Chapter 15
Why?
Alas kwatro na ng umaga ng makatulog kaya naman nung bumangon ako pasado alas syete ay ang sakit sakit ng ulo ko. Pagharap ko sa salamin ay nakita ko ang medyo mugtong mga mata ko.
Pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagtapos kong gawin ang daily routine ko sa umaga ay pinagluto ko si David ng agahan.
Sinilip ko sya sa kwarto at nakita kong tulog pa sya. Hindi ko na sya ginising at umalis na ako. Nag iwan na lang ako ng note sa ref nya.
Papalabas na ko ng pintuan ng makita ko si David na nakatayo sa labas ng kwarto ko. Halatang kagigising nya pa lang. Kinukusot pa nya ang mata nya medyo nakapikit pa.
"San ka pupunta?" tanong nya sakin.
"Papasok na. May breakfast sa lamesa," sabi ko at naglakad papunta sa pintuan.
"Sabayan mo na ko."
"Malelate na ko."
"Ihahatid na kita, wait lang."
"Wag na," sabi ko.
Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko. Pero hindi ko na pinansin iyon. Masama pa din ang loob ko sa kanya. Alam kong wala akong karapatan na maramdaman kung anuman itong nararamdaman ko pero langya nasasaktan ako.
Nakita kong lumapit sya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Sorry kahapon. Nawala sa isip ko iyong pangako ko sa iyo."
"O-okay lang. Besides, may pinuntahan din naman ako kahapon," pagsisinungaling ko. Ayokong malaman nya na naghintay ako ng anim na oras sa kanya para sa wala lang.
"Saan ka nagpunta?"
"Sa mall." I lied again.
"Just wait me here, ihahatid kita." Hindi pa ako nakakasagot ay tumakbo na ito pabalik sa kwarto.
Naupo ako sa sala. Ano na naman itong nararamdaman ko? Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang malakas na kabog nito. Ganon ganon lang okay na uli ako?
"Hey," sabi ni David sa harap ko. Tinignan ko sya, suot na naman nya ang business attire nya. Looking at him with that attires really suits to him. "You okay?"
"Yeah. Let's go," sabi ko.
Pagkahatid sakin ni David sa school ay nakita kong nakatayo sa tapat ng gate si Cassie. Nakita nya kami kaya ngumit sya sakin na tila nanunukso.
"Thank you," sabi ko kay David ng pagbuksan nya ako ng pinto. Maglalakad na sana ko papunta sa gate ng magsalita sya.
"I will fetch you later, sabay tayong maglunch."
"Okay," sabi ko at pilit na nginitian sya. Gusto ko sanang tumanggi sa kanya para hindi na ko umasa pero pinili ko ang sumunod na lang sa sinabi nya.
Pagsabi ko noon ay pumasok na sya sa sasakyan nya. Hinintay ko na makaalis iyon bago ako pumasok sa loob. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan nya ay doon ko lang napagpasyahan na maglakad na.
"Oy si Ma'am kinikilig!" kantyaw ni Cassie sakin na sinabayan ako sa paglalakad.
Nginitian ko sya. Gusto ko sanang hawakan yung dibdib ko dahil ang lakas lakas ng kabog nun. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganon. Siguro nga totoo yung sinabi ni Cassie, kinikilig ako.
Pinilig ko yung ulo ko para ialis yun sa isip ko. Hindi pwede ito. He have Crizelle! Ayoko ng mag isip na lagpas sa totoong relasyon namin ni David. Ayokong masaktan.
"Bye, Ma'am, malelate na ko sa klase ko. Mamaya na ko pupunta sa faculty," nakangiting sabi nya sakin at nagmamadali ng umalis.
"Bye," nakangiting sabi ko.