Chapter 9

20.8K 290 2
                                    

Chapter 9

Just Lust

Madaling araw na pero gising na gising pa din ang diwa ko. Ramdam ko ang antok at pagod ng katawan ko dahil sa byahe kanina pero hindi pa din ako makatulog.

Hindi mawala sa isip ko yung binanggit na pangalan ni David kanina.

Who is she? Who is Crizelle? Sya ba yung importanteng sa buhay nya? Paulit ulit kong tinanong sa sarili ko yun pero wala akong mahanap na sagot. There, narealized ko na sa loob ng isang buwan na magkasama wala pala kong alam tungkol sa kanya.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa kaisipang iyon. Nang mapalingon ako sa orasan na nasa gilid ng kama ay halos hindi ako makapaniwala na magaalas singko na ng umaga.

Sa sobrang pag iisip ko kung sino ba si Crizelle at kung anong papel nya sa buhay ni David ay hindi ko na namalayan ang oras.

Tuluyan na akong hindi dinalaw ng antok kaya bumangon na ako. Kumuha ako ng sarong sa baon kong damit at bumaba.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya naman sinundan ko na lang yung sementadong footsteps na nakita ko sa garden nila David. Hindi ko alam kung saan ito patungo pero nagpatuloy pa din ako.

Habang naglalakad ako ay hindi ko na napansin ang nadadaanan ko. Okupado pa din ang isip ko ng Crizelle na iyon. Hanggang sa marinig ko ang laguslos ng mga tubig.

Tinignan ko kung saan nanggaling yun. Ganon na lang ang pagkamangha ko ng makita ko yung talon na gusto kong puntahan kahapon.

Pansamantalang nawala ang iniisip ko kanina dahil naging busy ako sa paghanga sa paligid ko. Pakiramdam ko ay nasa isa akong paraiso. Napapaligiran ako ng iba't ibang klase ng halaman, iba't ibang uri ng bulaklak.

Naglakad ako papunta sa malaking bato na malapit sa talon. Pag upo ko doon ay natanaw ko ang isang kumpol ng mga paru paro na umiikot sa kulay rosas na bulaklak. Hindi ko alam kung anong tawag sa bulaklak na iyon pero napakaganda noon.

Lumusong ako palapit doon para titigan ito. Agad akong napangiwi ng maramdaman ko ang lamig ng tubig na dumampi sa balat ko. Pero tiniis ko iyon dahil gusto kong makita ng malapitan ang mga bulaklak.

Nagliparan ang mga paru paro ng marinig nila ang lagaslas na tubig na dinulot ng paglapit ko. Pumitas ako ng isang tangkay at inamoy ko iyon. Sa sobrang bango noon ay patuloy ko pa iyong sininghot. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero sa mga sandali na iyon ay pakiwari ko ay yun na ang paborito ko.

Naglakad ako pabalik sa batong inupuan ko ng mapatingin ako sa balon. Tila nanghahalina ang nililikhang tunog ng pagbagsak ng tubig doon. Kaya napagpasyahan kong maligo na.

Mabilis akong bumalik sa bato na inupuan ko kanina at hinubad ang damit at short na suot ko. Luminga muna ako sa paligid para tignan kung may tao ba. Nang matiyak ko na wala ay nilubog ko na ang katawan ko sa tubig.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbabad sa tubig. Napagpasyahan kong umahon na ng maramdaman ko na ang pangangatal ng mga labi ko.

Pagbalik ko sa bato na iniwanan ko ng damit ko ay hindi agad ako nakapagbihis. Naupo muna ako doon at pinagmasdan muli ang kapaligiran.

"Napakaganda naman dito," aniya ko sa sarili ko nang unti unti ko ng makita ang pagsikat ng araw.

"Ehem!" Narinig kong may tumikhim sa likuran ko kaya nilingon ko yun. Nang mapagsino ko kung sino iyon ay bigla akong napatayo sa kinauupuan ko kaya nabitawan ko ang sarong na hawak ko.

Nakita kong seryosong nakatingin si David sa akin at tila hinihingal pa kaya nagtataka ko syang tinignan.

"Kanina ka pa dito?" tanong nya sakin.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon