Chapter 33
Take Back
"Ay nagutom ako dun ah," reklamo ni Vincent paglabas namin sa karaoke hub. Hinimas pa nya ang tyan nya.
"Tara kain tayo," pag aaya ni Cassie.
"Bumalik na tayo sa hotel. Nagpareserved ako dun sa restaurant," sabi ni Vincent.
Nakita kong inalalayan nya si Cassie. Si Russell naman ay pilit na inalalayan si Aubrey kahit na iwinawaksi ng huli ang kamay nya.
Naramdaman kong hinawakan ni David ang kamay ko. Inalalayan nya din ako na makaakyat sa bangka.
Sa buong durasyon ng byahe namin ay hindi kami nagkibuan ni David. Panaka naka nya kong nililingon at sa tuwing nagkakahulihan kami ng tingin ay binibigyan ko sya ng ngiti.
"Selfie muna tayo," sigaw ni Cassie pagkababa namin sa bangka.
Pumwesto kami sa harap ng camera nya. Naramdaman kong tumayo si David sa likod ko at hinawakan ang mga balikat ko.
"Smile ka naman," bulong nya sakin.
Nginusuan ko sya at saktong nagclick na ang camera ni Cassie.
"Tara kaen na," sigaw ni Russell.
Pagpasok namin sa restaurant ay may babaeng tumakbo palapit sa amin. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil dumiretso sya kay David at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
Nakita kong nagulat din sila Aubrey sa ginawa ng babae. Nang mag angat ito ng mukha ay ako naman ang nagulat ng mapagsino ko sya. Agad na umahon ang kaba sa dibdib ko.
"Crizelle?" gulat na sabi ni Vincent.
Nakangiti nyang hinarap sila Vincent. Nag appear sya sa mga ito. It seems that they are really close to each other. Nakaramdam ako ng inggit sa kanya.
Nang mapansin nya ako na nakatayo sa likuran ni David ay nginitian nya ako.. Hindi ko magawa na ngitian sya pabalik.
"Uhm, h-hi Crizelle," sabi ni Cassie.
Nakita kong nag angat ng kilay sa kanya si Crizelle. And looking at her face, mukhang kinikilala nya ito.
"Do I know you?"
Napangiti ng alanganin si Cassie sa kanya. Ang kaninang masayang ngiti nya ay napalitan ng pagngiwi.
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Crizelle. She's really a beautiful. No wonder kung bakit gusto ni David na makuha muli sya.
Sa litrato ko pa lang sya nakita noon pero nakaramdam na ako ng insecure sa kanya. And looking at her right now doubled the insecurity I felt towards her. Maiksi na ang buhok nya na hanggang batok. Ang bilugan nyang mga mata ay mas pinadefined pa ng mahahaba nyang pilikmata.
"Ahm, we're schoolmates before," sagot ni Cassie.
Naglahad sya ng kamay dito pero hindi nya iyon pinansin. Humarap ito kila Vincent at masayang nakipag usap sa kanila.
"Let's go, sumabay ka na Crizelle," aya ni Vincent.
Pinilit ko na magpahuli sa paglalakad. Tumabi sa magkabilang gilid ko sila Cassie at Aubrey.
"Muntik na kong mapahiya ah," naiinis na sabi ni Cassie. "Tss, grabe hindi ko akalain na ganyan pala yung babae na yan. Kung makakapit kay Vincent, wagas."
Hindi ako nagsalita. Pinagmamasdan ko lang silang apat. Masayang nagkekwento si Crizelle sa kanila. Bahagya pang tumatawa si Russell at Vincent habang binabalikan nila yung mga nangyari noong college pa sila.