Chapter 23

17.6K 223 3
                                        

Chapter 23

Take it Slow

"Sige, may isa pa kong klase eh," sabi ko kay David.

Naglalakad kami ni Cassie patungo sa 360 Coffee sa tapat ng school. Doon namin napagpasyahang kumain.

"Okay. Just be there on time, Athena!" aniya sa kabilang linya.

Narinig kong pinutol na nya ang tawag. Pagkalagay ko sa bag ng cellphone ay hinarap ko si Cassie at sinagot ang tanong nya.

"Pinapupunta ko sa office nya."

Hinampas nya ang braso ko pagkasabi ko nun.

"Aray ko, masakit ah," reklamo ko.

"Kinikilig lang ako sa inyo," parang nangingisay na sabi nya.

Hindi pa din ako nasasanay sa ugali nyang iyon. Yung bigla bigla syang manghahampas kapag kinikilig o natutuwa sya.

"Oh, ano nga palang ikekwento mo?" Nasabi nya sakin kanina na may sasabihin daw sya.

Nang mabanggit ko iyon ay para na naman syang nangisay sa kinauupuan nya. Ngiting ngiti sya na tumingin sa mga mata ko.

Dalawangpu't dalawang taon na ko. Matanda ng isang taon si Cassie sa akin. Sa napapadalas na pagsasama namin napansin ko na para syang teenager sa mga asta nya kapag magkasama kaming dalawa. Pero kapag nasa harap na sya ng mga estudyante nya hindi mo aakalain na may ganito pala syang side.

Madami akong naririnig sa ilang mga estudyante ko na istrikta at masungit daw si Cassie. Kapag napag uusapan naman namin ang tungkol doon ay tinatawanan nya lang.

"Eto na nga friend, pinuntahan kasi ko si Aubrey nung nakaraang nakaraang araw sa office ni David. Akala ko nandoon ka nun kasi nga di ba day off mo yun. Alam mo na baka binibisita mo si boyfie." Huminto sya sa pagsasalita at sumimsim sa coffee na inorder nya. "Tapos habang hinihintay ko si Aubrey na matapos sa ginagawa nya may dumating na pogi...." Nagtitili sya sa loob pagkatapos nyang sabihin iyon.

Napatingin tuloy ang mga taong nandoon. Mabuti na lamang at walang mga estudyante na nandoon ng mga oras na iyon.

"Alam mo ba friend, feeling ko sya na yung destiny ko. Grabe ang pogi pogi nya. Ang lalim ng dimple nya. Mala Alden Richards lang. Kaya lang singkit. Pero go pa din ako ang pogi nya talaga."

Natawa na ko sa kwento nya. "Destiny agad? Unang kita mo pa lang sya na agad?" sabi ko.

"Oo friend. Feeling we're destined for each other." Kinikilig na sabi nya. Napapangiti na lang ako sa kanya.

"Alam mo ba pangalan nya?"

"Ahm, yeah. I think he is David's friend. Nameet mo na ba si Vince?"

Kumunot ang noo ko. Inalala ko kung meron na ba kong nameet na kaibigan ni David aside from Russell. Hanggang sa..

"Singkit ba kamo na may dimple?" Tumango sya. Biglang rumehistro sa utak ko yung alaala na hinatid nila ni David na lasing.

"Kilala mo?" tanong nya. Tumango ako.

Nagulat ako ng tumama na naman ang braso nya sa balikat ko. Nagtititili na naman sya at kinikilig na nagkwento.

"Ang pogi nya di ba?" Bakas na bakas sa mukha nya ang saya. "Alam mo gusto kong magthank you dyan sa boyfriend mo. May maganda din palang nadudulot iyong pagiging masungit nya."

"Ha? Bakit?"

Tumawa muna sya bago nagsalita. "Akala kasi namin makakaalis kami ni Aubrey nun kasi nga umalis sya. Pero nagulat kami bumalik! Kaya ayun hindi kami nakaalis."

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon