Chapter 25

16.2K 200 0
                                        

Chapter 25

It's Love

Alas dose na ng tanghali ako nakauwi sa bahay namin. Ipinaliwanag ko kay Daddy kung bakit hindi nakasama si David.

Pagtapos naming pagsaluhan ang hinanda ni nurse Anna na tanghalian ay pumanhik na ako sa kwarto ko.

Tinignan ko ang cellphone ko. Walang text o tawag man lang.

Nag aalala ako sa kanya. Kaya tinext ko na si Aubrey at mabilis naman syang nagreply.

Aubrey:

He's on the way to Cebu. Nagkaroon ng problema sa site ng bagong mall na pinapatayo nya doon.

Nanlumo ako sa reply nya. Bakit hindi sya nagpaalam sakin?

Nagpasalamat ako kay Aubrey. Nilagay ko sa ilalim ng unan ang cellphone ko at malalim na nagpakawala ako ng buntong hininga.

Nasasaktan ako. Pero ginusto ko ito. Kung ano man ang rason nya kung bakit hindi nya sinabi sakin ay rerespetuhin ko.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw ng malaman ko na nagpunta si David sa Cebu. I've been trying to call him but his phone is out of coverage.

Sinubukan kong tawagan si Aubrey and fortunately sinagot naman nya.

"Princess napatawag ka?" bungad nya sakin.

Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko ba sya... matagal akong natahimik bago ko sinabi ang pakay ko.

"A-ah  ano Aubrey kasi may tatanong lang sana ko..."

"Ano yun?"

"K-kasama ka ba ni David sa Cebu?"

Saglit na natahimik si Aubrey. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa sasabihin nya.

"Sorry Princess pero pinaiwan ako ni President eh. Sya lang ang nagpunta doon."

Nakaramdam ako ng panghihinayang sa narinig ko.

"Sige salamat."

"Hindi mo ba sya macontact? Ganon talaga si President kapag may mga meeting lalo na ngayon. Medyo nagkaroon kasi ng problema doon sa site. Ano ka ba wag ka ng mag alala bukas uuwi na din naman yun."

Kahit paano medyo nabawasan ang pag aalala ko sa sinabi ni Aubrey. Naisip ko na baka naging OA lang ako sa pag iisip na baka kung ano ng nangyari doon.

"Ah sige salamat uli."

Pagtapos naming mag usap ni Aubrey ay bumalik na ko sa klase ko.

Naging mabilis ang oras para sakin ng mga sandali na yun kaya naman umuwe agad ako sa bahay. Hindi ko alam pero parang  ang bigat ng pakiramdam ko kaya naman pagpasok ko sa kwarto ko ay nagskype na lang ako.

I need to talk to Lance. Sa mga ganitong sitwasyon alam kong sya lang ang makakatulong sakin. I know that he will hates me for this pero kailangan ko talaga syang makausap.

Paglog in ko ay nakita kong nakalog in din sya pero nakakadalawang tawag na ko sa kanya ay hindi pa din nya sinasagot. Sa pangthird attempt ko ay doon pa lang nya nasagot.

"Hoy anong itsura yan? May sakit ka ba?" bungad nya sakin. Hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil para kong maiiyak. "May problema ba Princess Athena? Magsabi ka sakin ng totoo.

Umiling lang ako sa kanya. I don't know what's happening to me pero naiiyak talaga ko. Hindi maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang mga luha ko.

"Ano bang nangyayari sayo Athena? My goodness Athena! Three days mo palang na hindi nakikita ganyan ka na. Ay naku ewan ko sayo!"

"L-lance naman eh."

"Tigilan mo ko Athena ha. Malala ka na maliit na bagay iniiyakan mo? Grabe three days palang yun ha."

"Eh kasi naman eh, sa namimiss ko talaga sya eh."

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito. Parang sabik na sabik akong makita si David.

"Ano ka ba? We're talking about King David Imperial. So don't expect him to be free anytime you want. Hindi birong tao si David at teka nga.. bakit ka ba ganyan?"

Natahimik ako sa tanong ni Lance. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanya na umamin ako kay David sa nararamdaman ko para dito.

"Lance... mahal ko na si David."

Napayuko ako pero muli kong tinignan si Lance. This time, I saw his other side. He's serious side.

Matagal ko ng kaibigan si Lance. Iilang beses ko lang syang nakitang nagseryoso. Mahirap ang mga pinagdaanan nya. But still he chooses to be happy. Kahit na hindi sya tinanggap ng mga magulang nya sa pag amin sa totoong katauhan nya nanatili pa ding positibo ang mga pananaw nya. And I really salute him for that!

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari samin ni David nitong mga nakalipas na araw at maging ang kakaibang nararamdaman ko sa puso ko. Lahat lahat ng detalye ay hindi ko pinalagpas.

"Dalaga ka na, Athena!"

Damn. Nagulat ako ng bigla syang magtitili. Akala ko kung ano na ang seryosong iniisip nya.

"Kaloka ka! May paswear swear ka pang hindi magkakagusto sa kanya pero ngayon ngumangawa ka kasi namimiss mo sya."

Ngumuso ako sa sinabi nya.

"But you know what Athena? I'd agree with David. Siguro may maganda syang rason kung bakit yun ang sinabi nya. And I want you to slow down. Remember, kung paano kayo nagsimula. Think twice, maybe it's one of the reason why he wanted you two to take things very slow. He wanted you to think if you really love him.   He don't want you to confuse from the feeling of being in lust or love. So dear, don't let good sex confuse your heart whether you're inlove or not."

Natahimik ako sa sinabi nya. He has a point! Kung ganoon nga ang isa sa mga rason ni David kung bakit gusto nya kaming magdahan dahan ay naiintindihan ko. Dahil maging ako ay nabilisan sa nararamdaman ko. But I am sure that I am inlove with him. I love him. It's not just lust.

Madami akong kakaibang experience sa kanya na ngayon ko lang naramdaman. Pati ang iba't ibang klase ng pagtibok ng puso ko sa kanya ko lang naramdaman.

I know he's really good at bed. Hindi ko alam kung ilang babae na ang naparanas nya ng ganoon pero wala na akong pakealam.

All I know is I love him.

"O-of course not. I love him, Lance. I really do. I know it started with that, but I am really sure that it's not all about last. It's love."

"Okay, if you so... dalaga ka na.." Tumawa sya sa kabilang linya.

Ngumiti ako sa kanya. Kinwento nya sakin ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na araw.

Pagtapos naming magpaalam sa isa't isa ay nahiga na ako. Bigla namang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Lance.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Pinakiramdaman ko ang puso ko. Mabilis ang tibok nito.

I know David, it's not lust. Because if it is, I don't let myself to be like this. Lust, is the need to sleep with someone. And love, love is wanting to sleep with that someone and wake up next to them.

And it's love. And I could called it love! Because I wanted to wake up every morning next to him. I wanted to be the one who he see when he open his eyes.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon