Chapter 28

15.3K 207 0
                                    

Chapter 28

Jealous

“Sleep," aniya sakin. Pinasandal nya ako sa balikat nya.

Naramdaman kong marahan nyang hinahaplos ang buhok ko. Unti unting namigat ang mata ko.

Nagising ako sa mahinang tapik na naramdaman ko sa pisngi ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko.

Bumungad sakin ang nakangiting mukha ni David.

"We're here. Nasa baba na sila Vincent," sabi nya.

Pupungas pungas akong umalis sa pagkakahilig sa balikat nya. Napantingin ako sa labas ng bintana. Gabi na pala.

Inalalayan ako ni David sa pagbaba. Agad kong natanaw si Cassie na tumatakbo papunta sa dalampasigan. Nakita kong sumunod dito si Aubrey.

"You can join them."

Nilingon ko siya. Nginitian ko sya dahil doon. Bago ko sya iniwan ay mabilis ko syang hinalikan sa labi.

Narinig kong sinigaw nya ang pangalan ko ng tumakbo ako palayo sa kanya. Natatawang nilingon ko sya at nagpeace sign.

"Uy, nakita namin yun ah," tukso ni Cassie paglapit ko sa kanila.

Nginitian ko lang sila.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Isla na pinuntahan namin. Ang lawak nito. Madami dami din ang tao na naglalakad sa dalampasigan. Ang ilan sa kanila ay magkasintahan pero mas lamang ang grupo-grupong magbabarkada.

"Aubrey, kila Russell ba to?" tanong ni Cassie.

"Ewan. Bakit di mo tanong sa kanya?"

Napataas ang kilay ko. May naaamoy talaga kong something sa kanila. At lalo ko iyong nakumpirma ng nakalapit na samin ang tatlong lalaki.

Narinig kong nagtilian ang ilang kababaihan na malapit samin ng dumating sila David.

Tinignan ko sila pero patuloy pa din sila sa pagtili. Napansin ko ang isang mestizang babae na halatang laki sa Maynila na malagkit na tinitignan si David. Nanliit ang mata ko ng makita ko syang naglakad papunta sa pwesto namin.

"Tara, okay na yung room na pinareserved ko. Tatlo ang kinuha ko. Magkasama si David at Athena. Tapos kayong dalawa ang magkasama sa kwarto Cassie at Aubrey," sabi ni Russell.

Parang may kusang isip ang mga kamay at ikinawit ko iyon sa braso ni David ng tuluyan ng nakalapit ang babae samin.

Narinig kong chineer pa sya ng mga kasamahan nya.

"Go, Tiffany!"

So, Tiffany is her name. Hinintay ko kung ano ang gagawin nya. Tinitigan ko syang mabuti ng huminto sya sa harap ko.

She's beautiful but I can say that I am much better than her. Mas maputi sya ng kaunti sakin. Ang malaki at bilugan nyang mga mata ang nagdadala ng karisma sa kanya. Matangos din ang ilong nya na binagayan ng labi nyang may kakapalan.

She flips her hair and wink at David. Nanlaki ang mga mata ni Cassie at Aubrey ng paglandasin nito ang hintuturo nito sa katawan ni David. Samantalang tumatawa sila Vincent at Russell habang nanonood.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. I want to stay cool. Ayoko sana syang patulan pero nawala ang pamimigil ko ng idinikit na nya ang katawan kay David.

"Whoaa!" narinig kong sabi ni Russell.

Inalis ko ang kamay ko sa braso ni David. Hinatak ko ang babae at hinarap sakin.

"Excuse me, I think your flirting with the wrong guy."

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Tinaasan nya ako ng kilay at ganon din ang ginawa ko sa kanya.

"Who are you?" maarteng tanong nya.

Lumapit ako ng kaunti sa kanya. Ayoko sanang gawin ito sa kanya but I can't stand here seeing her flirting with my man.

"Miss, taga Makati ka ba?"I asked her instead of answering her question.

Nakita kong kumunot ang noo nya. 

"Yeah. Im living at Forbes Highlands," malanding sagot nya.

So she's rich. Forbes Highlands is one of the most expensive condominium in Makati.

"Oh, I see. Kaya pala makati ka." Narinig kong tumawa si Cassie. "Miss, sa pagkakaalam ko higad lang ang makati hindi naman ako nainform na pati pala tao ngayon basta na lang din nangangati."

Namula ang mukha nya sa sinabi ko. Hindi ko na sya binigyan pa ng pagkakataon magsalita.

"Here, tanggapin mo," nilagay ko sa palad nya ang isang libo. Gusto ko sanang manghinayang doon pero di bale na lang. "Maghanap ka ng lalaki na kakamot sayo. Adios!.."

Aalis na sana ako ng may nakalimutan akong gawin sa kany. Muli ko syang hinarap at sinampal.

"Hindi ko nagustuhan yung ginawa mo sa boyfriend ko. Sana sa susunod ilugar mo yang kalandian mo. Walang rerespeto sayo kung ganyan ang ugali mo."

Hinawakan ko si David at hinila sya paalis doon.

"Wow, ang taray mo pala Athena," natatawang sabi ni Cassie.

"Nice... Ang gwapo mo David," sabi ni Russell at nagtawanan silang magkakaibigan.

Hindi ko sila pinansin. Naiinis pa din ako. Naiinis ako sa kanya. Kaya ng makarating kami sa kwarto namin ay hindi ko sya pinansin. Nabibwiset ako dahil wala man lang syang ginawa para tabuyin yung babae.

Ganon ba talaga sya? Eh paano na lang kung wala ako doon? Sa tuwing umaalis kaya sya palaging ganoon ang nangyayari?

Hindi naman iyon kataka taka. Dahil kahit ano ata ang suutin ni David ay talagang mahahatak at mahahatak nya ang atensyon ng mga babae.

He has a superhumanly good looking and a great defined body. Bumabakat ang malaki nyang katawan kapag nagsusuot sya ng fitted shirt.

Tumabi sya sakin pero hindi ko sya pinansin. Hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sa kanya.

"Are we cool?" tanong nya.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. But seeing him like this, sincerely staring straight to my eyes ay gusto ko na lang na yakapin sya ng mahigpit.

Damn! I hate this feeling but I love him. Ni hindi ko magawang magtampo ng matagal sa kanya. Titigan nya lang ako ay nawawala na ang galit ko at gusto ko na lang magpakulong sa braso nya.

"Are you jealous?"

Nagseselos ba ko? Alam ko naiinis lang ako sa ginawa nung babae sa kanya. At naiinis din ako dahil hinayaan nya lang iyon na hawakan sya.

Umiling ako.

Nagulat ako ng tumawa sya. Nilapit nya ako sa kanya at niyakap. Hinayaan ko sya na gawin iyon. Besides, being wrap in his arms makes me feel secure. Ang sarap sa pakiramdam.

"So, selosa ka pala..." Tumawa pagkasabi nun.

Ngumuso ako at hinarap sya.

"Hind ah! Naiinis lang ako," pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Bakit ka naiinis?"

"Kasi..." Sasabihin ko ba sa kanya.

"Kasi?" ulit nya.

Sa huli ay sinabi ko din sa kanya. "Kasi nilalandi ka nya at parang okay lang sayo na hinawakan ka nya. Idinikit pa nya yung katawan nya sayo."

Ngayon ay mas lumakas lalo ang tawa nya. Muli nya akong niyakap  pero ngayon ay mas mahigpit na.

"Inunahan mo ako eh kaya hinayaan na kita... Selosa.."

Niyakap ko na din sya. Pinakinggan ko ang patuloy nyang pagtawa.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. At naririnig ko na ganon din ang sa kanya.

I hope we can stay like this forever. I hope I can stay here. Being with him, I feel so happy. Hugs like this give me a feeling that I don't want to end this. I don't want him to let go. I just want to hold him forever. And I'm hoping he feel the same way. Because at this moment, I fall for him, deeper and deeper.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon