Chapter 52
Eyes on You
Hindi ako mapakali sa kwarto ko. Alas dos pa lang ng tanghali. Iniisip ko kung anong gagawin ko kay David. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko sa kaiisip sa bagay na yun.
Paulit ulit na katok sa pinto ang gumising sakin. Pupungas pungas na bumangon ako sa kama. Alas singko na na pala!
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo doon si David. Nakapamulsa sya at nakangiting nakatingin sakin.
Napansin kong nag iba ang ayos nya. Ang kaninang boardwalk shorts na suot nya ay napalitan na ng black faded jeans. Tinernuhan nya iyon ng black and white striped polo shirt.
"Bakit?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya.
"Anong oras tayo aalis?"
Muntik ng mawala sa isip ko yung lakad namin nila Cassie. Tinalikuran ko sya at nagmamadali akong pumasok sa loob. Naramdaman ko na sumunod sya sa'kin.
Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Kinuha ko ang tuwalya ko at patakbong pumasok sa banyo.
Mabilisan kong binuhusan ang katawan ko at binanlawan ko lang ang buhok ko.
Huli ng mapagtanto ko na hindi ako nakakuha ng kahit na anong saplot sa katawan ko. Tanging tuwalya lamang ang nadala ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatapis na ang tuwalya sa katawan ko. Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako na ganoon lang ang ayos ko.
Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng katok sa pinto ng banyo.
"Bakit?" pasigaw na tanong ko.
"Hindi ka pa ba tapos dyan? Nagtatanong na si Cassie kung nasaan na tayo."
Napairap ako. I had no choice kundi ang lumabas ng ganito. Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang seradura ng pinto.
Nakatalikod si David sakin. Hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil nakita kong nakatayo sa harap ng cabinet ko kung saan nakalagay ang mga teddy bear.
Naramdaman nya siguro ang presensya ko dahil lumingon sya sa gawi ko. Nakita ko na nagulat sya pagkaharap nya sa'kin. Nailang ako sa tensyon na namuo sa'min.
Pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko sa klase ng tingin na pinupukol nya sakin.
"L-lumabas ka muna magbibihis ako," kinakabahan na sabi ko.
Damn it! Bakit ganito ang epekto nya sakin? Bakit ang init ng pakiramdam ko?
Hindi sya nagsalita. Diretso lang syang nakatingin sakin. Naiilang na ko sa ginagawa nya. Konting konti na lang pakiramdam ko mabibitawan ko na ang pagkakahawak ko sa tuwalya.
"Bakit ko pa kailangang lumabas eh nakita ko naman na lahat yan. Kung gusto mo ako pa ang magbihis sayo."
Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Kitang kita ko ang pagngisi nya. Tinaas baba pa nya ang kilay nya sakin habang may mapaglarong nakangiti sa'kin.
Inirapan ko sya. Yun na lamang ang tanging magagawa ko para hindi ako magpadala sa panunukso nya.
"Whatever! Lumabas ka na."
Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya papunta sa pinto.
"Labas," utos ko sa kanya.
Sa halip na lumabas ay nginitian nya lang ako. Nabibwiset ako sa klase ng tingin nya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay at inirapan.
"Labas sabi eh."
