Chapter 44

17.6K 242 1
                                    

Chapter 44

I'm Leaving

Pagod na pagod akong humiga sa kama ko. I've never been devasted like this in my entire life. I've never been hurted like this.

Kung sana ay hindi ako nagpadalos dalos sa mga desisyon ko. Kung sana hindi ako nagpadala sa damdamin ko. Kung sana nag ingat ako. E'di sana may anak na ako.

I don't know which incidents hurting me more. Yung nalaman ko na nagkabalikan na sila David. Yes, it hurted me. Sobrang sakit na malaman ko ang totoo. Sobrang sakit na makita ko ang galit na galit na mga mata ni David kanina nung sinasabunutan ko si Crizelle. But it hurts me a lot the fact the I lost my baby. Nang dahil sa pagkakagusto ko kay David nawala ang anak ko. Iyon ang puno't dulo ng lahat. I've been obssessed with him na kahit nasasaktan na ako sige pa din ako ng sige. Kahit na walang kasiguraduhan ang nararamdaman nya sakin sumugal pa din ako. It's all my fault! Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.

Bumalong na naman ang mga luha sa mata ko. Nanlalamig ang buong katawan ko. Kahit na anong isipin ko bumabalik sa isip ko yung dugo na nakita kong umagos sa hita ko.

Sakit lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. I couldn't feel anything. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kay David kanina nung nakita ko sya sa ospital. My heart seem so numb. I can't feel anything towards him.

I contacted Lance. Hindi nya sinasagot ang tawag ko. Binagsak ko ang cellphone sa tabi ko.

Ganito ba lahat ng nagmamahal? Kailangan pa bang maranasan ang masaktan? Bakit? Bakit pa kailangan nasasaktan kung nagmamahal ka lang naman?

Sa sobrang pagod ng isip at katawan ko hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

Mahihinang katok ang gumising sakin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nasilaw ako sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko.

Sa dami ng iniisip ko kagabi hindi ko na nagawa pang isara ang kurtina nun. Masakit ang ulo na nagtungo ako sa pinto.

"Pinapatawag ka ng daddy mo," sabi ni Nurse Anna."

"Sige, susunod na po ako."

Naitext ko na sa kanya ang plano ko. I didn't tell him the truth. I just told him that I wanted to be with Lance.

Inayos ko lang ang buhok ko at sumunod na kay Nurse Anna pababa.

Naabutan ko si Daddy na nagkakape sa may garden. Nasasaktan ako sa nangyari sakin pero ayokong ipakita sa kanya iyon. Kaya pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Good morning dad," bati ko at humalik sa pinsgi nya.

Umupo ako sa tabi nya. Hindi sya kumibo. Sa halip ay tinitigan nya ako.

"May problema ba?"

I smiled at him. He really knows me, pero hindi ko sasabihin sa kanya ang problema ko.

I don't want him to feel guilty for what happened to me. Alam kong iisipin nya na kasalanan nya iyon kung bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon.

"Wala naman 'dy. It's just that nagsasawa na ko dito sa Maynila. Besides, sobrang miss na miss ko na si Lance."

Ngumiti na sya sakin.

"Yun ba talaga ang dahilan?" may halong pagdududa na tanong nya.

Tumango ako. Nakita kong huminga sya ng malalim.

"O sya kung yan talaga ang gusto mo. Kailan naman ang alis mo?"

I want to get out of here as soon as possible. Pagkatapos kong magpasa ng resignation letter mamaya sa eskwelahan na pinagtuturuan ko ay kukuha na ako ng ticket. Bukas na bukas din gusto ko ng umalis.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon