Chapter 59
I'm Back
"C'mmon Athena. Don't tell me hindi ka magpapakita sa'kin bago kami umalis nila Agatha," sabi ni Lance sa kabilang linya.
It's been a month since the last time I talked to him. Nakausap ko din si Agatha and she was sorry for what David did to me. Nabanggit nya din sa'kin na nag away ang dalawa pag alis ko nun sa reception.
"Kailan ba?"
Narinig kong nag yes si Agatha sa kabilang linya. Nakaloudspeaker siguro ang phone ni David.
"Tomorrow night. Umuwi ka na sa daddy mo. Doon kita susunduin," aniya.
"Pag iisipan ko pa," sagot ko.
"Athena!" narinig kong sigaw ni Agatha.
Natawa ko sa kanya. Kahit papano namiss ko din sila.
"Oo na. Sige na magpapahinga na ko, mamayang gabi ako babyahe pauwi kila Daddy."
"Yes. Sure na yan. Take care, mwa!" sabi ni Agatha.
"Mag ingat ka Athena. See you tomorrow, I'm glad to know that you're okay now."
Napangiti ako mag isa. "Thanks!"
I ended the call. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ko. I decided na magbakasyon muna sa Batangas. Pinagpaalam ko ng maayos ang bagay na to sa daddy ko. Pinayagan naman nya ako at sinuportahan sa ginawa ko.
I felt relieved. Kahit papano sa loob ng isang buwan na pamamalagi ko dito naging okay naman ako. Marami akong narealized na bagay na hindi ko nagawa nung nasa Amerika pa ako. Dahil hindi ko pinagtuunan iyon ng pansin. Iniwasan ko. Na mas pinili ko ang makalimot at takasanan na lang ang lahat kaysa harapin ang problema ko.
Niligpit ko na ang mga gamit ko. Isa isa kong nilagay sa travelling bag ang mga damit ko.
Hindi ko na hinintay na sumapit pa ang gabi. Napagpasyahan ko ng lumuwas na kahit tanghali pa lang.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ko si Daddy ng may malaking ngiti sa mukha ko.
"Daddy!" excited na tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
"Wow... gumanda ata ang anak ko," nakangiting sabi nya.
Bakas na bakas sa mukha ni daddy ang pagiging masaya. Masaya din ako. I really felt it in my heart. Maybe, I'm okay. Possibly.
"Syempre kanino pa ba ko magmamana kundi sa inyo ni mommy."
Sabay kaming natawa.
Wala na si nurse Anna sa bahay. Nagkasakit ang anak nya kaya kinailangan na nyang umuwi. Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya ng personal kaya nagbabalak ako na puntahan sya.
"Kumain ka na ba?"
Tumango ako. "Kumain po ako ng mapadaan ako sa Mcdo. Kayo po ba?"
"Oo. Hindi ka naman nagsabi na uuwi edi sana pinagluto kita ng paborito mong ulam.
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po yun daddy. Gusto din kita isurprise."
"Sobrang masaya ko na makitang okay ka na, anak."
Natatawa kong yumakap sa kanya ng makita kong papaiyak na sya.
"Daddy naman! Wag ka na umiyak dyan."
"Hindi ko lang mapigilan.."
"Dy, pahinga lang po ako. May lakad po pala kami nila Lance bukas. Magpapaparty daw po sila ni Agatha," pagbibigay alam ko.