Chapter 65

14.6K 211 8
                                    

Chapter 65

Bitch

Napag usapan namin ni David na sabay maglunch after ng meeting nya. Maaga akong umalis ng bahay dahil may kakausapin ako.

Nakapagdesisyon na ko. Gusto ko syang kausapin. Kaya naman nung nagtext sya kay David na gusto nyang makipagkita ay umoo ako. Pero hindi nya alam na ako ang pupunta.

Napag usapan na namin ni David to kagabi. I assured him that I will be fine. Afterall, napag isip isip ko kailangan ko din talaga syang harapin. Madami akong gustong sabihin sa kanya.

Nag ayos talaga ko para sa araw na ito. Nagsuot ako ng white lace dress at nude three inches sandals na binili ko pa sa America. Inayos ko ang buhok ko bago pumasok sa restaurant na sinabi ko kung saan kami magkikita.

Nakita ko agad si Crizelle. Pulang pula ang ayos nya. She was wearing a red tube dress revealing her breasts. Napaismid ako ng makita kong wala naman syang dibdib. Naghuhumiyaw din ang pulang pula nyang labi dahil sa lipstick. Nakatali ang mahaba nyang buhok.

"Hi, Crizelle," bati ko sa kanya at naupo sa harap nya.

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata nya ng makita ako. Pero sandali lang iyon at napalitan din ng ngisi yun.

"Ayoko ng magpaliguy ligoy pa Crizelle. Ayokong makita ka dahil hindi ko magawang titigan ng matagal yang pagmumukha mo," sabi ko.

"Same here. As if I wanted to see you," mataray na sabi nya.

"Sabihin mo na yung sasabihin mo," sabi ko.

"Gusto mo bang marinig yung sasabihin ko?" tanong nya.

"Ofcourse. I think that's the reason why I came here. Nagmakaawa ka pa nga kay David hindi ba? Ngayon sabihin mo na sakin yung gusto mong sabihin."

"Talaga? Hanggang ngayon pala mayabang ka pa din.. Alam mo ba na naawa ako sayo, kaya sige sasabihin ko na lahat sayo."

Napakunot noo ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko hindi na sya yung Crizelle na una kong nakilala. Mukha na syang demonyo sa paningin ko. Ang laki ng ngisi nya bago sya nagsalita.

"Alam mo si David, he hates hurting people. Specially if it is a girl. Nasaktan kasi ang mommy, kaya iniisip nya kapag nakasakit sya ng babae para sa kanya nasaktan na din nya ang mommy nya. Ang sweet nya di ba?.. Ang bait pa. Sa sobrang bait nya hindi ka nya kayang saktan kaya ako na ang mananakit sayo."

Huminto sya at tumitig sa mga mata ko. Hindi ako nagpakita ng kahit na anumang emosyon sa kanya. Gusto kong tapusin kung ano ang drama nya.

"Naalala mo ba dati nung ako yung pinili ni David?.. I feel sorry for you during that time. Ayoko sanang saktan ka pero anong magagawa ko kung ako talaga yung mahal nya. Mabuti nga sayo at nakunan ka. Alam mo ba na laking pasasalamat ko nung nalaman ko na namatay yun. Kasi hindi mo magagamit yung bata na yun para mapunta si David sa'yo."

Mabilis na nagdilim ang paningin ko sa huli nyang sinabi. Wala na kong pakialam kung nasa public place man kami. Wala na kong pakialam kung pag usapan man kami.

Binuhos ko sa mukha nya yung isang basong tubig na nasa harap nya.

"Napakawalang hiya mo! How dare you to say that! Wala kang kasing sama. Hindi ko akalain na ipagpapasalamat mo ang pagkamatay ng isang musmos na bata dahil lang sa pagiging makasarili mo. Alam mo ba na inggit na inggit pa ko sayo nun dahil minahal ka ng sobra ni David. Ngayon, binabawi ko na yun. Wala pala kong dapat na ikainggit sa'yo. I'm still better than you. Maganda ka lang pero bulok naman yang pagkatao mo. Salamat ha? Salamat kasi iniwan mo si David. Kasi kung hindi mo sya iniwan, hindi ko sya makikilala. Hindi ko mararanasan ang mahalin ng tulad nya."

Nakita ko ang pag usbong ng galit sa mga mata nya. Para syang sinasapian na lumapit sakin. Mabilis nyang nahablot ang buhok ko.

"Damn you, bitch! David is mine.. she's mine alone. Wag ka ng mag ambisyon na mamahalin ka nya. Hindi kayo magkalevel."

Kinalmot ko ang kamay nya na nakahawak sa buhok ko. She's crazy! Nababaliw na ata talaga sya.

I feel pity for her. Ayoko na sana syang patulan pero nasasaktan ako sa ginagawa nya. May mga umaawat samin pero hindi ko binitiwan ang buhok nya. Narinig kong sumisigaw sya sa sakit. You deserved it! Wala kang kwenta. Hindi ko akalain na ganon sya kababaw na tao na pati ang walang malay na sanggol ay idadamay nya.

"Damn it, Crizelle!"

Narinig kong sigaw ni David. Hindi ko inaasahan na pupunta sya dito. Lumapit sya sakin at hinila ako palayo kay Crizelle.

"David.. she hurts me. Sabi ko naman sa'yo baka hindi nya ko mapatawad. Kung anu ano yung masasakit na salita yung sinabi nya sa'kin. Tignan mo... sinabunutan nya pa ko."

Napailing na lang ako sa mga sinabi nya. She's damn freaking crazy.

"Are you hurt?" humarap si David sakin at sinipat ang mukha ko.

Kitang kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata ni Crizelle ng hindi sya pansinin ni David.

"I'm okay," sagot ko sa kanya.

"Damn it, Crizelle! Ano to? Akala ko ba nag usap na tayo? Ang sabi mo sa'kin hihingi ka ng tawad sa kanya."

"G-ginawa ko naman yun ah. Kaya lang hindi nya tinanggap."

"Stop it! Kitang kita ng mga mata ko na ikaw yung unang sumugod. So, please stop lying! Sawang sawa na kong makinig sa mga kasinungalingan mo. I'll give you another chance pero sinayang mo lang. Kahit na ano pang gawin mo ngayon hinding hindi na kita mapapatawad. You are the reason why my baby died! Mahirap palagpasin yun pero pinilit kong patawarin ka dahil sinabi mo sakin na nagsisisi ka sa nangyari. But it seems you're not. Narinig ko pa mismo sa bibig mo na pinagpapasalamat mo na namatay ang baby ko."

Hinawakan ko ang nakakuyom na kamao ni David. I can feel his body shaking. Ngayon ko lang sya nakitang galit na galit. Malayo pa ito sa galit na nasaksihan ko nung nag away kami ni Crizelle sa office nya.

"Wag mong ipasa kay Athena yung ginawa mo. Dahil magkaiba kayo. Magkaibang magkaiba. Hindi sya katulad mo na nagawang magpalaglag ng anak. Na nagawang gamitin ang pagdadalang tao nya para makuha ang gusto nya..."

Nagulat ako sa sinabi nya. Did I heard it right? T-totoo bang nagpalaglag si Crizelle? Who's the father? Damn it!

"Don't you ever come near me. Kahit kay Athena... Ayoko ng makita yang pagmumukha mo. Wala ka ng magagawa pa Crizelle. Matagal ng nawala yung pagmamahal ko sa'yo. And I doubt it kung talaga bang minahal kita. So, please tumigil ka na. Dahil kahit ano pang gawin mo si Athena lang ang mahal ko. Sya lang ang minamahal ko at mamahalin ko."

Pagkasabi nun ni David ay hinila na nya ang kamay ko palabas ng restaurant. Tinignan ko si Crizelle at naiwan sya doong umiiyak. I feel sorry for her! But that's it! It doesn't changed the fact that she's a bitch.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon