Chapter 7
Peace Offering
Wala na si David sa harap ko. Nakita kong lumabas sya ng unit. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa kinatatayuan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I don't know what's the name of this pang on my chest. Galit? Pero bakit ako magagalit? Dahil sya na nga ang pinaglaba ko pinagalitan nya pa ako. Sinigawan nya pa ako. Ah, oo. Galit siguro ito.
Pinilit kong ignorahin tong nararamdaman ko pero hanggang sa pagpasok ko sa kwarto ko at sa paghiga ko hindi na yun mawala sa isipan ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Katulad ng bakit ako nakakaramdam ng ganito? Sino yung importanteng tao na tinutukoy ni David? Babae ba yun? Yun ba yung tinutukoy nya na pag nakuha na nya tapos na kaming dalawa. At sa tanong ko na yun, naramdaman ko na naman yung kakaibang klase ng pagsakit sa puso ko. Parang tinutusok. Hindi ko alam kung ano yun. Hindi ko mapangalanan.
Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip ng tungkol doon hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Dahan dahan na bumagsak ang talukap ang mata ko at hinila na ang diwa ko ng antok.
Hindi ko alam kung anong oras. Bigla na lang naalimpungatan dahil nakaramdam ako ng ginaw. Nilingon ko ang orasan na nasa gilid ng kama ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong alas sais na. Mabilis akong tumayo para tumingin sa labas. Nakita kong kasisikat lamang ng araw.
Pagbalik ko sa kama ay hindi ko akalain na nakatulog ako ng ganon kahaba na oras. Sa pagkakatanda ko mga alas dos ng tanghali ako pumasok sa kwarto ko matapos umalis ni David. And speaking of the devil. Nakita ko syang pumasok sa kwarto ko.
"Pack your things we were leaving. Bring extra clothes."
Itatanong ko sana kung saan kamo pupunta kaya lang ay lumabas na agad sya. Napansin kong nakaligo na sya. Simple lang ang suot nya. He was wearing a grey v-neck tee shirt at khaki shorts.
Kahit na tinatamad pa kong tumayo ay bumangon na ako. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya napagpasyahan kong magsuot na lang din maong short at simpleng tee shirt. Kinuha ko ang black doll shoes ko sa lalagyanan at iyon ang tinerno ko.
Wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta ni David kaya naglagay ako ng lahat ng klase ng damit sa iba't ibang okasyon. Isinabit ko sa balikat ang travelling bag ko at lumabas na.
Naabutan ko si David sa sala nagbabasa ng newspaper. Nakita ko din sa gilid nya ang itim na travelling bag na madalas nyang ginagamit kapag umaalis sya.
Nang makita nya kong nakatayo sa harap nya ay binalik nya sa ilalim ng lamesa yung newspaper na hawak nya. Tumayo sya at dumiretso na sa pintuan. I can't help but to arched my brow. Hindi ko na lang pinansin yung pananahimik nya at hindi pagpansin sa akin. Tahimik na sumunod ako sa kanya papasok sa elevator. Habang pababa kami ay nakakabinging katahimikan ang namayani saming dalawa.
Kahit kating kati na ang dila ko na magtanong sa kanya kung saan kami pupunta ay tiniis ko. Nasa byahe na kami ay hindi pa din sya nagsasalita. Gusto ko syang sigawan. Ang kapal ng mukha nya na hindi ako pansinin samantalang sya nga itong nanigaw sakin. Hinayaan ko na lang sya. Itinuon ko na lang mga mata ko sa bawat building na nadadaanan namin hanggang sa makita ko na papunta pala kami sa Imperial Kingdom.
Hinayaan ko lang sya na ipark ang kotse. Tahimik pa din kaming dalawa hanggang sa makasakay kami ng elevator. I saw him pressed the twenty seventh floor. There, hindi ko na napigilan na tanungin sya.
"Saan tayo pupunta?"
"Tarlac. Sa Isla del Fuego."
Maikling sagot nya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dun kaya nagkibit balikat na lamang ako. Maybe, about his business. May imimeet sigurong kliyente. Pero bakit kasama pa ko? Ano ko alalay?