Chapter 68

14.6K 227 6
                                    

Chapter 68

His Father

Isang linggo akong hindi mapakali. Paikot ikot lang ako sa kwarto ko. Naihatid na namin kahapon sila Lance sa airport. Pagkauwi ko sa condo unit ko ay hindi ko inaasahan ang balitang sumalubong sakin.

"Ikaw ba si Athena Agustin?" tanong ng babae sa tingin ko ay kasing edad ng daddy ko.

"Sino sila?" kunot noong tanong ko. Ayokong kumpirmahin yung tanong nya ng hindi ko nalalaman ang pakay nya. Malay ko ba kung ano ang gagawin nya.

"My name is Donna Fajardo. I am the lawyer of King Davidson Imperial."

Napakunot noo ako sa kanya. Hanggang sa unti unting nagrehistro sa utak ko yung huling pangalan na binanggit nya.

King Davidson Imperial.

Is he the father of David? Ofcourse, he is. Sa pangalan pa lang halata na.

"Ano pong kailangan nila?" magalang na tanong ko.

"He wants to talk to you. See him tomorrow." May inabot sya saking sobreng puti. Pagkakuha ko nun ay umalis na sya sa harap ko.

Damn it! Anong gagawin ko? Nagpaikot ikot ako sa loob ng unit ko. Twelve in the afternoon nya kami gustong magkita. Alad nuwebe pa lang ng umaga. I can't decide what I'm going to wear.

Ang hirap naman nito. I don't have freaking no idea about him. What he looks like. Ang mommy pa lang nya ang nakikita ko.. sa picture nga lang.

Sa sobrang kaba ko sa pagkikita namin hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko si Cassie.

"May problema ba? Inaway ka na naman ba ni Crizelle?" bungad na tanong nya.

"Hindi... Pero may problema nga ako," nakanguso na sabi ko.

"Ano naman yun? Si David ba?"

"No..." umiling ako kahit hindi nya ko nakikita. "H-his father wants to see me. Anong gagawin ko Cassie?"

Narinig kong tumawa sya sa kabilang linya.

"Akala ko pa naman kung ano na. Ano ka ba wag kang kabahan dyan! Tao din naman yun. Just be yourself. Magugustuhan ka din nun, eh kung hindi man di wag. Care nya ba eh hindi naman sya yung pakakasalan mo."

"Cassie naman eh! Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan. For Pete's sake its David's father.. I-I don't even know what he looks like. Pano kung hindi nya ko magustuhan? Di ba si Crizelle ang gusto nya na pakasalan ni David.. anong gagawin ko?"

"Ay naku! Hayaan mo sya. Basta ang masasabi ko lang sa'yo just be yourself. Kung hindi ka man nya magustuhan problema na nya yun." Natahimik sya sandali sa kabilang linya. "Teka alam ba ni David yan?"

Ayun na nga ang isa pang pinoproblema ko. Hindi ko masabi sa kanya ang tungkol dito.

"H-hindi. Hindi ko masabi sa kanya kasi baka magalit sya."

"O-oh! Mukhang malaki nga talaga ang problema mo. Sa pagkakaalam ko hindi na uli sya nakipagkita sa daddy nya after syang pangunahan nito na mag announce na ikakasal sya kay Crizelle. Galit na galit sya sa daddy nya. Nandon kami nung time na tinuldukan nya yung relasyon nila ng daddy nya."

Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anuano pa ba ang mga nangyari nung wala ako.

"Ganon ba. Sige, thanks Cass."

"Goodluck na lang. Pero makipagkita ka pa din sa daddy nya."

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay muli akong natulala. Huminga ako ng malalim at nagpasyang mag ayos na.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon