Chapter 27
This I Promise You
"Sunduin na lang kita mamaya ah," sabi ni David.
He kissed me on my forehead at pinagbuksan ako ng pinto. Pinilit nya ako kanina na ihatid ako.
Napangiti ako sa ginawa nya. It was a simple gesture pero sobra sobra ang kilig na nararamdaman ko.
A one kiss on forehead is sweetier than thousand kiss on lips.
"Ingat ka," sabi ko. I waved my hands at him.
Nang umalis na ang sasakyan nya ay naglakad na ako papasok. Hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko pagpasok ko sa faculty ay hinila na ako ni Cassie palabas.
"Kinikilig ako Athena," aniya at pigil na pigil ang pag impit na tili nya.
"Bakit?"
"Today is Russell's birthday. Tinawagan ako ni Vince kanina sabi ni Russell he wants to celebrate his birthday in Palawan... at kasama daw tayo?"
Hindi agad gaanong nagsink in sa utak ko iyong sinabi nya. Pero natuwa ako ng marinig ko ang Palawan.
"Really?"
Tuwang tuwa itong tumango. "Yes, makakasama ko na si Vince, my destiny ko."
Natawa ko sa tinawag nya ni Vince. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila pero palagi syang bukambibig ni Cassie kada magkakausap kami.
"O, pano kitakits na lang mamaya ah. Susunduin ako ni Vince mamaya," kinikilig na sabi nya.
"Sige. Kailan ba tayo aalis?"
"Mamaya."
"What?" gulat na gulat na tanong ko.
"Sa Kingdom daw magkikita kita eh. Di mo ba alam?"
Umiling ako. Wala naman kasing nababanggit si David sakin kanina.
"O sya basta mamaya ah. Don't forget to bring a two piece ha," kumindat pa sya bago ako iniwan.
Laman pa din ng isip ko yung tungkol sa outing para sa birthday ni Russell. Alam na ba ni David iyon? Bakit hindi nya sinabi sakin? Wala ba syang balak na isama ako kaya hindi nya pinaalam?
Hanggang sa matapos ang lahat ng klase ko ay iyon ang iniisip ko. Naghihintay ako sa harap ng school ng matanaw ko na ang kotse ni David.
"Kanina ka pa?" tanong nya pagkapasok ko.
Tumango ako. Hindi ako makatingin sa kanya. Nagtatampo ako dahil hindi nya pinaalam sa akin iyon.
Ramdam ko ang pagtitig nya sakin pero binalewala ko iyon. Inabala ko ang sarili ko sa pagtetext kila Cassie.
"Hey.. may problema ba?" tanong nya.
Umiling ako.
Nakita kong inihinto nya ang sasakyan. Hinawakan nya ang balikat ko at iniharap sa kanya.
"May sakit ka ba?" Sinalat nya ang noo ko. "Masama ba ang pakiramdam mo? Anyway, you want me to cancel Russell's invitation? Today is his birthday. He invited us, tinawagan nya ako kanina, balak nilang magpunta sa Palawan."
Napatingin ako sa kanya. Bigla akong nakonsensya sa inasal ko. All along akala ko alam nya na iyon. Na inilihim nya sakin iyon.
Sa sobrang guilt ko ay niyakap ko sya. Naiiyak ako. Ilang araw na akong ganito. I can't understand my mood swings.
"Are you okay?" nag aalala nyang tanong sakin. Hinawakan nya ang pisngi ko.
Nginitian ko sya. "Yes.. I just want to say... I love you."
Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko pero nginitian din ako. Nilapit nya ang mukha nya sa akin. Naramdaman ko ang mainit nyang labi na dumampi sa noo ko.
I felt so disappointed. But it's okay. I know he just want to take things slowly. It's just that I want to it to him. I just him to know what I'm feeling right now.
Binuhay nya muli ang sasakyan nya. Medyo natagalan kami pabalik sa Kingdom dahil nagkaroon ng trapik.
"Hay sa wakas dumating din kayo. Alam mo bang kanina pa ko kating kati makarating sa Palawan" sabi ni Cassie pagkakita samin.
"Sorry naman. Hindi pwedeng magsorry?" sabi ko sa kanya.
"Pwede naman," aniya at tumawa kami.
Nilapitan ko si Aubrey at bineso sya. Mabuti naman at pinayagan sya ni David.
Nanliit ang mata ko ng makita kong kinukulit sya ni Russell.
"Ako na kasi magbubuhat nyan," sabi nito.
"Kaya ko nga sabi to eh."
Lahat kami ay napatingin na sa kanila. Nag iwas ng tingin samin si Aubrey.
Samantalang si Russell ay nagpunta sa tabi ni David at may sinabi dito.
Pagdating namin Kingdom ay dumiretso kami sa rooftop. Nadatnan namin doon ang private plane ni David.
Pagpasok namin ay tatabi sana ko kay Cassie at Aubrey pero hinawakan ni David ang kamay ko at hinila paupo sa tabi nya. Narinig ko naman ang panunukso ng bruhang si Cassie kaya pakiramdam ko ay nagblush ako.
Sa laki ng private plane ni David ay sa tantya ko ay kakasya ang dalawampu't katao doon. Nasa unahan nakaupo si Aubrey na malapit sa bintana. Katabi niya si Russell na mukhang wala sa mood. Nakita kong nakahiwalay sila Cassie at Vince na tawa nang tawa habang parehas na nakatutok ang tingin sa cellphone ni Cassie.
Nakatabi ako sa bintana. Pinagmamasdan ko ang tanawin sa ibaba. Nang magsawa ako doon ay ipinikit ko ang mga mata ko.
Narinig ko ang pagbukas sara ng zipper ng bag ni David. Nang tignan ko sya ay may nilabas syang spongebob neck pillow. Dalawa iyon. Ang isa ay nilagay nya sa balikat nya at ang isa ay inilagay nya sakin.
"Ito oh, para hindi ka mangalay."
"Thank you," napangiti ako sa kanya.
Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at kinuha ang earphone sa bag ko. Naghanap ako ng kanta. Nakita kong nakatingin sa akin si David kaya nilagay ko ang isa sa tainga nya.
"Pagpasensyahan mo na yung mga kanta sa phone ko."
Ipinikit ko ang mga mata ko. Then, the song started to play. Hindi ko alam na 'This I Promise You' pala ang napindot ko.
Napakunot noo ako ng marinig kong sinasabayan nya ang tugtog. Kaya inalis ko ang earphone sa tainga ko.
Nakapikit ang mga mata nya. Pinagmamasdan ko sya at ndinadama ang bawat pagbigkas nya sa mga letra. Ang lamig ng tinig nya. Ang sarap pakinggan, para kong hinehele nun. Pero ayokong ipikit ang mata ko.
Naramdaman nya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya dinilat nya ang mga mata nya. Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanya at ngpatuloy din sya sa pagkanta nya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang emosyon nya sa pagkanta nya. Hindi ko nagawang kumurap sa pagtitig ko sa kanya.
Ito ang unang beses na narinig ko syang kumanta. At isa lang ang masasabi ko, ang galing nya! May mga bagay pa ba syang hindi kayang gawin?
"Okay ba?" tanong nya sakin pagtapos kanta.
Nagthumbs up ako sa kanya at ngumiti.
"Bolera," tumatawang sabi nya.
"Totoo kaya, ang ganda ng boses mo."
Ngumiti sya sakin at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.
Para saan iyon?
Binalewala ko iyon. Nadagdagan na naman ang kagustuhan ko na mas mahalin pa sya ng husto. I promise to him that I will always make him happy. I will love him for rest of my life.
I will always love you David and this I promise to you. That no one can stop me for loving you. Dahil hulog na hulog na ang puso ko sayo. Hindi ko alam kung anong manyayari sakin sakaling mawala ka sa piling ko.