Chapter 8

20.9K 300 6
                                    

Chapter 8

Affected

Pagkatapos naming kumain ay hindi ko na nakita si David. Agad syang umalis kanina pagkatapos nya kong tulungan maghugas ng pinggan. Hindi na ko nag abala pa na hanapin sya dahil tinatamad ako kaya naisipan ko na lang na tumambay muna sa terrace sa kwartong tinutuluyan ko. Hindi ko akalain na pati sa banda dito ay maganda din pala. May nakita kong talon malapit dito. Sobrang linaw ng tubig. Hindi ko masyadong makita ang kabuuang itsura noon dahil naliliman ito ng mga matatayog na punong mangga na nandoon. Gusto ko sanang pumunta doon kaya lang ay hindi ko alam kung paano.

Nakaramdam ako ng antok kaya nagpunta na ako sa kama. Ayoko sanang matulog kaya lang hindi ko na mapigilan ang antok na nararamdaman ko.

Naalimpungatan ako ng makaramdam ng ginaw. Naalala ko, hindi ko nga pala naisara yung glass door sa may terrace. Kaya bumangon ako para isara yun kaya lang ay natigilan ako para tumingin sa kalangitan, I smiled when I saw a lot of stars. Muli na naman akong namangha sa kapaligiran ng Isla ng makita ko ang napakadaming alitaptap sa talon na nakita ko kanina. Dahil sa kislap na taglay nila ay parang nagkaroon ng mumunting christmas lights ang talon.

Manghang mangha ako sa pagmamasid doon ng may marinig akong tumikhim sa likuran ko. Nakita kong nakatayo si David doon.

He was staring at me. At tinitigan ko din sya pabalik. There, hindi ko na naman mabasa kung anong iniisip nya. Mataman ko lang syang pinagmasdan hanggang sa dahan dahan itong lumapit sa akin.

Kaunti lang pagitan namin dalawa kung kaya agad kong naamoy ang alak sa hininga nya. Gusto ko sana syang tanungin kung bakit at saan sya uminom pero narealized ko wala nga pala kong karapatan. So, I keep my mouth shut. Hinintay ko sya na magsalita pero wala ni isang letra ang lumabas sa bibig nya. Instead, I heard him sighed. Tinitigan ko syang mabuti. At nagulat ako sa ekspresyong nakita sa mga mata nya. I can clearly see how sad he is. Agony. Pain. I don't know. But why?

Bakit malungkot sya? Bakit parang nasasaktan sya? Gustong gusto kong itanong iyon sa kanya kaya lang hindi ko magawa. Natatakot ako for some reasons that I don't even know. Kaya hinayaan ko na lang sya.

Nang muli ko syang tignan ay naging blanko na uli ang ekspresyon ng mga mata nya. Nagulat ako ng nilingon nya ako kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Iiiwas ko sana ang mga mata ko sa kanya pero huli na. Nahulog na naman ako sa pagtitig sa mga mata nya. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata nya at sa tuwing natitigan ko ang mga iyon hindi ko na magawang ialis ang pangingin ko doon.

Unti unti syang lumapit sakin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Huminto sya sa paglapit ng halos isang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa. Hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.

Pinagdikit nya ang noo naming dalawa kaya naman tumama ang matangos nyang ilong sa ilong ko. I saw him closed his eyes. Ramdam ko ang mabilis nyang paghinga. Bigla akong nakaramdam ng init ng tumama sa pisngi ko ang mainit nyang hininga. Naamoy ko agad ang alak doon subalit mabango pa din.

Hindi ko alam kung may problema ba sya. Hinayaan ko na lang syang nakaganon sa akin. Pero kinakabahan na ako. Sa sobrang lapit naming dalawa naramdaman ko na naman ang mabilis na tibok sa dibdib ko. Hindi ko alam kung naririnig nya yun pero sigurado ako na oo. Dahil ako mismo dinig na dinig ko yun. At hindi maganda ang nararamdaman ko para doon. Hindi na ako natutuwa sa reaksyon ng katawan ko kapag nasa tabi ko sya.

Tinulak ko siya dahil doon pero mabilis nya akong naikulong sa mga bisig nya. Hinawakan nya ang mukha ko gamit ang isa nyang kaliwa nyang kamay para iharap ako sa kanya. Nang magtagumpay sya ay yumuko ako.

"Look at me."

Hindi ko sya sinunod. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi pwede ito. I need to stop this now!

Huli na para maiwas ko ang mga mata ko sa kanya. Nagtagumpay sya na matignan ko sya. Ang tagal nya kong tinitigan kaya ganon na din ako sa kanya. Hanggang sa tinawid nya ang pagitan naming dalawa. Sa una ay marahan na pagdampi lamang ang ginagawa nya hanggang sa lumalalim na ito. And I can't help but to respond to his kiss.

The kiss was passionate. His tongue touches my tongue at ginaya ko ang ginagawa nya. Pakiramdam ko ay bibigay ang mga tuhod ko sa kakaibang sensayon na nararamdaman ko kung kaya ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok nya. And I felt his hand pulling my waist closer to him.

Naramdaman kong iginigiya nya ako papunta sa kama. I felt his hand unclasped my bra habang ang isang kamay nya ay naglalakbay sa aking tyan pababa sa hita. Ginaya ko ang ginagawa nya. Hinubad ko ang tee shirt na suot nya at hinaplos ang dibdib nya.

Hindi pa din napuputol ang paghalik nya sa akin hanggang sa makahiga na ako. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko na napansin na nahubad na nya ang suot ko.

Bahagya syang lumayo sa akin at tinitigan ako. Sari saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya. At hindi ko matagalan na titigan yun kaya hinalikan ko na lang sya. I heard him chuckled but I ignore it. Muli syang lumayo sa akin at binagsak ang katawan sa gilid ko. Siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko at inamoy amoy yun.

"David, nakikiliti ako," sabi ko. Pilit kong nilalayo ang leeg ko sa kanya dahil nakakaramdam ako ng init sa ginagawa nya. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa hininga nya. Niyakap nya ako ng mahigpit ng malapit na kong makawala sa kanya.

"Dito ka lang sa tabi ko." Lalong humigpit ang yakap nya sa akin at siniksik pa lalo ang mukha sa leeg ko. "Hindi kita pakakawalan, Crizelle."

Nanigas ako ng marinig ko yung binanggit nyang pangalan. Hindi ako makahinga. Naramdaman ko na naman na parang may tumutusok sa dibdib ko.

Tinignan ko si David sa tabi ko. Malalim na ang paghinga tanda na tulog na sya. Habang tinititigan ko sya ay hindi ko na napigilan ang pagkawala ng ilang butil ng luha sa mga mata ko. Agad kong pinunasan iyon.

Damn! What is this again this time? I dont know why I am hurting. Hearing from him saying a name of another girl literally broke my heart. And I dont even know why I am affected. What a fucking night!

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon