Chapter 50

17.4K 203 21
                                        

Chapter 50

Letter

Sumunod na ako kila daddy sa loob ng kusina. Ayokong pagtuunan ng pansin 'tong nararamdaman ko. The last time na pinagtuunan ko to ng pansin sobrang nasaktan ako.

I've learned my lessons. Hindi pwedeng magpadalos dalos uli ako sa nararamdaman ko. Hindi pwede na magpatangay uli ako sa bugso ng damdamin ko. Ayokong maulit uli yung nangyari dati.

Naupo sa high chair na nandoon. Pinanood ko si daddy na inihahanda ang mga rekados na gagamitin nya.

"Gusto mo ba ng baked mac?"

Nagulat ako sa tanong nya. Bigla akong may naalala doon. Agad kong pinilig ang ulo ko at tumango.

"Sa kwarto lang po muna ko. Namiss ko yung kwarto ko," paalam ko sa kanya.

Nang makita ko syang nakangiting tumango sa'kin ay tumalikod na ako.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng umupo ako sa kama ko. Napakunot noo ako ng mapansin ko ang napakaraming stuff toys sa ibabaw ng cabinet ko. Hindi ko napansin yun kanina.

Lumapit ako doon. Iniisip ko kung kanino galing iyon. Kinuha ko yung kulay pink na teddy bear na may heart shape na design sa gitna. May nakaburda doon na 'I love you.' Hinawakan ko ang parte na iyon at nagulat ako ng tumunog iyon.

'I miss you Athena.'

Nanlamig ang buong katawan ko. I know very well that voice. I know it's him. Kinuha ko ang iba pang teddy bear na nandoon. Lahat iyon ay ganoon.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko. Nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

Sa huling teddy bear na kinuha ko sa ibabaw ng cabinet ay may nahulog na white envelope. Pinulot ko iyon at binuksan.

Wala ng patid sa pagtulo ang mga luha ko ng mabasa ko kung ano iyon. It's letter from David. Tinignan ko kung kailan iyon. October 15. Last year.

To my Princess

I don't know how to start this. I don't even know what I'm going to say. All I know is I felt sorry for what happened. Sorry for everything. I know how much I've hurted you. I wish I could take away all the pain I've caused. Nasasaktan din ako sa mga nangyari. Nasasaktan ako sa mga panahon na nasayang ko na hindi ko naparamdam sayo yung totoong nararamdaman ko. Napakalaki kong gago! Hindi kita napahalagahan ng tama. Now, you're gone and I don't blame you for leaving. It's all my fault. I've lost you and our baby. I remember when you said what you feared most is losing me. Totoo nga pala. Masakit pala na mawala yung mahal mo. It's too late before I realized that I love you that much. Nakakagagong isipin na kailangan mo pa palang mawala muna sakin bago ko marealized na ikaw lang ang kailangan ko. Na ikaw lang ang mahal ko...

I hope one day, you can forgive for all my foolishness. I know I made you cried for many times but still you loved me. I know it's sounds so selfish but I'm hoping that you still love me. I wish I could go back to the day you said you love me so I can replied 'I love you so much.' But I know it's too late. Too late to regret. Pero hindi ako mawawalan ng pag asa. Dahil sa oras na magkita tayo uli hinding hindi na kita pakakawalan pa at ipaparamdam ko na sayo na mahal na mahal kita. I love you Athena! And I miss you...

Nabasa na ng luha ko sulat nya. Akala ko tapos na kong masaktan. Akala ko tapos ko na syang iyakan. Pero ano to? Bakit nasasaktan ako?

But somehow, I'm so happy. Masaya ko na malaman na mahal nya ako. Pero natatakot ako. Natatakot akong muling sumugal. I'm afraid to risk my heart again to the same man who hurted me so much.

I really need to think about it. I need to be careful to not put myself in a situation that I know will end up hurting me. I need to be wise.

Nakarinig ako ng sunod na sunod na katok sa pinto ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha na patuloy na tumutulo sa mga mata ko. Binalik ko sa dati nilang pwesto ang mga teddy bear. Tinupi ko yung sulat at nilagay ko sa loob ng cabinet. Tsaka ko na iisipin kung anong gagawin ko dun.

"Athena?" narinig kong tawag ni Daddy.

"Po? Susunod na po ako."

"Sige. Bilisan mo may bisita ka sa baba."

Kumunot ang noo ko. Iniisip kung sino yung bisita na tinutukoy ni daddy.

Pumasok ako sa banyo at hinilamusan ang mukha ko. Namumula ang ilong ko sa pag iyak ko.

Nang makuntento na ko sa hitsura  ko ay bumaba na ako. Pagpasok ko sa kusina namin ay naestatwa ko sa kinatatayuan ko sa taong nakita ko.

Parang sanay sanay na sya dito. Masaya syang nakikipagkwentuhan kay Daddy. Nakita kong natawa pa si daddy sa mga sinasabi nya.

"Hija, tara na dito. Kanina ka pa hinihintay ni David."

Dahil nakatalikod sya sakin ay kinailangan nya pa kong lingunin. Nginitian nya ako. At kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata nya na ngayon ko lang nakita. Kaya natulala ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyong ipapakita. Damn it! I hate myself. Tinatraydor na naman ako ng puso ko at bumibilis na naman ang tibok nito.

"Maupo ka na dito, anak."

Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni nurse Anna. Nasa kaliwa ko ang daddy at katapat ko si David na nakangisi sakin. Inirapan ko sya na syang ikinatawa nya.

"Kumain ka na. Masarap magluto ang daddy mo," sabi nya.

Hindi ko sya pinansin. Nagsandok ako ng kanin sa pinggan ko. Aabutin ko na sana ang ulam ng maunahan ako ni David. Kaya ang  resulta nakapatong ang kamay ko sa kamay nya. Para kong napaso kaya agad kong binitawan iyon.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya. Nang tignan nya ako ay muli ko syang inirapan.

Nilagyan nya ng ulam ang pinggan ko.

"Juice or water?" tanong nya.

"I can handle myself. Kaya ko na ang sarili ko kaya hindi mo na kailangan pang gawin yan."

Tumawa silang dalawa ni daddy. Nakitawa na din si nurse Anna.

"Suplada mo naman," natatawang sabi nya.

Naiinis na tinignan ko sya. Hindi ko alam kung anong gusto nyang palabasin. But somehow, deep inside I'm happy. It seems that he's really closed to my father.

Pero hindi dapat ako magpadala sa bagay na yun. He fool me once and he can fool me again. At iyon ang hindi ko mapapayagan. Ang maloko uli at masaktan.

I need to be careful. Hindi ako pwedeng magpahulog sa patibong nya. I know him barely. Hindi ko man alam kung anong tumatakbo sa isip nya hangga't maaari iiwasan ko na sya. Not until he proved himself. That he deserved for my forgiveness. And for a second chance.

Hindi madali ang magtiwala muli sa taong minahal mo na paulit ulit ka ng nasaktan. No matter how much I tried to trust him again, there's something inside of me is afraid.

"Ang epal mo."

Inirapan ko lang sya na sinuklian nya ng tawa.

Naiinis ako sa kanya. Bakit ba sya ganito? Bigla kong naalala yung huling parte sa sulat nya.

Dahil sa oras na magkita tayo uli hinding hindi na kita pakakawalan pa at ipaparamdam ko na sayo na mahal na mahal kita.

Is he really serious about that? Nagsisimula na ba sya?

Ano bang dapat kong maramdaman? Dapat ba kong matuwa?

But I barely know myself. Hindi ko maloloko ang sarili ko. I can feel my heart beating so fasts. Pamilyar na pamilyar sakin ang pakiramdam na iyon. Dahil iyon yung nararamdaman ko sa tuwing kinikilig ako sa kanya.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon