Chapter 60
This I Promise You, Athena
"And I will take, you in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I'm almost in tears. The difference now, it's a tears of happiness. Hindi ko mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko.
He showed up! Dumating sya. And what shocks me the most is, what he did.
Nakatulala sa kanya ang ibang babae na nagsasayaw kanina. Kahit ako ay natulala sa kanya. Nakatutok lang sa kanya ang spotlight. Kitang kita ko na punong puno ang mata nya ng iba't ibang klaseng emosyon. It's a mixture of hope, pain, fear and love.
Nagulat ako ng isa isang nagtayuan ang mga kasama ko. Naunang tumayo si Cassie at inabutan ako ng white roses.
"I wish you all the best, Athena," sabi nya at hinalikan ang pisngi ko.
Umalis sya sa tabi ko at pumunta sa harap ng entablado kung saan kumakanta si David.
"You deserve to be happy. Sana maging masaya ka na this time." Niyakap ako ni Aubrey ng mahigpit. Umalis sya sa harap ko pagkaabot ng bulaklak at pumunta sa tabi ni Cassie.
Sunod na tumayo ang ngiting ngiti na si Agatha. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
"Kapag pinaiyak ka uli ni David, ako na magtatago sa'yo. And I swear, hinding hindi ka na nya makikita kahit pa umiyak sya ng dugo sa harap ko. I wish you all the best, Athena. I want you to be happy."
Bagama't natawa ko sa sinabi nya ay hindi ko na naiwasan ang pangingilid ng luha ko.
Pumunta na din sya sa tabi nila Cassie. Sunod na lumapit sa'kin sila Vincent at Russell. Nagsisikuhan pa sila kung sino ang mauuna.
"Hi, Athena... good luck," nakangiting sabi ni Vincent.
"Best wishes?" tila hindi pa siguradong sabi ni Russell.
Sunod na lumapit si Lance. Hindi sya nagsalita sa halip ay niyakap nya ako.
"Lance ano ba to?" tanong ko sa kanya.
"Just go with the flow. I want you to be happy, Athena. You deserve it. I think this is the right time for you happiness."
He kissed me on my forehead after saying those words. Umalis sya sa harap ko at tumabi na kila Vincent.
May mga ilan pang lumapit sakin na nag abot ng bulaklak. Ang iba sa kanila ay hindi ko kilala.
Bumuhos na ang luha sa mga mata ko ng lumapit sa'kin ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa'kin. May hawak din syang puting bulaklak at napalaki ng ngiti nya habang nakatingin sa'kin.
"Daddy..." umiiyak na tawag ko sa kanya. Niyakap nya ako. Katulad ni Lance ay ang higpit din ng yakap nya.
"Anak... Hangad ko ang kaligayahan mo. Nakikita ko naman na sa kanya ka masaya kahit na nasaktan ka nya ng maraming beses. Ang importante may natutunan kayo pareho. Sana magamit nyo iyon para sa mas ikalalago ng relasyon nyo... This is it, Athena. This is the right time for you to be happy."
Sabay kaming umiyak ni Daddy. Ramdam ko ang kaligayahan na nararamdaman nya para sa'kin.
Umalis na si daddy sa harap ko pero patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko.
Bumaba na ng stage si David at naglalakad na sya palapit sakin. He's holding a bouquet of red roses. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. King David Imperial... he really owns me. He owns my heart. Kahit na ano ata ang mangyari sya at sya ang mamahalin ko.
Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi ko. Papalapit na sya ng papalapit at lalong bumibilis ang pintig ng puso ko.
"This I promise you, Athena" sabi nya.
He all smiles at me. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha nya. Nang tuluyan na syang makalapit sa'kin ay humaliyak ang bango nya. Napapikit ako dahil dun. Memories our coming back on my mind. Pamilyar na pamilyar sa'kin yung amoy na nya yun.
Inabot nya sa'kin ang isang kumpon ng bulaklak. Tinulungan nya kong ayusin ang mga white roses na inabot ng mga kaibigan namin at daddy ko.
Hawak pa din nya ang mikropono. Nakita kong itinapat nya iyon sa bibig nya at nagsalita.
"I've been such a jerk before, Athena. Unreasonable. Selfish. But this time I'm sure about everything. Alam ko na kung ano ang gusto ko. Kung sino ang gusto ko. Everything has changed. It's too late for me to realized that you're the one I need. That you're the one I love and I can't live without you. But you're gone. You left me. Hindi kita masisisi kung bakit mo ko iniwan. Kung bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam. It's all my fault afterall. Ang tanga ko kasi. Mahal kita pero hindi ko sinabi. Imbes na iparamdam ko sayo na mahal kita, nasasaktan kita. Pinagsisisihan ko lahat ng pagkakamali ko. Mahal na kita noon pa, Athena. I don't know when. Nalaman ko na lang na mahal kita nung wala ka na. Ang daming nagbago. So, what I'm saying here is without you, my life is nothing. Because the moment you left me tinangay mo ang puso ko. That is why I'm here, I wanted to get back my heart. I want to get you back in my life. I want you to be mine again. I want to be part of your life again. I want you to be my Mrs. King David Imperial." Nilabas nya ang engagemenrt ring na nanggaling sa bulsa nya. It is a simple ring, napapalibutan ng maliliit na diamonds ang infinity sign na nasa gitnan nun.
Natulala lang ako doon. Hindi ako makapagreact pero nag uumapaw na sa galak ang puso ko. Sa sobrang tuwa ko hindi ko na napigilan pa ang pagluha ko.
Nakita ko ang pag aalala sa mga mata nya kaya nilapita ko sya. Hinalikan ko sya at niyakap nya ako ng mahigpit.
Napalibutan kami ng mga kaibigan namin, ng daddy ko at halos lahat ng taong nandoon. Lahat sila ay may hawak na korteng puso na lobo at may nakasulat na isang letra sa bawat lobo. 'Please, be my Mrs. Imperial'
Napahinto ang tingin ko sa daddy ko. Nakita kong nagthumbs up sya at pinunasan ang gilid ng mata. Umiiyak na ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango. Sila Cassie ay narinig kong sumisigaw ng 'Yes'.
Muli kong hinarap si David. Masaya ko sa nangyayari ngayon. Hindi ko inexpect na ganito ang sasalubong sa'kin sa pagbabalik ko.
"Yes, David. I will be your Mrs. Imperial. I love you...."
Tuwang tuwa nya kong niyakap at binuhat nya pa ko. Pinaikot ikot nya ako. Narinig ko ang palakpakan ng mga taong nakasaksi ng nangyari.
Hindi ko na sila pinansin. Hinalikan ko na si David. Yes, I initiated the kiss. I really miss him.
I'm engaged to this man infront of me. Im going to be Mrs. King David Imperial. Siguro iniisip ng iba ang tanga tanga ko. Bakit minamahal ko pa din yung taong sinasaktan lang ako. The truth is, kahit ako hindi ko alam ang dahilan. All I know is I love him. Besides nobody is perfect. Lahat tayo nagkakamali. Kapag nagmahal ka it's either masaktan ka o makakasakit ka. What important is, natututo tayo. Kapag nadapa ka, bumangon ka. Kung palagi kang nasasaktan sa tuwing nagmamahal ka, magmahal ka pa din. Great things happen for all those who wait. May tamang panahon para sa lahat. Siguro nung mga panahon na hinahabol ko sya hindi iyon ang tamang oras para sa'ming dalawa. I think it's over. I finally find my way back home. The long wait is over and all the pain are worth.
