Chapter 11
Girlfriend
"Hindi ka ba umuwi?" tanong ko sa kanya at sumunod sa pag upo sa sala set na nasa kaliwang banda ng pintuan sa opisina nya.
"Hindi," matipid na sagot nya.
Nilapag nya sa harap ko yung isang box. Pinanonood ko syang ilagay yung straw sa coke ng pinigilan ko ang kamay nya.
"A-ako na." Inagaw ko sa kanya ang straw at nilagyan ko yung sa kanya. Nakatingin lang sya sakin at nginitian ko sya.
There's something inside of me na nag uudyok sakin na hawakan ang mukha ni David. I don't know why, pero bigla akong nakaramdam ng awa sa nakikita kong itsura nya ngayon. Well, hindi naman nabawasan ang kagwapuhan nya. Kahit na naghuhumiyaw ang eyebags nya ay gwapo pa din sya.
"Stop staring at me, Athena" sabi nya sakin. Hindi ko sya sinunod.
Umalis ako sa kaharap na sofang inuupuan ko. Nagtataka nya kong tinignan ng umupo ako sa tabi nya.
Hindi ko sya pinansin. Bahala na kung ano man ang isipin nya. Hinawakan ko ang magkabilang sintido nya.
"Close your eyes," utos ko sa kanya pero hindi nya sinunod. "Close your eyes. Wala kong gagawing masama sa'yo."
Hindi pa din nya pinikit ang mata nya. Diretso lang syang nakatingin sa akin. Naiilang man ako ay hinayaan ko na lang.
Sinimulan kong hilutin ang sintido nya. Ito lang ang magagawa ko para sa kanya. Ito lang ang maipagmamalaki ko kung saan magaling ako.
Naalala ko noon, palagi kong minamasahe si daddy at mommy. Habang inaalala ko yung mga alaala na yun hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.
"Why are you smiling?" tanong nya na nakatingin sakin.
"Naalala ko lang sila daddy. Minamasahe ko din sila noon kapag pagod na sila."
I smiled at him. Tinitigan nya lang ako kaya ganon din ang ginawa ko sa kanya.
Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko habang tinititigan ko ang itim nyang mga mata. Sa ikalawang pagkakataon, nakita kong ngumiti sya sakin.
"Thanks," sabi nya.
Nakatulala lang ako sa kanya. Pinagmamasdan sya habang nakangiti pa din sakin.
"Silly." Pinisil nya ang pisngi ko at bahagyang tumawa. "Kaen na tayo," sabi nya. Kinuha nya ang kamay ko na nakahawak pa din sa noo nya.
Hindi pa din maproseso ng utak ko yung nangyayari. First, he smiled at me. Second, he laughed. And last, he still holding my hands.
Nakatitig lang ako doon. Hindi ako makakilos sa pwesto ko. Ito na naman yung pakiramdam na hindi ko mapangalanan. I felt something on my stomach. What the hell is this?
"Excuse me!" Doon lang ako natauhan ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap namin ni David.
Tinitigan ko sya. Hindi ko alam kung saan ko sya nakita pero habang sinusuri ko ang singkit at mapungay nyang mata. Matangos na ilong at maninipis at mamula mula labi. Mukhang playboy ang dating nya dahil sa aura na taglay nya. Habang sinusuri ko pa ang iba nyang katangian ay naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni David sa kamay ko, kaya nilingon ko sya.
"What are you doing here?" tanong nya doon sa lalaki. Imbes na sagutin sya nito ay bumaba ang mga mata nito sa magkahawak kamay namin ni David.
"So, it's true!" Humalakhak ito na parang may nakakatawa sa nakita nya.
"Damn, Russelle. What are you doing here?" aniya David na halatang napikon sa inasal ng lalaki.
"Ito naman, minsan lang tayo magkita eh. I just miss you bro."
