Chapter 39

15.4K 188 3
                                    

Chapter 39

Jealous

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ikwento kay Lance lahat ng nangyari samin ni David. I am so happy and I think it shows on my face.

"Blooming ka ah, nadiligan ka ba?"

Napangiwi ako sa ginamit nyang salita.

"Baliw. Ang bastos ng bibig mo. Masaya lang ako," nakangiti kong sabi sa kanya.

Ilang linggo lang kaming hindi nagkausap sa Skype pero sa tingin ko ang daming nagbago sa kanya.

I suddenly missed him. I want to hug him just like the old times.

"Bakit ka naman masaya?"

Nginitian ko muna sya bago ko kinwento sa kanya lahat lahat ng nangyari sakin.

"I'm so happy for you, Athena! Finally, nangyari na din. Ay naku, tanga na lang si David kung hindi ka nya mamahalin."

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko.

"Salamat. Sobrang masaya din ako kaya lang hindi pa din nawawala yung pangamba ko sa ex nya."

Totoo iyon. Kahit na sinabi na sakin ni David na mahal nya ako, hindi ko pa din maiwasan ang hindi kabahan.

Crizelle is a bitch! Alam kong gagawa pa sya ibang paraan para makuha si David. But sorry for her, I didn't let her to do that.

"If she is bitch, you are bitchier than her! Basta wag kang magpapaapekto sa kanya. Tama naman si David, just trust him. Gagawa at gagawa yun ng paraan para mapaghiwalay kayo. Kaya ikaw, kailangan mong magtiwala wag kang puro hinala. Okay?"

Tumango ako sa kanya at nginitian ko sya.

"Athena, para kang baliw ngiti ka nang ngiti."

Tinawanan ko lang sya. "Masaya lang talaga ko."

"Osya sige na. I have to go. Take care, okay? Just call me kapag nagkaproblema ka dyan ah."

"Okay. Bye, Lance. I miss you!"

Nagflying kiss ako sa kanya. Pagkatapos kong ioff ang laptop ay nakita ko si David na kunot noong nakatayo sa paanan ng kama.

"Tapos ka na?"

Nagpaalam sya kanina na tatapusin nya lang pirmahan yung mga papeles na iniwanan nya bago kami pumunta sa Palawan.

Hindi nya ako sinagot. Diretso lang ang mga tingin nya sakin habang nakakunot noo pa din ang noo.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Lumapit sya sakin at tumabi sa gilid ko.

"Bakit nagpaflying kiss ka dun sa kausap mo?"

Nilingon ko sya at nakita kong seryoso sya sa tanong nya.

"Si Lance yun. Palagi kong ginagawa sa kanya yun pagkatapos naming mag usap."

"Simula ngayon hindi mo na pwedeng gawin yun."

Nagulat ako sa sinabi nya. "K-kaibigan ko yun eh."

"Kahit na. Lalaki yun. Ayokong may ikikiss kang iba bukod sakin. Gusto ko ako lang!"

Natulala ako sa kanya. Nang mapagtanto ko na lahat ng sinabi nya ay natawa ako.

"Ayiie. Nagseselos ka?"

Sinundot ko ang tagiliran nya pero wala syang reaksyon.

"Seloso ka pala," natatawa kong sabi sa kanya.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon