Chapter 67

14.6K 198 9
                                        

Chapter 67

Stay with Me

Pagpasok namin sa loob ng kotse nya ay agad nya kong niyakap. Sobrang higpit ng yakap nya.

"I love you..." bulong nya sa tainga ko.

Umalis sya sa pagkakayakap sakin at hinarap ang mukha ko sa kanya. Tumingin sya ng diretso sa mata ko.

"God, I am so inlove with you...I'll do anything for you, Athena. I love you.. so much!"

Napangiti ako sa sinabi nya. Napapailing na lang ako habang inaayos ko syang makahiga sa back seat.

"You're drunk, David," sabi ko sa kanya.

"Alam ko.. pero kahit hindi ako lasing alam kong ikaw lang ang mahal ko."

Yumakap uli sya sakin tsaka nya pinikit ang mga mata nya.

"David.. bitawan mo muna ko magdadrive ako. Hindi tayo makakauwi nito," sabi ko ng ayaw nyang bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"Please, stay with me tonight baby.."

Dinilat nya ang mapungay nyang mata at nakikiusap na tumingin sakin. Huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya.

"Thanks. Promise I'll behave."

Nginitian nya ako at pinikit na ang mga mata nya. Lumipat na ako sa driver's seat at pinatakbo na paalis sa bar ang kotse nya.

"David! David!" mahina kong tinapik ang pisngi nya para magising sya.

Kanina pa kami nasa parking lot ng condo nya. Hindi pa din sya magising kahit na anong gising ang gawin ko sa kanya.

"David! Gigising ka o iiwan kita?" sigaw ko sa kanya.

Nakita kong mabilis syang bumangon at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa'kin.

"G-gising na ko. Hindi mo ko pwede iwan. Mahal kita! I love you, Athena," natatarantang sabi nya.

Halos matawa ko sa itsura. Hindi ko akalain na ganito pala sya malasing. Ang cute lang! Hindi ko sya sinagot. Pinipilit ko ding pigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko.

"Please, Athena... don't leave me again. I'll do anything you want. I can't imagine my life without you. Ikaw lang ang babaeng pinapangarap ko na makasama ko hanggang sa pagtanda ko. Ayoko sa iba. Ikaw lang. Sayo lang ako..." Lumipat sya sa passenger seat at hinila ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap nya sa bewang ko.

"Don't leave me please. Stay with me, not only for tonight but for the rest of our lives," sabi pa nya.

Hindi ko pa rin sya sinasagot. Pero hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. I can't explain the happiness I'm feeling right now. I don't if it is just the alcohol but still, I'm happy. Sabi nila kadalasan sa mga nagsasabi ng totoo ay yung mga lasing.

"Mahal na mahal kita, Athena. Alam mo ba yun? Alam ko naman na ngayon ko pa lang napaparamdam yun sa'yo pero sana bigyan mo pa ko ng chance na mas lalo pang maparamdam yun sa'yo.. Athena, sumagot ka naman. Mahal mo pa ba ko?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng kumawala ang tawa ko. Humiwalay ako sa yakap nya at tumawa ako ng tumawa. Naiiyak na ko sa sobrang tawa sa kanya. God, thank you for this another chance! He's so damn serious..

Seryoso ang mukha nya na nakatingin sakin. "Bakit mo ko pinagtatawanan? Hindi ka ba naniniwala sa'kin? I truly love you, Athena. Nung umalis at iniwan mo ako wala akong ibang inisip kundi ikaw. I'm thinking of ways how to get you back in life. How to win your heart. I spent the whole nine months thinking about you. Iniisip ko kung kamusta ka na ba. Kung anong ginagawa mo. Sinu sino ang mga nakakasama mo. Kung may mga lalaki bang nanliligaw sayo. Damn it! Sa tuwing naiisip ko ang bagay na yun parang gusto ko na lang puntahan ka kung saan ka man sa America at hilahin ka pabalik sa buhay ko. You are mine Athena! I don't want to share what is mine. Ayokong magkaroon ng kahati sayo dahil ikaw? Wala kang kahati dito," sabi nya at tinuro ang puso nya. "Nag iisa ka lang dito at wala ng espasyo para sa iba. Kahit ang isip ko ikaw lang din ang laman nito."

"T-talaga?" tanong ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Talagang talaga, Athena! Mahal na mahal kita. You are my everything. You're the only one in my heart. You're my world. Kapag nawala ka sa buhay ko hindi ko na alam ang gagawin ko... Bigyan mo pa ko ng sapat na panahon para iparamdam sayo yung pagmamahal ko. I give you my name. I give you my everything. Kahit saang simbahan sa mundo ikaw at ikaw lang pakakasalan ko. Binibigay ko na ng buong buo sayo ang puso ko. It's up to you if you break it or keep it. Basta ako I will be content with you. I will love you faithfully.."

Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi nya. Ganito ba sya malasing?

"Basta ako hinding hindi kita iiwan. Naranasan ko na ang buhay ng wala ka. Damn, I feel like I'm in hell. Hinding hindi ko na hahayaan na mawala ka pa. Gagawin ko ang lahat. Tutuparin ko yung mga pangako ko sayo at mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko. Damn! I'm so freaking deeply inlove with you, Athena."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumulo na ang mga luha sa mata ko. Hindi ko inexpect na maririnig ko sa kanya ang lahat ng ito. Dati rati sabi ko sa sarili ko sabihin nya lang na mahal nya ko masaya na ko. Pero ngayon? Sobra sobra na yung mga sinasabi nya. Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig mong sinasabi sayo ng mahal mo na mas mahal ka nya at ayaw nyang mawala ka sa buhay nya.

I love you too, David! Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung anong nakita mo sakin para mahalin mo ako ng ganito. Pero wag kang mag alala mas mamahalin pa kita. Mananatili akong tapat sayo. Makukuntento ako sa pagmamahal ko. Tanga na lang ako kapag naghanap pa ko ng iba bukod sa'yo. Sa tingin ko ayun na ang pinakatangang desisyon ang gagawin ko sa buhay ko. Hinding hindi kita iiwan.

"Please, stay with me.." pakiusap nya.

"Yes.. I'll stay with you... forever."

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon