahandle sa ganon kalawak na negosyo lalo na kung may mga problema. But then, I realized he is David Imperial. Kilala ang ama nya na si Davis Imperial bilang isa sa mga magaling din na negosyo. Ika nga nila it runs in the blood.
Naupo ako sa kaharap na sofa na inupuan ni David. Hawak nya ang cellphone nya. Bahagya pang nakakunot ang noo nya habang nagtitipa doon.
"Let's go," sabi nya sakin at hindi man lang ako nilingon.
Kukunin ko na sana ang travelling bag na nilapag ko sa tabi ng bag nya ng bitbitin nya iyon.
"Ako na," sabi ko.
"No."
Pinilit kong kunin sa kamay nya iyon pero hindi nya binigay sakin. Nakita kong isinabit nya ang strap ng bag ko sa balikat nya at kinuha ang kamay ko.
"Wag kang malikot," sabi nya.
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko ng pagsalikupin nya ang kamay naming dalawa kaya binawi ko iyon. Imbes na bitawan iyon ay hinigpitan pa nya lalo ang pagkakahawak doon.
"Dont try to let go because I don't let you go," aniya habang diretso ang mga mata sa dinadaanan namin.
Natulala ako sa sinabi nya. Naghuramentado na naman ang puso dahil sa mga salitang binitawan nya. I dont know if I was just overthinking or assuming pero pakiramdam ko ay may meaning ang mga yun.
Namataan ko na nandoon na sa ang private plane na sinakyan namin papunta dito. Inalalayan ako ni David na makapasok doon. Kahit ng makaupo na sya ay hindi pa din nya binibitawan ang mga yun.
Nakita kong pansamantalang natigilan ang piloto at ang kasama nitong lalaki sa kamay naming dalawa. Kaya nahihiya kong binawi ang kamay ko.
"Why?" tanong nya sakin.
Hindi ako nakasagot. Bakit ko nga ba binabawi ang kamay ko? Nahihiya ako sa iisipin nila. But why would I? Everyone knows that I am his girl. Besides, kasama sa kontrata to. He has the right to hold my hand everytime he wanted to.
![](https://img.wattpad.com/cover/39783948-288-k653044.jpg)