Chapter 2
My Punishment
Pagkasakay ko sa kotse ko, I took out my phone on my bag to call Lance. Nakakailang ring na ay hindi pa din nya sinasagot kaya ikinabit ko ang earphone ko at nilagay sa tainga ko. I was about to end the call when I heard the noise on his background.
"Princess," bungad na sabi nya sakin habang pahina nang pahina yung naririnig kong ingay. Nasa bar na siguro sila at lumabas pa ito kaya natagalan sa pagsagot.
"Where are you?" tanong ko.
"Sa Bitch Life."
Hindi ko na tinapos yung iba pa nyang sasabihin ng makumpirma kong nandoon na nga sila. I drive my car as fast as I can para lang makapunta agad ako doon. Hindi ko alam kung bakit bigla kong gusto uminom ngayon. All I know is that, I want to get drunk for this night.
Pagpasok ko sa Bitch Life ay sumalubong sakin ang ingay ng mga taong naroon. Hindi pa gaanong madilim pero madami na ang tao. Sa dami ng nila ay nahirapan agad kong makita si Lance together with our friends.
"Akala ko di ka na pupunta eh," sabi ni Lance pagkaupo ko sa tabi nya.
"Pwede bang hindi ako magpunta? This is our last day na maghahang out tapos pagpapaliban ko pa?"
Well, maybe that's the reason why I wanted to get drunk today. Because my bestfriend will leaving me tomorrow. He's going to U.S para doon ipagpatuloy ang propesyon nya bilang isang doctor.
"Akala ko kasi hindi ka papayagan ng boyfriend mo."
Hindi na lang ako sumagot sa sinabi ni Lance. Naalala ko na naman yung sakit na bigla kong naramdaman kanina. At para iwaksi yun sa isip ko ay mabilis kog nilagok ang alak na nasa harap ko.
"Chill, Princess! Hindi ka pwedeng malasing, ayokong masuntok uli ni David nu."
Hindi ko na pinansin ang pagsaway nya sakin. But somehow, nakaramdam ako ng pag aalala dahil sa sinabi nya. Ayoko na din namang maulit iyon. The last time na uminom kami ni Lance ay nalasing ako. Hindi ko sinasadya na nasagot ang tawag ni Davi sa akin noon kaya nalaman nya na nasa bar ako. Nagulat na lang ako nun ng bigla syang dumating at sinuntok si Lance na kasalukuyan akong inaalalayan noon.
"Sorry nga pala doon," sabi ko sa kanya.
Nginitian nya lang ako. He knows my situation. He knows what's the real score between me and David.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Gusto ko talagang malasing kaya tuloy tuloy na paglagok na ginawa ko sa mga alak na nasa harap ko. Pagkaraa'y tumayo ako at naglakad papunta sa dance floor. Pumailanlang ang kanta na Party Rock kaya naghiyawan ang mga taong nandoon. Hindi ako marunong sumayaw pero nakisabay na din ako sa mga taong nandoon.
"Who! Let's party people," sigaw ko at ginaya ang pagtalon nila kasabay ng pagkembot ng bewang. Nakita kong sumunod na din sakin si Tanya, Alia, Anton and Lance.
Ang buong akala ko sumunod doon si Lance para makisayaw sa amin. Pero nagulat ako ng bigla nya kong hilahin sa gitna ng maraming tao.
"What the hell is your problem Athena?" bungad na tanong nya sakin ng makarating kami sa parking lot.
Ano nga bang problema ko? Should I tell him the pain I felt on my chest when I talked to David awhile ago? No. Ofcourse, I wouldn't tell him that. So, instead of answering him, I walk towards him and hug him tight. I dont know if it is the effect of alcohol. But damn! I am freaking hurt and sad.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung sakit. Pero yung dahilan ng lungkot ko ay sigurado ako na para kay Lance. Because he is going to leave me.