Chapter 32
Special
"Tara pasok tayo dun oh," aya ni Cassie ng makakita kami ng karaoke hub na kahilera ng mga restaurant na nandoon.
Tinignan nya kami isa isa. Nauna ng tumango si Vincent at sumunod si Aubrey.
Sumang ayon na din ako.
"Kanta ka ah," sabi ko kay David.
Nginitian ko sya. Hindi nya pa din binibitawan ang mga kamay ko hanggang sa makapasok kami sa karaoke hub.
Nippa hut style iyon pero pagpasok sa loob ay modernong moderno ang design.
Nasa gitna ang malaking tv flat screen. Sa gilid nun ay nakasabit ang dalawang wireless mic.
Pagkatapos makausap ni Vincent ang coordinator nun ay binigyan nya kami ng instruction kung paano gamitin ang karaoke.
"Anong magandang kanta, Athena?" tanong sakin ni Cassie.
Nag iisip pa lang ako ay sya na din ang sumagot sa sarili nyang tanong.
Pumunta sya sa harap ng tv flat screen at pinindot nya ang numero ng kanta na napili nya.
Habang abala sya sa pagkanta ng My Destiny ay hindi ko naman maisip kung anong kakantahin ko.
"Kanta ka din," pamimilit ko kay David.
"Anong kakantahin ko?" tanong nya sakin.
Umakto akong nag iisip kung anong gusto kong kantahin nya. Pero wala akong maisip.
Tumingin sya sakin ng nakangiti. "Ikaw naman ang kumanta, gusto kong marinig ang boses mo," sabi nya.
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Hindi naman pangit ang boses ko. Parati kaming kumakanta noon nila mommy sa bahay tuwing nagkakayayaan kaming magkantahan. Bukod sa kanila, si Lance pa lang ang nakakarinig sa boses ko.
"Please?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura nya. Nagmake face pa sya at parang bata na nakikiusap sakin.
Hindi ko na napigilan ang panggigigil ko at kinurot ko na ang pisngi nya.
Hinawakan nya ang kamay ko. Inalis nya iyon sa pisngi nya at itinapat sa labi nya.
"Kanta ka na ah," sabi nya sakin.
Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Natutuwa ako sa mga nangyayari samin. Hindi ko man alam kung ganito pa din kami sa mga susunod na araw kaya naman hangga't nandito sya ay eenjoyin ko yung mga oras na kasama ko sya.
Nakangitin akong tumayo at binulong ko kay Cassie ang gusto kong kantahin.
"Ang sweet naman," tumatawang komento nya sa kantang napili ko.
Binigay nya sakin ang mic. Hindi na ako bumalik sa tabi ni David. Naupo ako sa high chair na nandoon na katapat ng kinauupuan nya.
Nagsimula ng tumugtog ang kanta. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Muli kong sinulyapan si David.
Nahuli kong nakatitig sya sakin. Wala na ang nakangiti nyang mukha kanina. Hindi ko na naman mabasa ang emosyon na nasa mata nya.
Nanliliit ang mga mata ko na tignan ang maiitim nyang mga mata. Nakita kong nagsimula na ang kanta. Gusto kong tignan ang flat screen na nasa harap ko para sundan ang lyrics nun. Pero may kung anong magnet ang mga mata ni David at hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya.
'I was alone not long ago
Without a love to call my own
I was afraid and thought
It wasn't meant for me'Oo, takot akong magmahal noon kasi natatakot akong masaktan. Natakot ako na baka hindi ako makakita ng lalaki na katulad ng daddy ko na totoo ang pagmamahal para sa mommy ko.
